VIII

12 0 0
                                    

Ang buhay ay parang pagkalutang sa di malamang kinalalagyan. Maaari kang mahulog, maaari rin na umangat. Nasasayo ito, kung paano mo gagamitin lahat ng naipon mong lakas ng loob upang ipagpatuloy ang paglutang. Di ka man alalayan ng mga nasa paligid, magtiwala sa sarili. Dahil hindi lahat ng pader, nasasandalan. Hindi lahat ng tubig ay malalanguyan. Hindi lahat ng hangin, maaaring langhapin. Kung minsan ang pader pang sinasandalan ang guguho sa harap mo, ang tubig na itinuring mong kaibigan sa panahong ikaw ay nalulumbay, siya rin palang hihila pababa hanggang sa malunod ka. Ang hangin na akala mong alalay, siya rin pa lang bibitaw. Hanggang sa ikaw ay gumuho rin. Matuto kang iangat ang sarili sa sarili ring sikap. Walang ibang maaaring pagkatiwalaan kundi ang sarili.

-Bb. Maria

Silakbo ng TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon