“Hello tita Lorie?”
“ Oh Jam napatawag ka.”
“Tita , I have a project now and I need your help. Di ba may mga compilation songs ka. Pwede ko bang mahiram. Kailangan ko lang talaga.”
“Ah sure kunin mo na lang dito sa bahay.”
“Dadaanan ko na lang tita.”
“Okay. Hihintayin kita.” Sabay baba ng telepono.
“Sino iyon ma?” tanong ni Dianne. Umupo ito sa couch.
“Si Jam may kukunin lang daw.”
“Ah si Jam doon pa rin ba siya nagtratrabaho sa Company ni Tito Felix.”
“Oo. Siya na ang Head ng Recording Department.”
“Dadating ba siya?”
“Oo.” Sagot ng ina ni Dianne.
&Mystery Girl&
“Hi tita, Dianne.” Bati ni kimmy pagpasok niya.
“Oi Kim nandito ka pala.” Sagot ng tita Lorie niya.
“Pinabibigay po ni Mama.” Sabay abot nito sa dala nito.
“Salamat. Ilalagay ko lang ito sa ref ha. Diyan na muna kayo.” Sabay alis nito.
“Hey Kimchie, Halika.” Sabay hila nito sa kanya. Pumunta sila sa isang kwarto. Bumungad sa kanya ang isang bakanteng kwarto. Maraming mga shelves. Puro mga cd at plaque ang mga naroroon. May isang malaking piano sa gitna nito. Napakalinis ng lugar.
“Here, tugtugan mo ako. Matagal na rin akong hindi nakakarninig ng live instrumental music. Pagbigyan mo na ako. Minsan lang naman ako nagrerequest eh. Umupo ka na. Kahit ano lang ang patutugtugin mo. Okay lang sa akin.”
Walang nagawa ang dalaga. Nakaupo na siya sa harap ng piano. Itinaas niya ang cover ng piano at kinuha ang copy nito. Tutugtug na sana siya ng bigla may naalala si Dianne at nag-excuse sandali. May kukunin lang daw ito sa kwarto niya at babalik agad. Naiwan siya sa loob. Tiningnan niya ang paligid. Ngayon lang siya nakapasok dito. Hindi niya alam na meron palang music library dito. Malaki ito at sound proof. Napatingin din siya sa piano. Sinimulan na niya ang pagpapatugtug nito. Pinatugtug niya ang A thousand years by Christina Perri at sinabayan na rin niya ng pagkanta.
Nang matapos niya ang kanyang pagkanta ay bigla na lang may nagsalita sa likod niya.
“Sounds familiar.” sabi ng baritonong tinig. Napalingon siyang bigla. Nakita niya ang isang lalaki na nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto. Gwapo at matangkad ito. Hindi niya kilala ang lalaki.
“Ha? Anong sabi mo? Sino ka? Bakit ka nandito?”
“I’m Jam. Lorie’s nephew. And you are?”
“Kim. My mom is her bestfriend.”
“Ah okay. Maganda at magaling ka. Nagustuhan ko ang boses at pagtugtug mo. Ngayon ko lang nalaman na may kilala pala si tita na isang tulad mo. Mabuti naman at nagkakilala tayo. Nice meeting you.” Sabi ni Jam na nasa hitsura nito ang pagkamangha sa nasaksihan.
“Ha? Nakita at narinig mo ang lahat?”
“Oo. Sorry at pumasok ako ng walang pahintulot. Akala ko kasi si Dianne ka at pumasok na lang akong bigla. Narinig ko ang pagkanta mo at hindi ko mapigilan na pakinggan ito hanggang sa huli. Bakit nahihiya ka ba?”
“Eh…hindi naman. Pero, Jam pwede bang kalimutan mo na lang na may narinig ka.”
“Bakit naman? Hindi ba nila alam na….”
BINABASA MO ANG
Mystery Girl
Teen FictionKimberly dreams to be a famous singer in the whole world just like her famous artist father. Ngunit sa nangyaring kahihiyan noong bata pa siya ay hindi na siya makakanta sa harap ng maraming tao. Lumaki siya na dala-dala ang traumang iyon. Hanggang...