Chapter 5: The Confession
Hanzelle's POV:
Pinauna ko ng pauwiin sila Hannah dahil may gagawin pa ako sa major ko. Nakakainis kasi tong mga kagrupo ko sa case study at hindi man lang sumasagot sa group chat namin, lahat sila nakaseen! Kaya kinausap ko ang prof ko na isosolo ko na lang ang case study at ipapasa ko rin within this week. Wag silang mag makaawa sakin pag wala silang grade.
Naglalakad naman ako sa hallway ng makita ko sa malayo si Henry na nakahalukipkip habang naglalakad sa malayo. Agad naman akong nagtago gamit ang folder na hawak ko ngunit huli na ang lahat kasi...
"Hans!" sigaw nya habang papalapit sakin.
Alanganig kumaway naman ako sa kanya at nang makalapit naman sya sakin napahigpit naman yung hawak ko dun sa folder dahil sa kaba.
"H-Hi?" bati ko sa kanya.
"Hanzelle, ilang araw na kitang hinahanap eh may problema ka ba sa akin?
"H-Huh? Hindi ah? Bakit kita iiwasan?" at saka umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Eto." Pinakita nya sakin yung notebook na pinagsulatan ko ng feedback about dun sa binake nya na donut. "Totoo ba tong nakalagay dito?"
Inagaw ko naman sa kanya yung notebook na pinagsulatan ko at nakita ko naman yung naisulat ko doon. Agad ko namang naisara yung notebook at itinago mula sa likuran ko.
"Is it true that gusto mo ko?" tanong nya.
Halos lumabas na yung puso ko sa kaba. Hindi pa ako ready para sa mga ganitong bagay pero dahil gumana na naman ang katangahan ko kailangan kong sagutin yung tanong nya.
Bakit ba natatanga ako pag dating sa kanya? Langya ang corny ko na.
"Kasiii.... Ano ehh..." at saka kinagat ko yung ibabang labi ko.
Paano ko sasabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya? Ang wrong timing naman ng confession na to oh! Tsk!
"Akala ko ba crush mo si Josh na kablockmate ko?" tanong nya.
"H-Hindi ah! Ikaw kaya yung gusto ko!"
Hala!
Nakatingin lang sya sakin at tila hindi nya ma absord yung sinabi ko. Naloko na.
"Pero alam mo naman na si Nana ang gusto ko diba? Nagpatulong pa nga ako sayo na ilakad ako sa kaibigan mo diba?"
"Alam ko yun Henry..." malungkot na saad ko sa kanya. "Gusto lang naman kita lilipas din naman to." At saka ngumiti ako sa kanya.
Ngumiti naman ako bago ko sya talikuran ngunit...
"Pasenya na Hans hindi ko kayang suklian yung nararamdaman mo sakin. Kung natuturuan lang amg puso ko nakagawa ko nya. "
Hindi ko na sinubukan na lingunin si Henry sa sinabi nya hanggang sa maramdaman ko na may bigla na lang tumulo sa aking mata. I know it's hard for me na kalimutan sya dahil hindi na basta basta ang nararamdaman ko sa kanya.
Ano ka ba naman Hanzelle? Malinaw na walang gusto sayo yun kaya tumigil ka na.
Tumakbo na lang ako palayo at hindi na pinansin yung mga taong nakakabangga ko. Mukha na akong tanga dahil nakatingin sila sakin at naririnig ko ang bulung-bulungan.
Ang sakit.
Harold's POV:
"Good morning sir!"
"Hello sir!"
"Hi Sir!"
Ilang bati ng mga estudyante habang naglalakad ako tanging ngiti lang ang sagot ko sa kanila. Pahapyaw ko namang sinilip ang aking relos para icheck ang oras.
10:14 am
Maaga pa kaya may oras pa ako para paghandaan ang quiz ng mga estudyante ko. Nang makarating na ako sa faculty nakita ko naman na nakatayo si Hannah sa pinto at may hawak na brown envelope. Agad ko naman na nilapitan sya at napansin nya ang presensya ko.
"Take this." Aniya habang inaabot sakin ang brown envelope na hawak nya.
Nakatingin lang ako sa hawak nya at hindi ko inabot yun, alam ko na kung ano ang alam ng envelope na hawak nya. Tumingin naman ako sa kanya at inip na hinihintay na abutin ko ang hawak nya.
"Sa loob tayo mag usap." Sabi ko sa kanya.
Inis naman nyang hinila ang braso ko at padabog na inabot sakin ang hawak nya. Nagkatinginan naman yung mga tao sa paligid namin. Kinuha ko naman ang hawak nyang envelope at hinila ko na sya papasok ng opisina ko. Ramdam ko naman ang pagpiglas nya sakin at nang makarating na kami sa opisina ay binawi nya sakin ang braso nya.
"Ano pa ba ang gusto?" inis na sabi nya.
Kinuha ko naman yung papel na nasa loob ng envelope na hawak nya at pinunit ito. Nanlaki naman ang mata nya sa ginawa ko kaya sinampal nya ko. Galit na inilingon ko sya at bakas naman ang luha sa mga mata nya.
"How dare you to do this to me Harold?! Hindi ba ito lang ang kailangan mo?! Mali talaga yung desisyon ko na puntahan ka rito eh." Galit na galit na sabi nya sakin.
Inis ko naman na nilapitan ito at itapon sa harapan ang isang piraso ng papel na pinunit ko.
"Kahit hindi mo ko puntahan dito Nana ganyan lang ang gagawin ko lahat ng divorce papers na ipapadala mo."
Ngumisi lang ito sakin at napailing na lamang sa sinabi ko. I know she really hates me dahil sa ginawa ko pero hindi ito ang inaasahan ko na mangyayari samin. I just fucked up and I don't know to get her back to me.
"You know what Harold pinapahirapan mo lang ang sarili mo, nakakadissapoint lang kasi pinunit mo yung pinaghirapan kong papel na yan. Why don't you take it as a wedding gift?" aniya.
Tumalikod naman sya sakin at saka naglakad palayo, ngunit bago pa ito makalabas ay huminto muna ito at saka ako nilingon.
"And please be happy..." she said.
Pinunasan naman nya ang kanyang luha at tuluyan na syang umalis. Inis na dinabog ko sa mga gamit ko sa lamesa at hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko.
Hannah's POV:
Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang hikbi ko. I tried to fix myself habang naglalakad ako palayo at muling napatingin sa pinto ko saan ko sya iniwan. Napangiti na lamang ako habang tinignan ang nakasulat dun at dahan dahan na pinasadahan ng kamay ko ito.
Mr. Harold Del Valle
Chief Executive Officer of Stream University
"I really miss you my hubby." As I said then other tears came into my eyes.
Pinunasan ko na ang luha ko at hindi ko naman inaasahan na makita si Henry sa harapan ko.
"Hannah?"
"Anong ginagawa mo rito Henry?"
Napalunok naman ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi kaya narinig nya ang sinabi ko?
Im dead.
![](https://img.wattpad.com/cover/21938903-288-k420731.jpg)
BINABASA MO ANG
Fabricated Heart
Ficción GeneralAminado si Hannah na isa syang bitter dahil sa nangyari sa kanyang nakaraan. At lagi nyang sinasabi sa kanyang sarili na nakamove on na sya at kinalimutan na nya ang lahat. Hanggang isang araw bigla na lang dumating ang taong syang dahilan ng pagigi...