Hahawak ka pa ba o bibitiw na

16 0 0
                                    




Magkahawak ang ating kamay ng ilang taon, apat na taong mahigit pero kaydali mong kinalimutan,

Ang distansya sa pagitan natin noon ay parang kaylapit, walang sawang nagtatawagan at nag iiwan ng mensahe paminsan minsan,

Milyang distansya ay walang saysay dahil pareho tayong nagtatawagan, kapag may problema ay lagi mo akong sinasabihan,

Pero bakit ngayon ay simpleng mensahe na lang ang iyong reply- "ok, yes, papasok na, ingat ka jan" ilan lamang sa reply mo iyan,

Bakit ang mainit na pagmamahalan ay biglang nanlamig, parang kaydaling iwaksi ang mga pinagsamahan,

Mensahe moy, di ko maintindihan dahil pawang pamamaalam at pagsasabi ng humanap ka ng iba, marami pa dyan,

Hindi dun sa problemadong katulad ko at walang sabit na pwede kang pakasalan,

Nagsimula kang manlamig, biglang bigla naman, dahil ba sa problema mong kala moy, akoy dagdag lamang,

Di ba sa isang relasyon dapat laging nagdadamayan, pero paano malalaman kung ignored at seen mode na lamang,

Hayaan mong akoy umiyak na muna, baka sakaling mapawi ang bigat ng aking nadarama,

Sana nga ay iniisip mo ang aking kapakanan, ng sinabi mong mag asawa na ko dahil di mo ko kayang pakasalan,

Sana din bago mo sinabi yan, tinanong mo ba kung kaya kitang pakawalan,

Pero sa tingin koy di mo ko minahal dahil parang isang iglap lang kay dali mo kong pinakawalan at pinalitan.

Kakapit ka pa ba kung ang isa ay bumitiw na? Pilit winawaksi ang kamay na humahawak pa.

Siguro sa tanong kong ito ay ako lang ang makakaalam, dahil sa panahong ito sobra ang aking dinaramdam.

Hayaan kong bumitiw ang aking kamay dahil sobrang sakit na ng aking nararamdaman.

Di ko na kakayanin kapag pinilit ko pang intindihin, siguro naman wala akong pagkukulang, binigay kong lahat pero mukhang basura akong iyong tinalikuran,

Simpleng usap lang ang aking hinihiling upang malaman ko ang aking ginawa para maging malamig ang iyong puso sa akin, dahil ba wala ng pagmamahal n nararamdaman kaya akoy pilit iniiwasan o sadyang gusto mo lang akong saktan upang ako na ang kusang lumisan,

Baka kapag akoy bumitiw ay maging masaya ka, sa ngayon ay magpapahinga na muna ang puso kong sinaktan mo ng sobra

Hahawak ka ba? ... kung siya ay bumitaw na!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon