FORGET ME NOT

2.6K 42 5
                                    

FORGET ME NOT

By: B. Dhosme

Abala si JM sa pakikipagkumpetensiya sa kanyang kuya, kaya naisip niyang makipag cool off muna sa anim na taon niyang kasintahan na si Coreen upang makapagconcentrate sa kanyang career.

Hindi matanggap ni Coreen ang naging desisyon ng nobyo at dahil sa depresyon ay nasagaan siya ng isang sasakyan habang hinahabol si JM.

Nang magising si Coreen mula sa aksidente ay nabigla ang lahat nang wala na siyang maalala sa kanyang pagkatao, nakaraan, pamilya at sa naging relasyon nila ni JM.

Pinilit ni JM na ipaalala kay Coreen ang tungkol sa kanila ngunit mukhang mahihirapan siya dahil ang childhood friend ni Coreen na si Renz ay handa na upang makipagkumpetensiya para sa pag-ibig ni Coreen.

1

"JM, wag mo na palang intindihin yung pakikipagmeeting mo kay Mr. Go, naayos na yan ng kuya mo, nakipagdeal na siya sa atin."

Nagulat si JM sa mga narinig mula sa kanyang ama habang busy itong naggogolf sa golf course sa Intramuros. Inutusan kasi siya nito na kumbinsihin ang negosyanteng si Mr. Go upang bumili ng shares sa kanilang Real Estate business pero huli na pala ang lahat para sa kanya, nakausap na ng kanyang kuya Mars ang negosyante at nakipagdeal dito.

"Magaling talagang manligaw ng negosyante ang kuya mo, tignan mo nga siya, hindi na kailangang utusan, may initiative."

Nalungkot si JM sa mga narinig, hindi ito ang unang pagkakataon na nalamangan siya ng kapatid.

"Ba't naman kasi kayo pumayag na unahan niya ako." Reklamo ni JM sa ama.

"Well, wala akong magagawa, ikaw naman kasi inuuna mo pa kasi ang ibang bagay kesa sa negosyo nating, look at your kuya, he is concentrating in our business."

Sanay na si JM na maikumpara sa kanyang kuya, dalawa lang kasi silang anak at di naman kalayuan ang agwat ng kanilang edad. Kaya nga lang sa bawat pagkukumpara na ginagawa sa kanilang magkapatid ay siya palagi ang kulelat. Mas guwapo kasi ang kuya niya, mas matalino, mas may abilidad, mas matangka at mas magaling maglaro ng basketball kesa sa kanya. Marami na ring naging achievements ang kanyang kapatid, bukod sa naging MVP ito ng basketball (na isa sa pangarap niya) ay naging presidente rin ito ng student council ar nakagraduate ng Cum Laude sa kanilang University, samantalang si JM naging Vice President ng isang college org at bukod don ay wala na.

Pinilit naman niyang abutin ang mga na-achieve ng kapatid ngunit ikinalulungkot niya na hanggang doon lang ang kaya niya.

Hindi alam ni JM kung anong gusto sabihin ng ama niya, amo pa ba ang inuuna niya sa buhay niya, yung negosyo naman talaga nila, nawalan na nga siya ng oras sa ibang bagay para lang intindihin ang meeting nila ni Mr. Go pero anong magagawa niya kung mabilis dumiskarte ang kanyang kapatid.

Bago umalis si JM sa golf course ay tumunog ang CP nito.

"Hoy JM, ano ka ba? 'Asan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito ah." Boses iyon ng six years girlfriend niya na si Coreen.

"Nasa golf course ako, kinausap ko lang si papa." Sagot ni JM.

"What! So, ang ibig mong sabihin ay nakalimutan mo na?"

Napag-isip si JM, "Ano bang nakalimutan ko?"

"It's our sixth year anniversary! Di ba sabi mo magkikita tayo dito sa Glorietta." Pagalit na sinabi ni Coreen sa kasintahan.

Napahawak si JM sa ulo niya, "Ay Coreen, sorry ha, busy kasi ako eh. Gusto mo puntahan na lang kita riyan ngayon, hintayin mo ako riyan."

"Hay naku wag na! Isang oras na akong naghihintay dito wala naman pala akong mapapala, uuwi na lang ako."

FORGET ME NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon