Iyo's POV
11:00 am. Nasa office ako at naisipan kong magbukas ng fb. 3 araw na rin nung sinimulan ko ung advice-thingy ni Sabrina. Mukhang naging libangan ko na rin to mula noon.
Pagbukas ko ay agad tumambad ang sandamakmak na saloobin ng mga problemadong tao ng Pilipinas. I scanned it one by one at iilan lang din naman ng sinasagot ko ng personal. Nakakatamad din no. Halos pare parehas naman eh. Nakuha ng isang post ang atensyon ko. Lalaki ng nagpost at mula pa sa ibang bansa. Pero tagalog naman ung post. Pinaglolo loko ba ko nito?
"Hi miss.. Actually medyo nakakahiya kasi parang ako ata ang unang lalaking nagpost dito kaso di ko na kasi kaya eh. Medyo desperate na rin ako. Ganto kasi un, may girlfriend ako at nagkahiwalay kami ngayon, isang buwan na rin.Out-of-the-country ako for some reason. Ang masama nito, nakita ko ung ex-gf ko dito... my first love. Tumagal din ng years ung relationship namin. Nakakasama ko sya dito and i'm enjoying her company. Kaya lang, medyo naguguluhan na kasi ako. May times na ung current gf ko ung lagi kong iniisip, minsan naman ung ex ko. Tinatanong ko na rin sa sarili ko kung sino ang mas mahal ko, pero du ko masagot. Then one day my ex-gf talked to me. She wanted me back, she wants to start again. At hanggang ngayon di ko sya masagot. Naguguluhan parin ako."
Nobela ba to? Haba ng explanation eh.
"Dude, give yourself time to think. Kasi kahit anong gawin mo may masasaktan ka. Kung sa tingin mo mahal mo parin ung ex mo eh anong tawag mo sa current girlfriend mo, Rebound? Para nung nagbreak kayo may panakip butas ka? Ano ba un! Women hates it pag ginagamit mo lang sila, kahit naman sino eh. Pero kung ganon talaga, mahal mo talaga si ex. Then maghanap ka ng magandang explanation dun sa current mo. Wag mo silang pagsabayin! Ikaw lang din ang makakasagot nyan eh. Try mo magimagine ng future mo kasama ung future wife mo. Tingnan mo kung sino ang mag aappear sa utak mo."
Nahawa ko sa nobela ni kuya. Bwisit.
Matapos kong sagutin ang isang nobelang problema gamit ang isa ring problemang payo. Naghanap pa ko ng ibang masasagot. Pansin ko matapos mag post ni kuya nobela may mga lalaki na ring nagsipagpost.
"Miss Iyo, ung ex ko nakikipagbalikan sakin. Alam ko may nararamdaman pa ko para sa kanya. Pero parang nagdadalawang isip akong pumayag eh. Merong kung anong pumipigil sakin."
Hanggwapo mo naman kuya! Ikaw na binabalikan ng gf!
"Pre, sigurado ka bang pagmamahal yang nararamdaman mo para sa kanya? baka naman awa lang yan kaya gusto mong pumayag? At yang pumipigil sayo ay ung fact na hindi nag work ung relationship nyo dati kaya nga kayo nag break eh. Pre, once na alam mong di na nag work wag mo ng balikan. Tangahan na lang yang mangyayari sa relasyon nyo."
Magbabasa pa sana ko ng ilang problems nang kumatok si Mia. Inaya niya kong mag lunch at nagka yayaan daw sa isang department na hawak ko personally. Mukhang mayroong nagcecelebrate ng birthday sa kanila. Pinatay ko ang laptop ko. Inayos ng kaunti ang nagulo kong pulang scarf. Tatayo na sana ko ng makaramdam ako ng hilo kaya napaupo muli ako.
"Hoy Helga! San ka pupunta?! Isasama mo ba yang bastarda mo ?!"
"Bitawan mo ko John! Aalis na ko!"
"Hindi! Walang aalis! Dito ka lang !"
"ARGH!"
"Ma'am, ok lang po ba kayo?" Lumapit sakin si Mia. Sumakit ang gilid ng ulo ko at bahagya pa kong napayuko.
"Ok lang ako Mia. Thank you." Umiling lang ako bahagya para kahit papano ay mawala ang pagsakit ng ulo ko. It's the strangers again.
×××××××××××××××××××××××××××××××
Sab's POV
I'm Sorry.
For days, yan pa rin ang bumabagabag sakin. Ewan ko ba. Hanggang ngayon apektado parin ako sa huling sinabi ni Ralph. Months palang kaming may relasyon pero may ganitong ewan na. Parang ang bilis yata.
Nakatunganga lang ako dito habang nakatingin sa cellphone ko. Gusto kong magtrabaho pero parang wala akong gana. Nakakabwisit ma inlove! Napahawak na lang ako sa ulo ko at umiling iling.
Ilang minuto din akong ganon ng tumunog ung intercom sa table ko. Inaaya ako ng secretary ko for lunch kasama ung dept ni Iyo. Sumama ko para na rin makalimot sandali. Nakakabwisit na talaga to ah! Palabas na ko ng tumunog ung cellphone ko binuksan ko ung message sa pag aakalang importante yun pero.. Si Ralph.. Mukhang naka uwi na sya dahil gamit na nya ang dati niyang number dito sa Pilipinas.
"Let's have dinner. 7:00 pm. I'll pick you up in your office."
×××××××××××××××××××××××××××××××
Dave's POV
"Dude, ano ba yan?! Dapat na ba kaming mandiri sayo?!" Sigaw ng barkada kong si Perry pagtapos tingnan ang ginagawa ko sa laptop.
"Ano na mang masama?! Parang hindi kayo naging ganto ah!" Sagot ko naman.
"Tsssss. Di naman kami nabaliw ng ganyan no!" Sabat ni Tim
"Oo nga, mukha ka na kasing stalker jan eh."
"Inlove lang yan.."
Natigilan ako at hindi na nakasagot. Posible kaya?! Ang bading naman!
×××

BINABASA MO ANG
The 'Thing' She Hates
General Fiction•Iyo hates it. •She never dreamed of experiencing it. •She believes it really doesn't exist. •For her, it's the 'thing' that makes you dumb for a while... or hypnotized •That 'thing' shuts off your mind and lets your heart decide.