III

1 0 0
                                    

=Rutchelle point of view=

Gosh. Sa wakas, tapos na ang kalbaryo ng beauty ko. I am now free! Yeah, yeah!

"Oops, sareh." Sarkastiko kong nginitian 'yong nerd na pinatid ko. Wala naman siyang palag. Subukan niya lang at kakalbuhin ko siya.

Nakita ko naman sa gilid 'yong dalawang hinayupak. "Oh, look who's here?" Taas-kilay kong bati sa kanila. "Hello, mga bes." Kumaway pa 'ko. Oo, masakit paring makita sila at aaminin ko, bitter pa rin ako hanggang ngayon. Naiirita man ako sa malanding presence nila, pinipilit kong labanan, ayoko n magmukhang mahina. Tska, parang lumakas na rin ang loob ko sa hindi malamang dahilan.

"Rutchelle.." Panimula ni Jake, my dearest ex-boyfriend.

"Nandito ka na naman ba para magmakaawa sa boyfriend ko na mahal ka ulit? Bitter ka pa rin, hanggang ngayon?" Ngisi naman nung impaktang umagaw ng boyfriend ko, si Venice.

"Hi, queenbabe!" Napalingon naman kami sa papalapit. Inakbayan niya naman ako, "Kamusta ang aking reyna?" Ngiti niya pa.

"Hubbabe, anong ginagawa mo dito?" Nakisabay na lang ako, ayokong mapahiya sa harap ng mga cheater na 'yon.

"Namiss lang kita." Ginulo niya pa 'yong buhok ko. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Miss mo na naman kagandahan ko, ano?" Hindi 'yon biro.

Pininch niya naman 'yong ilong ko. "Syempre..."

"Ehem." Tikhim ni Jake.

"Babe, let's go. Maglalandian na lang kailangan pa dito. Tss." Sabay alis nilang dalawa.

"Ang kapal ah. Kamusta naman silang dalawa? Tsk."

"Wag ka ngang bitter dyan! Inggit lang 'yon at ako ang boyfriend mo. Hahaha. Gwapo ko diba?" Sabay kindat niya.

Sa bagay, malaking tulong na sikat si Nathan sa school. Paniguradong maraming pumapatay sa isip ko ngayong magkasama kami, anyways wala namang magbabago palagi naman nilang hinihiling na mawala ako dahil sa ginagawa kong kamalditahan sa kanila, kuno. Ako na na maldita. Psh.

"Treat kita." Biglang sambit niya.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Wala, gusto ko lang magpasalamat."

"Gratitude accepted. No need, busy ako." Sabi ko saka tinalikuran na siya at naglakad na palayo. Hinabol niya naman ako. Nasa harap ko siya ngayon at naglalakad patalikod.

"Tingin mo maniniwala 'yong mga tao na tayo kung bitter ka pa rin sa panget na 'yon?" Sabi pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi siya panget." Apila ko.

"Umaasa ka pa rin."

Napahinto ako. Tinamaan ako don ah. Aish. "Paki mo? Tsk."

"Kita mo." Reaksyon niya. "Ano bang meron sa lalaking 'yon at gustong-gusto mo 'yon, wala namang paki sayo. Nagmumukha ka lang kawawa."
Napakagat-labi na lang ako. Naiiyak ako. "Mahal ko siya, 'yon lang ang dahilan ko!"

"Woy, wag kana umiyak." Nag-aalala niya kong hinawakan pero tinabig ko siya atsaka nagtatakbo palayo.
Hindi ko na kinaya, ang sakit sakit talaga kasi. Oo na, ako na maganda pero bobo! Ako na tanga! Eh anong magagawa ko, mahal ko siya eh. Masama ba magmahal? Nagmamahal lang naman ako eh. Kaya nga kahit matigas ang loob ko noon, nasasaktan parin naman ako pero kahit masaktan ako ayos lang. Ganon ko siya kamahal, pero mukhang ako lang ang nagmamahal. Ang sakit. Sobrang sakit.

The FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon