"Love is like playing the guitar,first you must learn to play by the rules,then you must forget the rules and play from your heart"- Anonymous
Vote for your loveteam in the comment section below with hashtag..
#KaYa Loveteam (Kaye & Aya)
#KaSia Loveteam (Kaye & Tresia)KaYa o KaSia ?
***
"Hanggang ngayon, di mo parin kayang ipaglaban ang sarili mo."Ngumiti ako.
"Kaya ko, ayoko lang. Kasi ayokong makasakit ng iba. Hindi mo alam ang ginawa ko para sa'yo. At hindi mo na dapat malaman."
"Alam ko, alam na alam ko. Ano ngayon ang iniisip mo? Mag-te-thank you ako sa'yo? but guess what, hindi, kasi sinaktan mo ang taong mahal ko."Hindi lang naman ikaw ang nagmamahal sa kanya.
Umiling ako at binuksan ang pinto ng kotse ko.
"Hindi ko naman hinihingi ang thank you mo. Hindi ko siya sinaktan, pinakawalan ko siya kasi gusto ko siyang sumaya."
"Alam mo ba na mas nasaktan ako sa ginawa mo?"hinawakan niya ako sa kamay.
"Tresia, nasayo na si Kaye diba, bakit? Bakit ka pa nandito? You must focus on your own life. Forget about mine, kasi hindi naman ako nakikialam sa buhay mo."
"Ang lakas ng loob mong sabihin yan ngayon, palibhasa hindi ikaw ang nasaktan."
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya dito.
"Tresia, bakit? Akala mo ba hindi ako nasaktan? Akala mo ba ginusto ko 'yun? Well, siguro ginusto ko 'yun kasi gusto kong mabuhay ka, kasi si Kaye ang magiging dahilan mo para mabuhay,Tapos ngayon nandito ka para sumbatan ako sa mga ginawa ko?"inikot ko ang paningin ko."Tresia, hindi mo alam ang buong istorya, kaya wala kang karapatang sabihan ako ng dapat kong ginawa, kasi tapos na ang lahat."Gusto kong maging kalmado,pero nakakainis lang kasi, ano pa ba ang gusto niya?
"Ang haba haba ng sinabi mo."nakangiti niyang sabi, kumunot naman ang noo ko. Haist baliw na ba 'to?"Apple okay na ako, wala na akong sakit, I'm a cancer survivor."
Huh?"Ahm..Congratz?"nakatulong nga si Kaye.
"Nakakainis ka na talaga Apple."nakapamewang niyang sabi.
"Ano bang gusto mong gawin ko?"
"Ma-"naputol ang sinasabi ni Tresia nang biglang may lalakeng lumabas sa pinto ng hotel.
Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi madilim na.
"Tres, nandito ka lang pala, akala ko kung ano na ang nangyare sa'y-"natigilan siya ng makita ako.
Kaye?
"Aya?"
Tatalikod sana ako pero sumigaw si Tresia.
"Apple Freya Shan!YOU SUCK!"
I CLENCHED my fist, baliw na ba siya?
Humarap ako sa kanya habang hindi parin tumitingin kay Kaye, ayokong makita siya.
Pero sa tingin ko nakatingin siya saken ngayon.
Gusto ko siyang yakapin.
"Apple Freya Shan, isa kang malaking duwag!"sigaw ulit ni Tresia.
"Tumigil ka nga!kanina ka pa talaga ah!"nanririndi na ako sa'yo!Nananahimik na ako dito eh!
BINABASA MO ANG
Let Dare Be Love
أدب الهواةAll started with a DARE SHORT STORY Paano kung magising ka nalang isang araw na lahat ng mga magagandang nangyare ay kathang isip lang pala? *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** Si Apple Freya Shan ang babaeng walang ibang ninais kundi m...