Bitiwan mo ang aking kamay dahil di na kita mahal, tigilan mo na ang kamemessage kasi nangungulit ka lang, kapag di ka tumigil delete ko na fb ko ng ikaw ay matahimik- ilan lamang ito sa mga huling salita mo nung December 10, 2018. Masakit pa ring alalahanin na yung akala mong mahal mo at mahal ka ay pwede palang magsalita ng mga ganung bagay, baka nga gusto mo na lang na ako ay bumitiw dahil siguro ako ay makulit, pero lahat ng sinabi mo ay nakatanim sa puso ko at isip, bakit sinabi ito ng lalaki kong minahal at inibig.
Bibitiw na ang aking kamay sa halos limang taon nating relasyon at ugnayan, wala na rin namang saysay kung akoy umasa pa dahil ikaw na mismo ay nagdesisyon na, mas pinili mong makasama ang babaeng sinabi mo ata sa kanya na mas mahal mo at mahalaga, ilang taon mo na nga sinabi sa akin na ayaw mo na? Pero ako lang ang mapilit na sayo ay makipagrelasyon pa, di mo ko maalis sa fb kasama ng aking pamilya dahil sabi mo sa kanya ako ay nakiusap, ang mga ginawa mo ay walang kasing sakit, bakit kelangan mong magsinungaling, ano pala mga pinakita mo at pinaramdam nung andito ka, bakit kelangang pati ang pamilya ko at pamilya mo ay makaalam na merong tayo pero mukha namang drawing lang.
Bibitiw na ko sa mga alaala mo at itatanim ko sa isip mga natuklasan ko, pinagsabay mo kami ng kasama mo ngayon sa halos limang taon nating relasyon. Ginamit mo lamang ako at nung wala na ko pakinabang ay tinapon na parang basura ang pinakamasama pa nito ay tinalikuran at binura mo lahat ng alaala dahil siguro magagalit na ang kinakasama mong nobya. Sana ay maging maayos ang inyong pagsasama, hangad ko na maging maayos ka lagi kasama ng iyong nobya o asawa na? Sana ay magkaroon ka rin ng peace of mind at maging maligaya dahil un naman dapat ang hilingin ng isang taong nagmahal sa isang taong kagaya mo.
BINABASA MO ANG
Hahawak ka ba? ... kung siya ay bumitaw na!
PuisiHahawak ka pa kung siyay bumitaw na, pilit winawaksi ang kamay mong humahawak pa