Three

23 3 0
                                    

#ThirdReason

"Your sense of humor can be considered as an art. It has colors that could bepaint anyone's tenebrous world. It is the greatest piece an artist could make in his lifetime."

±

I don't like you... at first. Noong una kitang nakita, there's no something special. Hindi love at first sight at wala ring sparks. You looked... ordinary to me.

Tall. Lanky. Chinito.

Definitely not my type. The thought of liking you never crossed my mind.

Kaya hindi ko talaga alam kung bakit.

First year of highschool. New school. New teachers. New classmates. New friends.

Habang 'yong iba, nakikipagdaldalan sa mga bagong seatmate nila, ako, palibot-libot ng tingin. Nagba-baka sakaling mayro'n akong dating kaklase o kahit schoolmate man lang na makakasama ko sa klase na 'to.

But unfortunately, wala.

Kaya tumahimik na lang ako at tumitig sa bintanang katabi ko. Sakto 'yong p'westo ko, second to the last row. Gusto ko pa sana sa dulong-dulo kaya lang 'yong vacant seat, napapagitnaan ng dalawang lalaki (I'm a bit awkward around boys, alam mo 'yan). Pero okay na rin 'to, may katabi naman akong bintana.

Highschool is more different than grade school. Sa grade school, may mga nakikita ka pang nagcha-chinese garter o nagtatakbuhang mga lower level sa paligid. Pero dito, kung hindi nagla-landiang couple, mga busy'ng estudyante naman. Sa cellphone, sa barkada, o sa pag-aaral man.

I heard a pitter-patter sound. A sound of heels clicking against the tiled floor. Lahat kami natahimik dahil, siguro, alam na namin na nandiyan na 'yong teacher namin sa first period.

A woman in mid 50s emerged in the room. The sound of her footsteps reverberated through the silence-infused classroom. Parang dumoble yata 'yong katahimikan namin. Hindi man siguro kami mag-salita, alam na namin na kinakabahan 'yong bawat isa. Kasi, alam namin, ito na talaga 'yon.

Our highschool life officially began.

Everyone's eyes, including mine, riverted to the door when you suddenly appeared. Nahihiya kang ngumiti. Your smile could be converted into an apologetic one, kasi first day na first day, late ka.

Tumango lang 'yong teacher natin. You looked around, seeking for an available seat. Your gaze stopped on my direction. Siguro, nakita mo 'yong upuan sa likuran ko na dapat magiging p'westo ko kanina kung hindi ko lang pinairal ang pagiging gauche ko.

You walked towards the back row. You plopped down the chair right behind me. At dahil nga dalawang lalaki rin ang pumapagitna sa'yo, you three easily got along. Naririnig ko pa 'yong mahina niyong k'wentuhan tungkol do'n sa isang mobile game na kinaa-adikan niyo.

The woman introduced herself as Ms. Salvacion. Matandang dalaga. Buti na lang hindi terror. Mukha lang talaga. Mathematics ang first period natin kaya alam ko, umaga pa lang, magiging bangag na agad ako. I'd rather read a book back to back than to solve equations. I'd rather die in boredom kaysa mamatay kakaisip kung nasaan si x at y.

At alam mo na, kapag first day, nandiyan na ang introduce yourself. I kept on peeling off the dry skin on the sides of my fingertips to lessen my nervousness. Malayo pa naman ako kasi alphabetically ang pagpapakilala (my surname starts with letter T) pero hindi ako mapakali. Lalo pang nagpapataranta (at nagpapainis) sa'kin 'yong pagkukuyakoy mo ng paa mo malapit sa upuan ko kaya pati 'yong desk ko, umuuga.

"Ate," I heard you calling out from behind. Hindi ko alam kung ako ba 'yong tinatawag mo pero humarap pa rin ako sa'yo.

Medyo nagulat ka pa nang nagkatinginan tayo pero agad ka ring nakabawi. The side of your lips rose, forming a lopsided smile.

"Nalaglag 'yong panyo mo." You said and pointed something on the floor. Truth be told, nalaglag nga 'yong panyo ko. I expected you to get it for me but I forgot that chivalry is now dead.

I didn't say anything. Yumuko ako para kunin 'yong panyo ko. Hindi ko abot dahil, wow lang, ang ikli ng braso ko. Tumama pa 'yong dibdib ko sa gilid ng desk (I freaking hate puberty) kaya napangiwi ako habang inaabot ang panyo ko.

Feeling ko, magkaka-breast cancer na ako.

I cursed you in my mind. Pinangako ko pa sa sarili ko na hinding-hindi kita kakausapin for the entire school year.

"Jian Andrew Aragon." Ms. Salvacion called out. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo ka saka pumunta sa harapan.

Mabilis akong umayos ng upo. Nakatayo ka na sa harapan. Nakangiti. Ni hindi man lang yata kinakabahan.

"Hello, classmates!" Bati mo. Ang saya-saya mo. Ikaw lang yata 'yong masaya sa thought na magpapakilala sa harapan ng mga bagong tao makakasalamuha mo sa buong taon.

"Sabi nga ni Ma'am, Jian Andrew Aragon pero p'wede niyo 'kong tawaging Jian kung sa tingin niyo ako ang pinaka g'wapo sa section na 'to." Everyone bursted into laughter, including Ms. Salvacion.

Your remark was a bit cocky. Neverthless, it didn't fail to make everyone laugh. I bit my lower lip to prevent myself from smiling.

Damn. Baliw na yata ako. Kanina lang minumura kita sa isip ko pero ngayon aliw na aliw ako sa'yo.

"Favorite subject ko ang Math." You made a face na para bang pinararating mo na joke lang 'yong sinabi mo kasi sumisipsip ka lang kay Ms. Salvacion na Math major. Tawang-tawa na naman tuloy 'yong lahat.

"Mahilig ako sa online games. Ocassionally din akong nanonood ng anime. Mystery/thriller ang favorite kong genre. Hobby ko ang paggi-gitara para kunwari, musically inclined." You unconsciously ran your fingers through your raven hair. Your grin grew wider.

"For more information, add niyo na lang ako sa Facebook tapos follow niyo 'ko sa Instagram. Username ko, jian_pogi569." The class laughed again. Tapos ikaw din, patawa-tawa. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba talaga 'yong jian_pogi569 'yong username mo sa Instagram.

Gago ka. 'Yan ang first impression ko sa'yo.

Nagsimula kang mag-k'wento about sa naging summer vacation mo kasi unfortunately, kasama 'yon sa pagpapakilala natin.

"Nag-swimming ako ng topless sa dagat. Tanghali pa naman kaya nagka-sunburn ako. Ilang araw kong ayaw dumikit kahit kanino kasi ang hapdi. Tapos pati 'yong..." you trailed off. Bigla kang natawa. "nipple ko, nagka-sunburn. Kapag tuloy kinakamot ko, paikot, para hindi masakit. Kaya lang in the end, ayaw pa ring matanggal no'ng kati."

Everyone roared with laughter again. Hindi ko namalayan na pati ako nakikitawa na rin. Namalayan ko na lang nang wala ka na sa harapan tapos nakaupo ka na sa upuan mo sa likuran ko.

"Tawang-tawa ka, ah." You whispered from behind. I felt your warm breath fanning my nape.

Goosebumps. No, I didn't feel sparks. I felt goosebumps.

"Feeling close ka, ah." I retorted apathetically.

You only chuckled.

And it's really bizarre because I found myself supressing a smile.








Five Reasons Why It Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon