Chapter 1: Long Time No See
Hannah's POV:
"Atom is the basic chemical unit of matter is made up of nucleus containing positively charged protons and uncharged neutrons sourrounded by a cloud of negatively charge electrons."
Boring.
Hindi ko ba alam sa dami ng ididisscuss nito ni Ma'am Reyes yung about atom pa. Eh kahit nung elementary tinuturo na yan eh. Parang ang sarap matulog na lang at gigising na ako pag dismissal na.
"Ms. Gonzales..." rinig kong tawag ng prof ko sakin.
Medyo nawala yung antok ko nung tinawag nya ako, and im sure pagpupuntiryahan na naman ako nito. Patamad naman akong tumayo at saka isinilid ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng uniform ko.
"Yes Ma'am?" sabi ko at pansin ko naman na napataas ng kilay si Ma'am Reyes sakin.
Sarcastic naman yung ngiti nya sakin at saka nilapitan ako nito sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako ako dun sa abstract art nyang nakasulat dun board. Ayoko kasing tignan si Ma'am Reyes baka humagalpak ako ng tawa pag nakita ko yung pagmumukha nya. Damn why am such a bitche today?
"Daydreaming at the middle of our discussion huh?" aniya.
Pansin ko naman na tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. I just flipped my hair and cross may arms and waiting dun sa susunod nyang sasabihin.
"Anyways, what are the top essential elements for life?" tanong nya.
Patamad naman akong tumingin sa kanya bago ko sagutin ang tanong nya.
"Seriously Ma'am, atom po ang topic natin paano tayo na- "
"Just answer my question Ms Gonzales, or else im gonna kick you out."
"Paano kung nasagot ko? Ikaw ang lalabas?"
Narinig ko naman na nag 'ohhh' yung mga kaklase ko samantalang ako nakikipagsukat ng tingin kay Ma'am Reyes.
"The top essential elements for life are calcium, sodium, potassium, magnesium and iron Ma'am Reyes." Sabi ko at pinagdiinan ko pangalan nya sa huli.
Narinig ko naman na nagpalakpakan ang mga kaklase ko sa sinabi ko. Tumalikod naman sya sakin at saka bumalik sa pwesto nya kanina.
"W-Well exceptionally good answer Ms. Gonzales and class as for your homework. Study the importance of top essential elements of life." At saka binalik nya sakin ang tingin nya. "And also Ms. Gonzales stop daydreaming to my class. Anyone dismisses."
Kanya kanyang tayuan naman ang mga kaklase ko ng makalabas na si Ma'am Reyes. I just mouthed sa huling sinabi nito at pansin ko naman na nagtawanan ang iilan sa mga kaklase kong nasa classroom pa.
"Ibang klase ka talaga Nana..." sabi ng isa sa kaklase ko bago ya lumabas ng classroom.
"Galing mo talaga!" si Hanzelle pagkatapos ay mahinang hinampas ang braso ko.
"Hindi ko talaga gets yang si Ma'am Reyes at lagi na lang akong pinagiinitan sa klase natin. Eh paulit ulit lang naman yung mga tinuturo nya."
"Ewan ko sayo Nana, sana may ganyang utak din ako katulad mo para kahit gisahin ako ng mga prof natin napapanganga sila." Ani ni Hanzelle at saka ngumuso ito.
Binalewala ko na lang yung sinabi ni Hanzelle at isinukbit ko na lang yung bag ko sa balikat ko at saka sumunod naman syang lumabas. Pero bago nga pala ang lahat ipapakilala ko muna ang sarili ko sa inyo. Im Hannah Gonzales a.k.a Nana, 23 years of age. Im just an ordinary girl and aminado ako na maattitude ako. Physical figure? Hmm... Sabi ni Hanzelle mukha daw akong doll as in literal na manika. Pero sabi lang nila yun bahala ka kung maniniwala ka.
BINABASA MO ANG
Fabricated Heart
Ficción GeneralAminado si Hannah na isa syang bitter dahil sa nangyari sa kanyang nakaraan. At lagi nyang sinasabi sa kanyang sarili na nakamove on na sya at kinalimutan na nya ang lahat. Hanggang isang araw bigla na lang dumating ang taong syang dahilan ng pagigi...