Sab's POV
Pagkatapos ng tanong ko kay Iyo kagabi, hindi na sya sumagot. Pero sinabi ko naman na pag isipan nya. Makakatulong din kasi siya sa mga broken hearted jan sa tabi tabi eh. Hay nako, Shiori Sy! Bakit ka ba allergic sa love?
Bumaba ako galing sa kwarto, dumeretso sa sala kung nasan si mom na busy sa pag-knit ng sweater ata habang na nonood ng tv. Multitasking diba?
"Mom, san po si Iyo?" Hindi ko pa kasi siya nakikita. Maghahapon na rin kasi.
"Maghapon nasa kwarto nya. Nagpahatid na nga lang ng pagkain eh." Sagot niya at bahagya lang akong tiningnan. Umupo ako sa tabi nya at nagtanong.
"Ah ganun po ba? Nga pala mom, pwedeng favor?" Curious kasi ako eh
"Ano un?" Tanong nya habang patuloy parin ang pag-kknit ng sweater.
"Can you tell me kung pano napunta satin si Iyo?" Hanggang ngayon kasi, di ko pa alam. Ngayon ko lang kaya naisipang magtanong!
Nakita kong napabuntong hininga siya bago magsalita. Pinatay ang tv. Nagpatuloy sa pag gagantsilyo pero seryoso na ang aura nya.
"23 years ago. Binigay siya sakin ng tita Helga mo. Which is my younger sister."
"Pero bakit po? They abandoned Iyo?"
"Hindi sa inabandona o ano. Ganito kasi ang nangyari..."
FLASHBACK
Isang madaling araw. Na alimpungatan ako dahil sa mga katok na naririnig ko. Pagbukas ko ng pinto. Nandun ang katulong namin. Sinabing nandun daw ang kapatid ko sa sala. Anong meron?
"Ya, pabantay muna kay Sabrina baka magising." Sabi ko sa yaya habang pababa ng hagdan. Wala kasi ang asawa ko ngayon.
"Ate.." Umiiyak siyang yumakap sakin habang hawak hawak ang isang batang nakabalot sa pulang balabal at mahimbing na natutulog.
"Helga, anong nangyari sayo?! Bakit basang basa ka?!"
"Ate... K-kailangan kong iwan ang anak ko dito *sniff* Gusto akong p-patayin ni John at a-ayokong madamay siya o kayo *sniff* Please ate.. Kailangan ko siyang i-iwan dito..." Humahagulgol niyang sabi.
"Hindi Helga! Ipapahuli natin iyang walanghiyang asawa mo. Hindi ka mamamatay!" Pasigaw kong sabi sa kanya nang may tumulo na rinng luha sa mata ko.
"Ate please, pag nalaman niya n-na nandito ko. P-pati kayo madadamay. Please lang ate, a-alagaan nyo s-siyang mabuti."
"Helga naman. Wag kang ganyan. Hayaan--"
"Bye, anak. Tandaan mo. Mahal na mahal ka ni mommy." Bulong niya sa bata habang patuloy na umiiyak. Hinalikan niya iyon sa noo, Iniabot niya sakin ang bata, niyakap ako at tuluyang umalis.
Wala na lang din akong nagawa kundi humikbi. Tiningnan ko ang pamangkin kong si Shiori. Hinalikan siya sa noo, napansin kong may sugat siya sa may kanang kilay. Bakit at pano siya nagkasugat?
END OF FLASHBACK
"So, ganun na lang un 'mmy? Bakit daw siya papatayin ni tito?"
"Hindi ko alam. Nung mga unang taon naman ng pagsasama nila ay ok naman sila. Wala namang problema." Napabuntong hininga na lang siya pagkasabi nun. Grabe naman pala ang story ni Iyo.
"Wait 'mmy alam na po ba ni Iyo un?"
"Oo, she asked me about her parents when she was 7, that time alam na niyang adopted namin siya." Ganon ?! Ako lang pala ang late dinatnan ng curiosity!
"Ah, eh ung red na scarf na lagi niyang suot?"
"Ung favorite na scarf ngayon ni Shiori ay ang fav na scarf ng tita Helga mo. Un ung pinangbalot kay Iyo ng dalhin siya dito. Iniregalo namin un ng dad mo sa kanya nung 7th bday niya. Kasabay na nga ng pagtanong nya."
"Kaya pala 'di niya mahiwalay sa katawan niya un."
×××××××××××××××××××××××××××××××
Iyo's POV
Nasa kwarto ako at...... Wala lang. Madalas naman akong ganito eh. Nakahiga, suot ang headphones. Chill lang. Minsan tulog. Ganito talaga ko pag tinatamad.
*tok tok tok*
"Come in."
"Iyo." Nakita kong pumasok sa kwarto si Sabrina. Napaupo naman ako at tinanggal ang headphones ko. Tumabi siya sakin. Parehas lang kaming nakasandal sa may headboard ng kama.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Ung sa pagiging love adviser mo? Napag isipan mo na ba? Payag ka na?" Tsssss. Un lang pala.
"Oo." Tipid kong sagot. Sasakyan ko na lang ang trip neto.
"Really?! Yieeee Iyo! Thanks!" Excited nyang sagot. May kaunting alog pa sakin.
"Grabe naman to. Kumalma ka nga."
"Haha. Oh well, peram ng laptop ah." Ano pa nga ba, eh nakuha mo na. Kinuha niya ung laptop ko na nakapatong sa side table. Binuksan nya at naglog-in agad sa facebook. Sabi niya gagawa daw siya ng account para sakin. May facebook naman ako, di ko lang madalas ginagamit. Di naman ako mahilig makipag-socialize.
"Okay! May fb na si Miss Iyo. The love adviser."
"Ang bilis ah."
"Ganun talaga. Anyways, gusto mo bang ako na lang mag handle ng acct mo?" Tanong nya. Napaisip naman ako. Pwede naman sigurong ako na lang. Pero, kaya ko ba?
"Hoy!" Sigaw ni Sab kasabay ng pitik sa ilong.
"Ako na lang, kaya ko na yan." Sabi ko sa kanya sabay kuha ng laptop ko mula sa kanya. Tila nanlaki naman ang mata nya pagkarinig nun. May nasabi ba kong mali?
"Sabrina Sy! Bat tulala ka?"
"Grabe, ikaw ba talaga yan Iyo?! Hindi ka na allergic sa love?! Sinasakyan mo na mga trip ko?!" Exaggerated na reaction nya kadabay ng pag alog alog sakin.
"Oo naman! Ano ba yan Sab. Ang brutal mo na."
"Whatever. Basta lagyan mo na yan ng profile pic, cover photo, info's and paunang status na rin. Ipapakalat ko na yan sa mga connections ko at bukas na magsstart ang pagtulong mo sa mga tao regarding sa mga love life nila!"
"Oo na, oo na." Sabay tingin ko sa laptop at nagtype na ng kung anu-ano. Bat ko ba ginagawa to? Ano nga bang mapapala ko dito?
×××

BINABASA MO ANG
The 'Thing' She Hates
Художественная проза•Iyo hates it. •She never dreamed of experiencing it. •She believes it really doesn't exist. •For her, it's the 'thing' that makes you dumb for a while... or hypnotized •That 'thing' shuts off your mind and lets your heart decide.