Chapter 5

45 0 0
                                    

Pagkagising ni Kim ay dumeretso na siya sa banyo naligo at nagbihis. Bumaba siya at pumunta sa kusina. Naririnig niya ang balita,malakas ang volume ng tv nila sa kusina. Nakita niya ang kanyang mama na naghahanda ng almusal. Napatingin ito sa kanya  ng mapansin siya.

“Good morning honey.”

“I love you mom.”

“Kumain ka na. Heto oh.” sabay abot sa kanya ng plato.

Kumuha na rin siya ng kanin at ulam. Sabay silang napatingin sa tv nang magflash report na ang kanilang paboritong tv host na si Gretchen Solen.

“Good morning mga kasama. Heto na na naman ang iyong lingkod Gretchen Solen. Magsasama-sama na naman tayo sa konting oras na ito. Kumusta na kayo? Sana naman ay okay kayo dahil isang magandang balita na naman ang pag-uusapan natin ngayon. Excited na ba kayo sa ating latest topic for today? Abay dapat lang na excited kayo dahil ako ay excited na excited na sa  mga nagbabagang balita….trending topic…. MYSTERY GIRL.Who is this angelic voice that strikes the  heart of  the whole country. Sino nga ba itong misteryosong babae na nagpapatibok ng mga puso ng mga kalalakihan at pati na rin ang mga puso ng mga kababaihan. Kung maririnig mo lang ang boses niya ay parang feeling mo ay lumulutang ka sa ulap. Malaanghel ang tinig at hindi pagsasawaan na babalik-balikan na pinakikinggan ang kanyang  mga kanta kahit revival lang ito. Kahapon ni-launched ang unang revival song ni Mystery Girl na “One Love” ni Acel Bisa in her own version. Kahit sa unang pagsalang pa lang ng kanyang kanta ay maraming mga natatanggap na positive comments ang  No. 1 station in the country marami ding mga request na ipi-play ulit ang kanyang kanta. Simula ng  ipatugtug ang kanyang kanta ay parang bomba lang itong sumabog sa buong sambayanan. Usap-usapan sa lahat ng social media. As of today sa lahat ng  radio station ay ito ang number one requested song. Sino nga ba itong new discovery talented singer na ito? Kung sino ka man ay magpakilala ka para naman ay mapabigyan mo ang iyong mga avid fans. Niresearch ng aming staff ang facebook page at twitter account official ni Mystery Girl. Para sa mga fans niya tingnan niyo lamang ang kanyang email address na naka flash sa inyong tv screen. Para sa iba pang mga balita ay sa aking pagbabalik….”

“Ganoon na siya kasikat? Wow ang galing niya ha. Narining mo na ba ang tungkol diyan?” manghang sabi ng kanyang ina.

“Hmn… oo mom narinig ko ang kanta niya kahapon sa radio. Lagi ring pinatugtug ang kanta niya.”

“Talaga, hindi kasi ako nagradio kahapon. Mapakinggan nga mamaya. Nacurious din ako.”

Maya-maya ay tumunog ang door bell. Tumayo si Kim at  binuksan ang pinto. Isang  delivery boy ang nabungaran niya. Inabot sa kanya ang isang dyaryo.

“Salamat.” Ngumiti lamang ang delivery boy at umalis na. Bumalik siya sa kusina dala-dala ang dyaryo.

“Sino ang dumating?” tanong sa kanya ng kanyang ina.

“Delivery boy mom.”

“Ah iyan na ba ang latest issue?”

“Oo, heto.” Abot niya dito. Kinuha ito ng kanyang ina at inilagay sa tabi ng kanyang pinggan.

“Kailan pa bumalik ang hilig mo sa pagbabasa ng dyaryo mom?” takang tanong niya.

“Mga ilang araw na rin siguro. Nabo-bored na kasi ako dito sa bahay eh.”

“Ah... Okay din naman iyan para updated ka sa mga balita.”

“Marami din akong natutunan dito.”

 “Ay mom, baka matatagalan ako mamaya may tatapusin  pa kasi ako at nagyaya din si Nathan na magdiner sa bahay nila. Tapos dederetso na kami sa Jamming nila mamaya.”

Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon