**********
Badtrip talaga! Aish! Ang sarap pumatay! Ikaw ba naman maghintay ng 3 oras sa taong di naman pala dadating! Argh! Nakakaasar talaga! Dapat kasi hindi paasa! Shet! -_-
"Saan ka na pupunta? Magkikita na ba kayo nung hinihintay mo?" tanong nung guard na kanina ko pa kausap habang naghihintay. Halos naikwento ko na nga ang talambuhay ko sa kanya, magbabandila na lang! Wala pa rin! Kita ng may project pa kaming gagawin! And to think na malapit na ang deadline ng project na yun! Shet! Mamamatay talaga kami pag nagkataon! ARRRRRRGGGGGGHHH!!!! Baka bukas, nasa kulungan na ako... Jannique Kim, the murderer... Ako si Jannique Kim... Kuya ko sila Xiumin at Francis Kim.
"Aalis na ako Manong! Wala atang balak dumating yung taong yun! Nako manong! Ipanalangin mo na hindi ako makapatay pag nagkita kami!" tumawa lang si manong.
"O sige iha. Haha. Susuportahan kita sa gusto mo! Haha. Joke lang!" haha. Close talaga kami ni Manong guard. Kaya pag nali-late ako, okay lang. Haha
Pumunta na ako sa terminal ng bus. Ayoko talagang sumakay ng bus. Natatakot ako. Bwisit naman kasi eh! Hindi na tuloy ako nagpasundo kay kuya. Hindi ko naman sa maitext kasi empty battery na yung phone ko. Shete! Wala talagang kwenta!
Nung nakasakay na ako, bigla akong kinilabutan. Huhu. Wag naman sanang mangyari ang iniisip ko.
After some minutes, inaantok na ako. Ito ang ayaw ko eh. Lagi akong inaantok pag sumasakay sa bus. Kaso di ko na kaya! Napagod ako kakahintay sa isang taong walang kwenta! Aish! Ayoko ng isipin! Naiimbyerna ako! ZZZZZZZZZZZZZZZ
Naalimpungatan ako... Parang may nakayakap na sa may bewang ko... Huhu. Ito na ata yun. Huhu. Ang malas naman! Bakit saken pa pumunta tong lintek na manyakis na ito! Pilit kong inaalis yung kamay nya sa bewang ko. Pero hindi ko matanggal. Tapos hinahawakan yung kamay ko. Hindi ko na kaya to. Huhu. Natatakot na ako.
Sinilip ko yung mukha nung lalaki. Kyaaah! Huhu. Nakakatakot! Mukha syang masamanng tao! Nakasumbrero kasi sya, tas nakamask at nakashades. Huhu. Sindikato ata to! Ta's ang init na init ng panahon, tas nakajacket sya. Kahina-hinala talaga. Gumalaw ako ng konti, baka kasi tanggalin nya yung kamay nya. Pero hindi talaga eh. T_T huhu. Ayoko na talaga. Tinatanggal ko na talaga yung kamay nya sa bewang ko, pero ang higpit talaga.
"Ano ba? Bakit mo ba tinatanggal yung kamay ko? Aish!" sabi nung lalaki. Hindi ko naman to kilala kasi di ko kilala yung boses. Medyo paos sya. Ehhh! Nakakakilabot!
"E-eh! S-sino ka ba? *sob*" ayan naiyak na tuloy ako. Baka kasi mamaya, wala na ako sa mundo. Baka ibenta ako nito, tas chop-chopin. Natatakot ako.
Hindi lang kumibo yung lalaki... Natuluyan na akong umiyak. Kung dumating lang kasi yung taong yun eh! Edi sana, wala ako dito sa kasumpang sumpang bus na to.
*****The Manyak's PoV
Bakit kaya umiiyak sya? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Inaantok lang ako, kasi masama ang pakiramdam ko. At yun nga lang, ang sarap talaga nyang yakapin. Nilalamig pati ako...
Inaalis nya yung pagkakayakap ko sa kanya. Aish! Ang kulit talaga! Inalis ko na yung pagkakayakap ko sa kanya, tas pinaharap sya saken.
And shock has written all over her face.
*****Jannique's PoV
Nagulat na lang ako nung biglang pinaharap nya ako sa kanya. Another set of tears roll down my face. Bakit parang ang tagal makarating sa amin. Huhu. Ayoko na dito!
"Huy! Bakit ka umiiyak!?" tanong nung manyak. Huhu. Bobo ata tong manyak na to eh! Ikaw ba naman manyakin? Huhu! Kung nakakagalaw lang ako! Ihahagis ko sya palabas ng bus na to!
"Huy, baby! Wag ka nang umiyak! Ssh... Don't cry!" ha? Baby? Lakas lang ng loob ng manyak na to manawag ng endearment namen ni Baekhyun!
"Sino ka ba? Umalis ka nga dito! Napaka manyak mo!"-ako. Wala naman sigurong nakapansin.
"Ha?" yung manyak. Wow tong manyak na to ah?!
"Anong ha? Umalis ka dito! di kita kilala no?"-ako...
"Baby, galit ka ba saken? Sorry na! Hindi ko naman sinasadyang pag hintayin ka eh. Jannique, baby! Sorry po!" yung manyak. Tas niyakap ako. Napanganga ako. Ta's tinanggal nya yung mask nya at shades nya... At yung boyfriend ko... Yung manyak?
"Sorry na baby! Hindi agad kita napuntahan! Nilalagnat kasi ako eh! Sorry na po talaga!"
_____The end <3 <3 <3
--------------------------------------
Yehet! Tapos na! ehehe. Mukha ba syang Baekhyun One-shot? haha. Sorry :)))))))
:Eyeliner's Girl621