SOEY
Wow. Ang gandaaa! Tumingin pa ko sa paligid at lalo akong namangha sa nakita ko, hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang school na papasukan ko. Bukod kasi sa malaki ang building ay malawak din 'to kumpara sa dati kong school. Iniisip ko tuloy kung may mga dating kaklase kaya ako na nag aaral dito? Mahirap kasi mag transfer sa public school kaya dito nalang ako nag aral, sayang nga ee doon pa naman nag aaral yung mga dati kong kaibigan.
"ARAY!" napasigaw ako nang biglang pitikin ako ng malakas ni Shan sa noo. Tiningnan ko siya pero hindi siya nakatingin saken.
"Para kang bata na amaze na amaze diyan, tara na nga!" sabi niya. Tumingin muna siya sakin at nauna nang mag lakad kaya sumunod nalang ako sakanya.
Si Shan yung nag dala sakin sa hospital nung naaksidente ako. Siya lang din ang lagi kong kasama mula nung lumabas ako sa hospital. Siya lang kasi yung alam ni mama na kaibigan ko yung iba kasi nasa ibang school na yung iba naman ay nasa manila, kaya nung nalaman ni mama na mag tatransfer si Shan dito sa manila sinabi ni mama na same school nalang kami dito para naman may kasama ko at tsaka mas okay na din na bumalik nalang ako dito since dito na ko lumaki.
Ang weird nga ee nung tinanong ko si Shan kung close friend ko ba siya sabi niya di daw niya alam tapos sabi pa niya bakit di ko daw sabihin sakanya kung close ba kami o hindi kapag bumalik na yung alaala ko, haynako kelan pa? di ko nga alam kung marerecover ko pa ba yung memory ko o hindi na!
"pwede mo namang sabihin hindi yung mamimitik ka pa! buti sana kung yung pitik mo mahina!" inis na sabi ko sakanya. Mabilis siyang mag lakad kaya kailangan ko pang tumakbo ng konti para mahabol siya. Bigla akong nauntog sa kanya nung bigla siyang tumigil.
"Ano ba naman yan bigla bigla ka nalang tumitigil!" inis na sabi ko. Humarap siya sakin at tsaka ginulo ang buhok ko.
"Dito na ko ah, kita nalang tayo mamayang lunch" sabi niya at naglakad papunta sa room niya at pumasok. Nakakainis talagaaa! Inayos ko muna ang buhok ko at umakyat papuntang third floor. So unfair bakit nasa third floor ang first subject ko! Buti pa si Shan sa first floor lang di na siya ma hahaggard pagpasok niya fresh parin siya samantalang ako papasok nang may pawis -.- Pagkaakyat ko sa third floor ay pumasok ako sa room 303
Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong agad sakin ang lamig na nanggagaling sa aircon, umupo agad ako sa bakanteng upuan na malapit sa may pinto. Medyo madami na din ang nasa loob ng room yung iba nag uusap usap tungkol sa mga subjects at prof nila.
Dahil maaga pa naman at medyo inaantok pa ko, naisipan ko munang ipikit ang mga mata ko kaya Ipinatong ko ang kamay ko sa arm chair at kasunod nun ay ang ulo ko. Pipikit na sana ko nang makarinig ako ng ingay na nanggagaling sa may likod kaya napatingin ako doon.
"A jjeoreo jjeoreo uri yeonseupil ttamnae! Bwa jjeoreong jjeoreonghan nae chumi daphae!"
Napatingin lahat kami sa mga lalakeng kakapasok lang. Dalawa kasi ang pinto dito sa room, isa sa harap at yung isa naman ay sa likod.
Yung naka earphone ang kumakanta pero isa lang na earphone ang nasa tenga niya at talagang feel na feel niya yung pagkanta, habang yung mga kasama niya ay tawa ng tawa. Napansin kong napa face palm nalng yung iba kong mga kaklase. Yung iba naman ay walang pake. Sila ba yung bad boy sa room katulad ng nababasa ko sa wattpad? Hahaha pero hindi naman sila mukang bad boy haha.