RESET

97 1 0
                                    



Isang puting kisame ang aking nakita nang imulat ko ang mga mata ko. Nanatili lang akong nakatingin doon. Nasaan ba ko? Napatingin ako sa may gilid ko nang may narinig akong nag salita.



"because of the accident, the areas of the brain that are vital for memory processing are damaged. I'm sorry to say but the patient is suffering from amnesia. There's no specific treatment for amnesia but there's another way to help her to recover her memory. Try to take her to the place where she spends a lot of her time" Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya.



Parang nanghina yung babae dahil sa sinabi ng doctor. Dahan dahan akong umupo sa kama at tumingin sakanya. Napatingin sakin yung babae nang napansin niyang gising na ko




"Soey!" sabi niya at lumapit saakin, hinawakan niya ang kamay ko at naluluhang tumingin sakin




"You remember me, right? I'm... I'm *sob* your mom" naluluhang sabi niya.



"Mom?" tanong ko. Tumango-tango siya habang sinasabi niya na mama ko siya.



"Ikaw ang mama ko? Sino ako? Bakit ako nandito?" sunod-sunod na tanong ko sakanya



Umiyak siya at niyakap ako. Ngayon lang nag sisink-in sakin ang nangyayari. Wala akong maalala kahit isa, kung sino ako, ilang taon na wala ako maalala!



"Ako ang mama mo at ikaw si Soey" sabi niya habang nakayakap sakin



Pinunasan niya ang luha niya at tumingin sakin.



"Naaksidente ka kaya ka nagka amnesia, pero hayaan mo na magiging okay din ang lahat" sabi ni mama



Napatingin ako sa may pinto nang may pumasok na isang lalake, nakaputing t-shirt lang siya at naka short na maong at itim na sapatos. May hawak siyang isang plastic na parang prutas ata ang laman.



"Sino siya?" tanong ko kay mama. Pinunasan niya ulit ang luha niya at ngumiti


"Siya si Shan, kaibigan mo. Siya yung nag dala sayo dito sa hospital" nakangiti niyang sabi


Tiningnan ko ulit si Shan pero umiwas ito ng tingin sakin. Pumasok siya at nilapag yung dala niya sa may lamesa sa tabi ng kama ko.


"Alis na muna ko ah, tatanungin ko yung doctor kung pwede ka nang lumabas mamaya" sabi niya sakin. I smiled and nod.


"Ikaw na muna ang bahala ha" sabi niya kay Shan at lumabas.


"Why are you staring at me? Am I a good looking that you can't look away" sabi niya. Tinitingnan ko kasi siya sinusubukan ko kasi kung maalala ko ba siya or kahit familiar lang.


"Were you my close friend?" tanong ko nang maupo siya sa kama ko.


"haayy di ko alam" sabi niya kaya sumimangot ako.


Tumayo siya at kumuha ng isang apple, inalok niya pa ako pero umiling ako, umupo ulit siya sa may gilid ng kama ko.


"We're not close but you know what, you used to follow me around" sabi niya sabay kagat ng apple habang nakatingin sakin. Automatikong napakunot ang noo ko sa sinabi niya


"Talaga?" tanong ko. Kung ganon ibig sabihin siya yung crush ko? Tiningnan ko siya ng mabuti. Ano namna kaya ang nagustuhan ko sakanya?


"Oo kahit magkaiba tayo ng school lagi kang nag tetext at call sakin kaya minsan naiinis na din ako" sabi niya. Natawa nalang ako sa sinabi niya. Halatang nag bibiro nalang siya ee.


"kahit na sabihin mo yan di ko parin alam kung maniniwala ba ako sayo o hindi dahil wala akong maalala" sabi ko at nginitian siya.














"When your memory is back, why don't you tell me if we're close or not"



~*~

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

©ALL RIGHTS RESERVED.

PLAGIARISM IS A CRIME.

ResetWhere stories live. Discover now