1
Tori's POV
Naglalakad ako ngayon palapit sa table kung san naghihintay yung pang 30th na pinablind date sakin nung matandang kalbo. Nakaupo siya patalikod sa pwesto ko ngayon kaya siguro hindi niya alam na papalapit na ako sa kaniya.
"Kanina ka pa?" I asked while smiling.
Yung ngiting pagtataasan siya ng balahibo.Dahan-dahan siyang humarap sakin at gaya ng inaasahan, nagulat ito na naging dahilan nang pagkahulog nito sa kinauupuan.
"I-I t-think I-I have to go." Dali-dali itong tumayo at naglakad palabas nang hindi man lang ako tinitingnan.
Lalo naman akong napangiti.
"M-Miss Tori..." Lumingon ako sa tumawag sakin.
Napaatras siya.
Binago ko naman agad yung aura ko. "Yes Harold?"
Napansin kong nakahinga ito ng maluwag. "Y-Yan po yung panghuli niyo ngayon, pwede niyo na po ulit buksan sa lahat itong café niyo."
"Finally! Sige, makakaalis ka na."
"Okay Miss Tori." Patalikod na ito nang tawagin ko siya.
"Yes Miss?"
"Pasabi kay Kalbo, ang bubulok nung mga napili niya...mga duwag."
Nagulat ito at napansin kong napalunok. "Yes Miss, makakarating po."
Pagkaalis ni Harold kumuha ako ng libro at umupo sa paborito kong part ng aking café.
"Hindi magtatagumpay yung kalbong yon." Inis na sambit ko bago binuksan ang libro.
Agad ko rin naman sinarado ang libro at pinagmasdan ang kabuuan ng MysTori.
Dito ako sa MysTORI nakikipag blindate, sa café na niregalo sakin ni Grandma nung grumaduate ako ng college 3 years ago.
Hindi ito isang ordinaryong café dahil masasabing mas mukha itong haunted house, pero ito ang dahilan kung bakit dinarayo. Gusto talaga ng mga tao ang mga kakaibang bagay.
Perotakot sila sa mga kakaibang tao tulad ko.
Tao ako, kumpleto ang katawan pero kakaiba ang interest ko. Gusto ko yung mga kinakatakutan ng iba.
Sanay na ako sa mga reaksiyon ng mga lalaking pinapablindate sakin nung matandang kalbo, pag nakita na nila ako nanginginig na sila sa takot at dali-daling umaalis. May isang nagstay at tumagal ng higit 5 minuto dahil kinukumbinsi akong aayusan daw niya ako, oo bakla siya. Kung di ko pa siya tatakutin hindi pa ako lulubayan ng bruha.
Ang matandang kalbo kasi hindi pa rin nasuko.
Speaking of, tumatawag siya ngayon.
Matandang Kalbo calling...
"Oo alam ko na, suko ka na." Nakangisi kong bungad sa tumawag.
"Sinong may sabi?"
"Ikaw, sasabihin mo palang ngayon. Alam ko namang ubos na ang connections mo at wala ka ng mahahanap na ibablind date mo sakin." inis kong sagot.
"Hindi ako kailanman susuko, aking pinakamamahal na apo."
"So, kailan matatapos to?"
"Pag may napili ka na..."
"It's impossible!"
"But what if I told you...it's possible?"
"I don't believe in love a first sight! Never. I'm hanging up, so don't call me again." Inis ko siyang pinatayan.
Yes, mukha siguro akong walang galang sa Lolo ko pero sobra na siya. Balak niya pa akong itulad kay Mommy na hindi man lang nakapagdesisyon para sa sarili niya.
Ipinakasal sa taong di niya mahal at di siya mahal, pero nung natutunan na niyang mahalin saka naman siya hiniwalayan at iniwan. Hanggang sa di na niya nakayanan at pinili niya na lang wakasan ang kaniyang buhay at iwan kaming dalawa niyang anak. Kaya para sakin, walang kwenta ang ideya ng arranged marriage.
Hindi ako kailanman papayag sa gusto niya.
Itaga niya yon sa ulo niyang makinis nga, sintigas naman ng bato.
BINABASA MO ANG
MysTORI
HumorVictoria "Tori" Sotomayor What if she met a man who's willing to help her overcome her fear? Is it the right time to give her self a chance to that four letter word or it becomes another reason why she needs to fear love? That Sadako girl should de...