Alaala

11 2 0
                                    

Naaalala mo pa ba kung pano tayo nagsimula?
Kung paanong ako ay iyong napapasaya.
Yung mga panahong halos araw-araw tayong magkasama.
Oras-oras, minu-minuto, bawat segundo.

Nakakatuwa yung mga panahong unti-unti aong napapalapit sayo at ganoon ka rin sakin
Tanda mo pa ba yung mga panahong masaya ako at ganoon ka rin?
Yung ikaw na gumuguhit ng ngiti sa mga labi ko at sa'yo na umiikot ang aking mundo.
Yung nagsimula akong maniwala at umasa sa mga pangako mo?

Pero ito ang bittersweet reality.
Oo nga pala, promises are made to be broken.
Nabulag ako, nabingi at nakalimot.
Nabulag sa matatamis mong ngiti.
Nabingi sa magagandang kasinungalingan
At nakalimot, oo, nakalimutan ko ...
Nakalimutan ko na hindi talaga nag-eexist ang forever.
Lahat ng bagay ay hindi nag-eexist ng panghabambuhay.
Infinity. Eternity. Walang hanggan. Walang katapusan.
Puro lang salita yan.
Masarap pakinggan, pero masakit kapag hindi na napanindigan.

At ang lahat ay isa na lang alaala.
Isang magandang alaala at napakasarap din.
Kaya siguro 'yon ang papel ng magandang alaala,
Masarap na lang balikan.
Pero matapos itong alalahanin, mare-realize mo na, wala na 'yon at baka hindi mo na muling maranasan pa.
At doon ka malulungkot,
Sa parteng hindi mo na iyon muling mararanasan pa.


Alaala
- Bb. Maria

Silakbo ng TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon