Tipa, bura, tipa, tipa, bura, tipa, bura, bura ...Mga katagang nais sambitin, hanggang ganito na lamang ba.
Nais kang kamustahin ngunit puno ng pangamba,
na baka ako sa iyo'y makaabala.
Tipa, tipa, bura, muling titipa,
ngunit muli ring magbubura.
Ako pa ba ay naaalala?
o baka ikaw ay masaya na.
Masaya sa buhay na malaya na,
sa akin na pawang pasakit lamang ang sa iyo'y dala
Mahal, hanggang dito na nga lang ba,
ang kwento na binuo nating dalawa?
Ngunit mahal, mahal kita ...
mahal pa rin kita ...
at patuloy na mamahalin pa
dahil yan ang binitawan kong salita
sa aking puso, sa iyo at sa harap ni Bathala.
Kamusta Ka Na
- Bb. Maria
BINABASA MO ANG
Silakbo ng Tinta
PoetryLulan ng mga pahina ang mga naitagong luha, Tangan ang hinagpis at naikubling salita, Nailimbag ang bawat emosyon at palsong saya, Sa huling pahina nakalagda. S I L A K B O N G T I N T A