LIHAM (Short Message)

39 1 0
                                    

Dear Anak,

          Anak, sa mga oras na ito alam kong pagod ka. Alam kong kakatapos mo lng gumawa ng report mo na kinakailangan mo sa iskwelahan mo. Alam kong kakatapos mo lang maligo't magmeryenda. Sana kung gaano karami ang oras na nailalaan mo sa mga bagay na kailangan mong gawin eh maalala mo pa rin kame ng tatay mo't makwentuhan tungkol sa mga bagay bagay. Pagpasensyahan mo na amoy namin anak. Matanda na kame ng tatay mo kaya kung sasabihin mong maligo na kame, sana wag mo kameng pilitin. Matatanda na kame't mandali ng lamigin. Pagpasensyahan mo na kung amoy matanda kame. Kung mukha na kameng hampaslupa. Sana mapagpasyesyahan mo kame ng tatay mo. Naaalala ko pa nung bata kapa. Hinahabol kita para lang mapaliguan ka. Nagtatago ka sa likod ng cabinet at sa ilalim ng kama. Pagpasensyahan mo nadin kung hindi ka namin maintindhan. Alam mo naman kameng mga matatanda, mahihina na ang tenga. Hiling ko'y ulitin mo na lamang ng maintindihan namin ang nais mong sabihin. Naaalala ko nung bata ka, gustong gusto mong kinukwentuhan ka namen. Si Snow White at ang mga dwarfs na animo'y totoo at tuwang tuwa ka kahit paulit-ulit na lamang ang istorya ko bago ka matulog. Pagpasensyahan mo nadin kung nababasag namin ng itay mo ang mga pinggan at nalalaglag ang mga kobyertos twing hapunan. Malabo na kase ang mga mata namin. Sana alalayan mo na lamang kame kaysa sigawan at murahin. Sana'y gabayan mo den kame tulad ng pag-gabay namin sa iyo noong bata ka pa lamang. O sya't hanggang dito na lamang ito. Byabyahe na ako papunta sa kinalalagyan ng ama mo. Hayaan mo anak, sasabihin ko kay Jesus na isa kang mabuting anak at nararapat ka niyang biyayaan. Mahal na mahal kita anak <3

                                                                                                                              Nanay

                                                                                                                       Nagmamahal,

LIHAM (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon