Chapter 2

19 0 0
                                    

Isa’t kalahating oras lang yung time niya pero feeling ko parang isang tatlong oras na hays. Pagka sabi niya ng dismissed labasan agad yung mga kaklase namin. At dahil ayaw naming makipag siksikan sakanila ay nagpahuli nalang kami

“Grabe yung prof na yun, akalain mo from 10:30-12:00 siya nag kwento” sabi ni Kyla sakin nang mapansin naming na konti nalang ang tao dito sa room ay lumabas na din kami

“Oo nga ee talagang sinaktong 12:00 niya talaga tayo pinalabas! di man lang katulad ng ibang prof na introduction lang tapos dismissed na” sabi ko. Halos ata nakwento na niya samin pati yung mga ginagawa niya nung bata pa siya. Napaisip tuloy ako, ano kaya yung mga ginagawa ko madalas nung bata ako?

Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong umakyat si Shan. Lumingon muna siya sa may gilid niya na parang may hinahanap.



Halaaa


Kinuha ko agad yung phone ko sa bulsa ko at Nakita ko yung mga message niya. Kanina pa pala niya ko tinatanong kung saang room ako! Nung nakita niya ako ay sumimangot siya bigla at nag lalakad palapit saakin.

“Kyla, siya yung kaibigan ko” sabi ko habang nakaturo kay Shan at nagpatuloy kami sa pag lalakad

“Ah siya. Ang gwapo ah! ” sabi ni Kyla sabay tingin sakin.

“Nako! wag mo yan ipaparinig sakanya baka maniwala tapos maging ggss pa hahahaha”
Natawa siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi! Pag narinig niya yan pahumble muna siya dito pero pag kami nalang ang magkasama ipagmamalaki niya yan na pogi siya! -____-

“Kanina pa ko nag tetext sayo kung nasaan ka hindi ka man lang nag rereply” napatingin ako kay Shan nang mag salita siya. Nandito na pala kami sa harap niya.

“Di ko napansin ee hehe sorry na ^^v” sabi ko. Tiningnan niya lang ako at napatingin siya siya sa katabi ko.

“Ay nga pala. Siya si Kyla kaibigan ko” sabi ko sakanya. Nginitian niya si Kyla at inilahad niya ang kamay niya

“I’m Shan, friend ni Soey” Sabi ni Shan with matching shakehands pa sila hahaha si Shan yung itsura ang bait hahaha di bagay charr!

“Tara na, at ipapakilala ko kayo kay Jarrie, nasa baba daw siya kakalabas lang nila” sabi ni Kyla kaya bumaba na kami. Lumiko kami sa may right side ng hallway ng second floor at nakita na namin si Jarrie.

“Oww new friends?” tanong ni Jarrie

“Yup, siya si Soey at yung katabi niya ay si Shan” sabi ni Kyla sabay turo samin.

“Siya si Jarrie”sabi niya. Ngumiti kami sakanya at ganun din siya.

“tara na kumain na tayo nagugutom na kami” sabi niya, nauna na kami mag lakad habang yung dalawa naman ay nasa likod namin.

Mga ilang minuto pa kami nag lakad bago kami makarating sa canteen. May disadvantage din pala pag Malaki ang school nakakapagod mag lakad katulad ngayon gutom na nga kami ang layo pa ng canteen. Pagkapasok namin sa canteen ay nag order agad kami ng pagkain, buti nalang at hindi masyado mahaba ang pila dito siguro kasi malapit nang mag 12:30 kaya di masyadong madami ang studyante dito. Pagka order namin ay umupo na kami sa isang bakanteng upuan na may pahabang lamesa, malapit sa may bintana. No choice kami pag ganitong isang oras lang ang vacant dito talaga sa canteen ng school kami kakain dahil puro restaurant at mga buildings na ang nasa labas.

“Uy Ken dito na kayo! Sabay na kayo samin kumain” tawag ni Kyla

Ngumiti lang yung Ken at niyaya yung mga kaibigan niya para umupo sa may samin, tutal pahaba naman yung mesa kaya kasyang kasya pa sila dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ResetWhere stories live. Discover now