#FifthReason
"I wouldn't dare try to compare your smile to things that, I know, are not enough to describe how beautiful it is. But one sentence that could sum it all up; your smile makes me tongue-tied."
±
"Kailan kaya ako mapapansin ni Stelle?" You suddenly asked out loud. Nagtaka naman ako sa sinabi mo kaya napatingin ako do'n sa direksyon na tinitingnan mo.
Stelle Salazar, the reigning Miss Intramurals for two years, was seating across our table. May kasama siyang dalawa pang babae sa table na malamang ay kaibigan niya. Tapos wow lang kasi kahit sumusubo lang siya ng pagkain, ang gorgeous niyang tingnan.
"Iba na lang pangarapin mo, 'wag na 'yan." Biro ko sa'yo pero hindi ka tumawa. Kahit nga ma-apektuhan sa sinabi ko, hindi mo ginawa.
I remember you asking that question. Ang tagal na rin pala simula no'ng magustuhan mo siya.
I suddenly want to return the question to you.
E, ako, Jian, kailan mo mapapansin?
I shook my head.
Ang tagal mo nang gusto si Stelle. First year pa lang tayo, siya na. Gusto ko mang sabihin sa sarili ko na lamang ako sa kanya (kasi ikaw na rin ang nagsabi, masama ang mag-self-pity) pero alam ko namang hindi.
There's no way na lamang ako kay Stelle. Walang-wala nga ako kumpara sa kanya, e.
Pero paano kung sabihin ko na, kahit alam kong maraming kulang sa'kin at walang-wala akong laban kay Stelle, alam kong gusto mo rin ako?
Pagtatawanan mo ba ako, Jian?
Definitely yes. I can imagine you throwing your head back, your nostrils flaring, and your eyes squinting from too much laughing.
Nakakatawa kasi ako.
I used to hate the song Teardrops On My Guitar of Taylor Swift. Badtrip na badtrip ako kapag naririnig ko 'yon.
Sa tuwing naririnig ko kasi, nare-remind ako sa sitwasyon natin.
Pero in the end, I learned to love the song. Nakabisado ko na nga 'yon nang hindi nakikita ang lyrics. Kakakinig, tumatak na yata sa marupok kong puso bawat salita no'ng kanta.
I even bought her album Taylor Swift kahit 'yong kanta lang naman na 'yon 'yong gusto kong pakinggan. Sa tuwing naririnig ko kasi, gusto kong maglupasay dahil sobrang relatable niya.
And in that way, I would be reminded that I'm not alone. I know, somewhere out there is experiencing this kind of complication.
And heartbreak. Yeah. Shit. Whatever.
Mga last few months ng first year natin, do'n mo nakilala si Stelle. Nakilala mo lang siya dahil naging representative siya ng batch natin sa Miss Intramurals. Hindi pa siya reigning no'n.
Nasa special class siya, first section naman tayo sa regular kaya do'n lang natin siya nakita. But I guess, na-love at first sight ka sa kanya.
Isang taon mo rin siyang tinitingnan sa malayo. Isang taon din akong nagdusa kada maririnig kita na pinupuri si Stelle o dina-down ang sarili mo kasi hindi ka man lang niya napapansin.
You are confident pero pagdating kay Stelle, lumilipad palabas ng bintana 'yong kompiyansa mo sa sarili.
Isang taon ko ring pinapaalalahanan 'yong sarili ko na wala akong pag-asa ko sa'yo sa mga panahon na pakiramdam ko, pinapaasa mo ako.
Isang taon ko ring itinatak sa isip ko na hindi ka sa'kin sa simula pa lang. Kahit ilang beses ko mang maramdaman 'yong paghinto ng mundo dahil sa'yo o 'yong pagkabog ng dibdib ko dahil sa presensya mo.
Third year, akala ko, okay ka na sa kanya. Pero nagulat na lang ako no'ng kalagitnaan ng school year, nalaman ko na nagka-kausap na pala kayo.
At bago matapos 'yong taon, nililigawan mo na siya.
I'm not a drama queen. I rarely cry, you know that. But after knowing that you already courting her, my shield came crashing down.
And before starting our fourth year of highschool, she already said yes.
Ang malala pa do'n, kasama pa ako sa nag-plano ng proposal mo sa kanya.
And truth be told, after the proposal, I spent the night crying myself to sleep.
I never knew heartbreak could hurt that much.
Mas masakit 'yon kaysa nang malaman kong nililigawan mo siya. Do'n para akong sinapak ng katotohanan na wala na akong pag-asa sa'yo.
I remember you asking that question tapos tingnan mo nga naman, 'yong dating pinagmamasdan mo lang sa malayo, na sa'yo na ngayon.
I remember every single thing we've been through from the very beginning. I remember them like it was just yesterday.
And now, I watched you as you took her bag from her shoulders and slinged it over yours. Wala ka man lang paki kahit pink 'yong bag niya. You still carried it for her.
Months after you two got together, you started to drift away from me.
Nawalan ka na ng oras sa'kin.
Nawalan na rin naman ako ng lakas ng loob para harapin ka pa.
I guess, it's better off this way.
Ikaw na rin naman nagsabi, 'di ba? Hindi naman tayo mag-kaibigan. Wala namang friendship na nasayang.
You whispered something to her that made her laugh. You stared at her whilst she was laughing. A smile... a genuine one was plastered on your face. It is the smile I rarely came across with. The same smile I fell for and made me wish that I was the reason of it. Too bad, I never was. It's always her.
Nonetheless, I smiled.
And on that very moment, I realized that... I need to let this feeling go.
±
I was listening to Luna by Up Dharma Down and yeah, Teardrops On My Guitar by Taylor Swift while typing this down.
BINABASA MO ANG
Five Reasons Why It Was You
Cerita PendekInk-stained fingertips. Brain-scattered phrases. Deep-seated feelings.