Four

18 3 0
                                    

#FourthReason

"Your words are like breads to my starving soul."

±

"Bakit kaya pinanganak ako ng ganito?" I suddenly blurted out. Tinaas ko dalawang paa ko sa bench saka yumakap dito (napa-dasal ako na sana hindi butas 'yong jogging pants ko). Pinanood ko 'yong iba na tumatakbo pa rin hanggang ngayon. PE natin pero ito tayo, nakasalampak lang sa bench.

"Bakit, ano ka ba?" Nilapag mo 'yong bottled water mo sa gilid ng bench. Medyo hinihingal ka pa dahil kakatapos mo lang tumakbo. Sumandal ka saka pabukang nilagay ang dalawang braso mo sa backrest ng bench.

"Ang pangit ko. Ang bobo ko. Ang clumsy ko pa." Nagulat ako sa'yo nang bigla kang bumangon saka ako tiningnan ng nanlalaki ang mga mata.

"Uy, don't say bad words!" Saway mo sa'kin. Tinapik mo pa 'yong pisngi ko kaya mabilis kong tinampal 'yong kamay mo pero himala kasi hindi ka man lang umangal.

"Anong 'don't say bad words?'" Ako naman 'yong sumandal saka tumingala. I squinted a bit when the rays of sun stung my eyes.

"'Wag mong nilalait 'yong sarili mo. Masama 'yon." Sabi mo. Binalik mo 'yong braso sa backrest pero 'yong isa mong braso, imbes na sa brim ng backrest, nilagay mo sa balikat ko 'yong braso mo. I didn't flinch to get your arm off my shoulders. It actually felt... nice.

"Bakit naman naging masama? 'Di ba, mas masama mag-boast?" Nakita ko sa peripheral vision ko na sumandal ka rin saka tumingala. I bet we look like fools. Mga feeling nasa movie.

"Masama nga mag-boast pero masama rin mag-self-pity. Saka..." you rose up then leaned closer to me. My forehead creased in confusion. Hindi ko kasi alam kung ano na namang trip mo.

"Ang cute mo kaya! Mukha kang pusa." You chortled then pinched my cheeks. Hindi ako nakakibo. Feeling ko, ako 'yong kakatapos lang tumakbo sa'ting dalawa kasi ang init ng pakiramdaman ko tapos ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko.

"Hindi ka rin bobo kasi ang galing mo sa English pati sa Science! Hindi ka rin naman clumsy. Kulang ka lang sa focus sa mga ginagawa mo."

I shook my head. I tried conceal my uneasiness. I cleared my throat kasi wow lang, pakiramdam ko, 'yong malakas na tibok ng puso ko, umabot na sa lalamunan ko.

"Jino-joke mo lang ako, e." I faux skepticism.

"Hindi, ah! Ako," tinuro mo 'yong sarili mo. "Sa tingin mo, magjo-joke?!" I nodded which made you laugh. This time, you poked my cheek. Kanina ko pa napapansin na laging pisngi ko 'yong pinagti-trip-an mo.

"Sinasabi mo lang naman 'yan kasi ikaw, na sa'yo na yata lahat, e. Matalino ka. Ang galing mo kumanta saka mag-gitara. Tapos may itsura ka pa. Hindi mo na kailangan ng effort." I didn't mean to say that. Hindi ko lang talaga mapigilan 'yong sarili ko.

I couldn't keep mum when words are scratching on the walls of my mind, begging to be told.

"Hindi kaya ako matalino. Sa Math lang yata ako nage-excel. Saka hindi rin ako magaling kumanta at mag-gitara, siguro wala ka pang naririnig na talagang magaling kaya iniisip mo 'yan. Saka 'yong may itsura..." ngumiti ka sa'kin ng nakakaloko.

"Understatement 'yon. Ang pogi ko kaya." You shrugged you shoulders, feigning nonchalance. You held your jaw and squinted your eyes. Feeling mo nasa harap ka ng camera.

I shouldn't have said that. Lumaki na naman ang ulo mo.

Hinampas kita sa balikat kaya tawang-tawa ka na naman kasi nabuwisit mo 'ko.

"Akala ko ba masama mag-self-pity saka mag-boast?!" Tanong ko sa'yo pero humalakhak ka lang.

"Pero, seriously, dapat hindi mo sinasabi 'yon. Masama talaga 'yon." Sumeryoso ka bigla. I eyed you curiously.

"E, ba't sabi mo kanina, hindi ka naman matalino saka gano'n ka-talented? E, 'di ba, self-pitying 'yon?"

"Hindi self-pity 'yon. Alam ko kasi sa sarili ko 'yong weaknesses at strengths ko. Okay sa Math, 'yon 'yong strength ko. Mahina ako sa English, 'yon 'yong weakness ko. Kailangan mong tanggapin na may weakness ka. Na may mga bagay na hindi mo kayang gawin."

"Do'n mo masasabi na maganda ka, kasi tanggap mo 'yong sarili mo. Do'n mo masasabi na matalino ka, kasi confident kang matutunan mo rin 'yong bagay na 'yon." You pointed out.

My lips curved into a smile. Mabuti na lang diretso ang tingin mo kaya hindi mo nakita 'yon.

"So, kailangan ko muna palang gumawa ng SWOT Analysis about sa sarili ko para magkaroon ng self-love?" I joked which made you burst into laughter. 'Yong braso mong nakapatong sa balikat ko, lumipat sa ulo ko kasi, wow lang, kahit nakaupo tayo conspicuous pa rin 'yong height difference natin.

"'Wag mo nang uulitin 'yon. Simula ngayon, dapat simulan mo nang maging proud sa sarili mo. Ang pangit mo pa naman kapag nage-emo." You said while tapping my head. Akala ko, seryoso ka na but your last sentence made me think otherwise.

"Jian!" I exclaimed. Sinubukan kong hampasin 'yong kamay mong tumatapik sa ulo ko pero mabilis kang nakaiwas.

"Joke lang!" Halakhak mo. Binalik mo na sa balikat ko 'yong braso mo. Sumandal ka ulit kaya naman ako, muntikan ng mapitpit sa kili-kili mo. Buwisit ka talaga.

Nonetheless, I smiled. Your words, somehow, unladen my heart.

Tinitigan ko 'yong side profile mo. Diretso pa rin ang tingin mo pero napa-wish ako bigla na sana hindi mo ko nakikitang nago-ogle sa peripheral vision mo. The loud thumping in my chest arose again. For a moment, it feels like the world stopped.

For a moment, it feels like a it's just me and you.

Five Reasons Why It Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon