Iyo's POV
Bakit ang daming nakapost sa wall ko? Hala, ano 'to?! 2 days after gawin ni Sabrina ung fb account ko tsaka lang ako nakapagbukas. Pagbukas ko naman ay agad na nagkaroon ng posts sa wall ko na naglalaman ng mga problema ng mga tao. Ano ba yan. Bat may friends na agad ako? Kakabukas ko lang ah. I thought--. Si Sab.
Binasa ko muna isa isa ung mga problema. Pano ko nga ba sasagutin tong mga 'to?
"Hi miss. Actually, nag send ako ng friend request sayo kasi nakita kong love adviser ka. And thanks sa pag accept mo agad. So, sana matulungan mo ko dito. May bf na ko at bago palang kami, may bff akong lalaki. Halos 7 years ko na syang bestfriend. Nagseselos ung bf ko sa kanya kasi lagi daw kaming magkasama. Ngayon pinapapili nya ko. Sino bang pipiliin ko? eh pareho silang importante sakin?"-girl #1
Ganito pala ung mga problemang pang pag-ibig tssss. Pero syempre, i took the responsibility na maging tagapayo ng malalanding mamamayan ng Pilipinas kaya kailangan kong sagutin to.
"Girl, kung bago pa lang kayo ng bf mo, ganyan na sya. Your relationship will not work eventually. Sayang naman ung 7 yrs mo ng bff mo kung ipagpapalit mo lang sya sa bf mong months mo pa lang kilala. Mas importante ang bestfriend kesa boyfriend."
Feeling ko tuwing magbibigay ako ng advice para kong sinasapian ng kung sino...
Binasa ko ulit ung ibang problems, sinagot ko rin naman. Pero isang problema ang pumukaw sa atensyon ko.
"Miss Iyo. May gusto po ako sa teacher ko and he feels the same way towards me. I know bawal po ito sa schools especially sa school na pinapasukan ko. We already have a secret relationship pero nalaman to ng parents ko at hindi nila un nagustuhan. Gusto nila hiwalayan ko sya pero parang di ko kaya."-girl #2
Uso pa pala 'to? Kala ko pang-MMK lang ung mga ganitong kwento?!
"If he really loves you. Let him wait for you to graduate or he'll quit his job so your relationship can be legal. Pero kung ayaw ng parents mo. Make him understand. Wag mo ng pilitin ung parents mo kasi lalo pa silang di maniniwala. Nag aaral ka pa. Studies first before love."
Feeling ko tuloy, mga estudyante ngayon ang lalandi na. Nakakapagod, ang sakit sa ulo. Masyadong kompikado. Magla-log out na sana ko nung may naalala ako.
"People of this world:
Know your priorities and limitations. Hindi lahat ng bagay, aayon sayo. Make wise decisions na alam mong never mong pagsisisihan.
-Iyo"
Yan ang huli kong tinype bago tuluyang mag log out. Sabi kasi ni Sab lagyan ko daw ng ganyan eh. Nakakastress. Nakakapagod. Pero somehow i felt, nice.
×××××××××××××××××××××××××××××××
Sab's POV
Hah! Sabi na eh! Parang sinasapian talaga tong si Iyo pag nakakarinig ng problema. Kung makapag bigay ng advice kala mo ilang beses ng na heartbroken eh. In love to ngayon? tas bitter lang? Hahaha adik eh. Nalaman ko un kasi gumawa uli ako ng fb account then nagtanong ako sa kanya. Ako ung 1st na nag post! Pero syempre chika lang ung problem dun. Para lang malaman ko kung ano icocomment nya.
Nandito ko sa kwarto ko, syempre mahirap na pagnalaman ni Iyo na pinagtripan ko sya. Whahahaha sana lang di nya malaman. Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang nagring. Si Ralph! Pinindot ko agad ung answer button. Syempre bakit di ko sasagutin ang tawag ng boyfriend ko?
"Hi Babe." Ralph said over the phone.
"Hello babe. What's up?" I asked. 1 year na kami na ni Ralph and legal naman kami sa family ko. Un nga lang. Bihira siyang makapunta sa bahay dahil na rin sa work nya.
"Wala naman. I just missed your voice." Kung makapagpakilig naman to oh!
"Sus. Nga pala, kailan ka uuwi dito sa Manila?" Nasa Switzerland siya ngayon for a business trip. 2 weeks na rin siya dun at di siya nagsabi kung kailan siya uuwi.
"Maybe in a day or 2 hindi ko pa sigurado. Masyado pa kasing maraming inaasikaso dito eh. Si dad kasi eh ako pa pinadala. Sorry babe ah. Kung pwede lang kita ipadala dito antagal ko ng ginawa." He said with his oh-so-sweet voice. Kakilig naman talaga oh!
"Ok lang un. Diba nga dapat you're happy kasi sayo pinagkatiwala ng dad mo ung business jan? That means na you have the potential and he's just training you."
"Sabagay... Pero sorry talaga babe ah. Sorry... I'm really really sorry." Grabe naman tong boyfriend ko. masyado atang mabait.
"Babe, it's ok. Pag uwi mo na lang tsaka ka bumawi sakin. Ililibre mo ko!" I kidded parang ang lungkot na kasi ng boses nya eh. Problema nito ?
"Sige babe. Basta sorry ah. I'm really sorry.." His said with his sincere voice.
"Ok nga lang. O sige I'll hung up na. Good luck sa work mo." Pagkatapos nun ay pinatay ko na ung call. Ralph's 'sorry's' played again in my mind. Bakit ganon? parang i'm... nervous...
×××
![](https://img.wattpad.com/cover/21615717-288-k705001.jpg)
BINABASA MO ANG
The 'Thing' She Hates
General Fiction•Iyo hates it. •She never dreamed of experiencing it. •She believes it really doesn't exist. •For her, it's the 'thing' that makes you dumb for a while... or hypnotized •That 'thing' shuts off your mind and lets your heart decide.