Start

0 0 0
                                    

*someone's p.o.v*

"Ayoko na, gusto ko nang mamatay!" Sigaw niya habang mag-isa siya ngayon sa kanilang bahay.

Kasalukuyan siyang inaatake ng kaniyang mental breakdown, kapag nangyayari iyon, ikinukulong siya sa kwartong walang laman ng kaniyang mga magulang na kumupkop lamang sa kaniya.

"Please Lord! Pagod na pagod na ako! Gusto ko na mamatay!" Sigaw niya paulit ulit. Nagwawala siya sa buong bahay nila, kahit na ang mga kapit bahay ay gustong tumulong, wala silang magawa dahil laging naka kandado ng maigi ang pinto nila.

"Drexin! Tama na please! Drex!" Sigaw ni Aila mula sa kanilang dingding na salamin.

Si Aila ang palaging nakakasaksi ng mental breakdown ni Drexin. Siya din ang marunong magpakalma dito, siguro ay regalo na sa kaniya iyon ng Diyos.

"A-aila?" Tila nabuhusan ng tubig si Drexin noong madinig ang boses ng kaibigan.

Agad namang nakahinga ang mga kapit bahay na nag aalala noong makitang binitawan ni Drexin ang kutsilyo na kaniyang idinikit sa braso.

"Aila!!" Sigaw niya at nilapitan ito. Ngayon ay namamagitan sa kanila ang makapal na salaming dingding.

Umaagos ang sariwang dugo nito mula sa braso dahil sa pagkakahiwa. Napangiti ito noong kumaway sa kaniya si Aila.

Matapos ang ilang oras ay nakapasok si Aila dahil binuksan ni Drexin ang pinto.

"Okay ka na?" Tanong ni Aila dito.

"Ouch! Dahan-dahan lang!" Sigaw ni Drexin. Kasalukuyang nililinis ni Aila ang kaniyang mga sugat.

Si Aila ay hindi mayaman. Mahirap lamang sila, chubby siya at cute. Kaya din siguro may talent siya sa pag amo. Halos parang nanay ang haplos nito kay Drexin. Isang mabisang gamot iyon sa kaniyang kaibigan. Ayaw ni Aila ipadala si Drexin sa psychiatrist or psychologist, dahil baka lalo daw matakot iyon.

"Alam mo ba Drexin, malapit na ang christmas. Kapag christmas, birthday ni Jesus yon. Si Jesus, siya ang lumigtas sa atin sa mga kasalanan natin. Kaya hindi niya gusto na nagkakaganito ka. Gusto niya, ipinagkakatiwala mo sa kaniya lahat ng sakit at hirap mo." Paliwanag ni Aila na tila nangangausap ng isang musmos.

Tumango naman si Drexin at ngumiti. Ngumiti sa kabila ng lahat ng hirap niya.

Siya nga pala si Drexin Amellé Simeon San Diego. 16 years old na siya. "Ameley" ang basa sa second name niya. May dugong mexican ang kaniyang tunay na magulang. Pero ito ay namatay ng maaga, dahilan kung bakit mayroong mental breakdown si Drexin.

"Drex, may regalo nga pala ako sa'yo," dumukot si Aila sa bulsa niya at nilabas niya ang isang sobreng maliit na tinupi ng ilang beses.

Agad na kinuha iyon ni Drexin at binuksan. Kwintas iyon na may nakaukit na "one hope, one truth". Habang tinititigan ni Drexin iyon ay naiiyak na nakangiti si Aila sa kaniya.

"Alam mo Drex, dapat aralin mo nang kontrolin ang emosyon mo. Hindi pwedeng lagi kang talo. Paano kung wala ako? Sino magpapakalma sa'yo?" Tanong ni Aila. Ngumiti ito ng mapait at pinagpatuloy ang paglinis sa mga sugat ng kaibigan.

Agad na itinabi ni Drexin sa bulsa niya ang regalo. "Huh? Bakit ka naman mawawala? As if naman mamamatay ka!" Tatawa tawang sinabi ni Drexin. Kinuha ulit niya ang kwintas at 'di mapakaling tinitigan ulit ito.

Ngumiti na lamang si Aila sa sinabi ni Drexin. Misteryosong tao din siya Aila. Hindi lahat ng tao ay kaya siyang pagkwentuhin ng mga personal issues niya. May talento siyang bumasa ng tao, pero siya mismo, ay imposibleng mabasa.

"Aila," tawag ni Drexin at umayos ito ng pagkakaupo sa sofa. "What if, mamatay ako, saan ako mapupunta?" Nakangiting tanong nito. Si Drexin ay parang bata matapos atakihin ng mental breakdown. Pati ang pag uusap niya ay parang isang bata.

"Dipende. When you took your own life, basically, sa hell ka mapupunta. But if you got in an accident or namatay ka dahil sa sakit, it depends pa din if you have Jesus in your heart, para mapunta ka sa kaniya."

"Grabe naman. Mamamatay nalang dami pang requirements. Hehe." Hagikhik nito. Napangiti na lamang si Aila sa sagot nito.

Sa loob ni Aila, alam niyang matatanggap din niya si Jesus, na kailangan para maging maayos ang lahat. Gusto din niyang masanay ito ng wala siya dahil totoo na hindi habang buhay ay mababantayan siya nito.

Drexin, mag-iingat ka ha? Kalabanin mo ang emosyon mo. :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Hope, One TruthWhere stories live. Discover now