Hawak kamay

6 0 0
                                    

Hawak kamay nating tinahak ang ating mahigit apat na taong relasyon, ang distansya natin noon ay laging magkalapit kasi alam ko mahigpit ang iyong kapit,

Masasayang ala- ala kapag umuuwi ka minsan ay 10 araw lamang minsan ay higit pa, ikaw ang nagturo sa kin ng mga bagay bagay, ang magkanobyo noon ay parang makulay, kasama na ang pagtitiwala at pasensya lalo na sa relasyon nating laging magkahiwalay.

Ikaw ang nagbukas ng puso kong akala koy di na matututong umibig, nagtiwala ako na iyo akong pakakamahalin, tinuruan mo akong umasa at magdesisyon para sa dalawa dahil 33taon akong mag isa, mga desisyong kelangang pag usapan muna dahil sanay akong nag iisa,

Hawak kamay nating tatahakin ang magandang bukas dahil tiwala ako na akoy iyong gagabayan at hahawakan, ngunit nito lamang october 2018 ay bigla kang nanlamig at tinalikuran, walang kaabog abog at sinabi mong di mo na ko mapapakasalan,

Kamay na humawak sayo ng mahigit apat na taon, biglang bumitiw ng ganun ganun na lamang, parang kay daling iwaksi ang kamay na ito parang walang kwenta ang pinagsamahan.

Kamay na akala koy hahawak sa akin hanggang sa huli kahit sa pagtanda koy ikaw ang kakapit, pero ngayon ay wala nang ibang kakapit, dahil tinanggal mo na iyong kamay na nakakapit.

Hahawak ka ba? ... kung siya ay bumitaw na!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon