Chapter 3: Anghel dela Guardia

1.1K 86 268
                                    

Malakas ang ulan at malalim na ang gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malakas ang ulan at malalim na ang gabi.

Walang dumadaan na kahit anong pampasaherong sasakyan na patungo sana bahay na tinutuluyan ko. Sa kakalakad ko ay nasira pa ang suwelas ng suot na sapatos. Kanina naman ay bumaligtad naman ang payong ko dahil sa lakas ng hangin. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga hindi kaaya-ayang mga pangyayaring sinusundan ako kanina pang umaga.

Hay naku. Ang malas ko naman!

Nawalan pa ako ng trabaho. Akala ko, nagkaintindihan kami ni Boss kaninang umaga. Ang saglit na pagkawala ko sa aking station ay nagdulot ng pagkasisante ko. Pinalagi pa niya ako hanggang alas-diyes upang mapagsilbihan ang mga nagpapakulay at nagpapa-rebond ng mga buhok. Iyon pala ay huling gabi ko na sa parlor na pinapasukan ko bilang isang assistant hairdresser.

Hindi bale, may kaunti pa naman akong savings kaya makakapag-survive pa ako hanggang makahanap na ako ng bagong trabaho.

Hiling ko na sana ay may mag-hire sa akin kaagad. Ang pera na naitabi ko ay sapat lamang para matustusan ang mga pangangailangan namin ni Tita Watty ng anim na buwan. Nagtitipid talaga ako dahil may mga maintenance medicines na ang mabuting tao na nag-ampon sa akin. Medyo may edad na kasi siya at maliit lang ang kanyang pensyon. Maswerte kami at may bahay kami kaya bawas sa gastusin na ang renta. Ang dasal ko lang ay wala sanang magkasakit sa aming dalawa o may emergency na dumating kasi hindi na kakayanin ng budget ko.

"Kaya mo ito, Annie! Laban lang!" pagpapalakas ko na ng loob upang hindi ako tuluyang umiyak sa kamalasang mas malupit pa sa ulan na bumasa akin.

Maya't maya ay may dumaan na jeepney kaya umasa ako na makakasakay na rin. Masakit na ang mga binti ko dahil sa maghapong pagtayo sa parlor at medyo mahapdi na ang talampakan ko dahil sa kakalakad sa magaspang na semento kaya uwing-uwi na talaga ako.

"Wait! Kuya! Hintay! Kuya!" sinigaw ko.

Tumakbo pa ako upang habulin ang sasakyan. Desperado na akong makauwi kaya kahit na sumabit pa ako, papayag na ako.

Dumaan lamang ang jeepney at aksidente pa akong natalsikan ng putik nang mapadaan ang gulong nito sa bahang parte ng kalsada. Pinahid ko ang dumi sa aking mukha habang pinagmamasdang lumalayo ang kaisa-isang pag-asa ko upang makauwi. Nangilid na ang luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay ako ang pinakamalas na babae sa buong mundo.

Pero kahit na iyak na iyak na ako to the highest level, pinilit ko na lamang na pagtawanan ang nangyari sa akin. Ganyan naman talaga ang buhay, kailangan lang matutong maging optimistic. Ayaw ko ngang magkaroon ng wrinkles nang dahil sa stress!

Tumingin ako sa suot na relo. Mag-aalas dose na ng madaling araw. Kaya pala kanina pa kumakalam ang aking sikmura, dalawang oras na akong palakad-lakad sa kalye at hindi pa ako naghahapunan. Malamang, almusal na ang kakainin ko. Bibili ako ng maraming pandesal at keso sa malapit na panaderya para pagsaluhan namin ni Tita Watty mamaya.

Terrence: Ang Bidang Kontrabida (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon