Support! Support! Support!
"Walang imposible sa mundong ito Clara.."
_(12 years ago)
Ang pangalan ko ay Clara Joy Cruz hango sa pangalan ng babae na si "Maria Clara" kaso diba si Maria Clara ay kilala bilang isang mahinhin at dalagang pilipina na kabaligtaran ng ugali ko.
"Uy clara pahiram naman ako nung isang pamato mo dali na." Sabi sa akin Daniel, yung nakatira dun sa kanto.
Naglalaro kasi kami ng pogs. Kilala kasi ako sa mga maglakas maglaro nito sa amin at kaya naman maraming kumakalaban sa akin at humihingi ng mga pogs para ipanglaban sa iba at makaipon. Kung baga sa larong ito, matatawag mo akong undefeated. Talo ka na kapag kinalaban mo ako.
" Oh eto.. wag mo itong walain ah. Di na tayo bati kapag winala mo ito. " abot ko rito ng isa ko pang pamato na ginamit ko noong nakipaglaban ako sa kabilang kanto.
"Andyan na hari ng pogs!" Sigaw nung isa ko pang kasama na si Eric na tapat ng bahay nila Daniel.
Lumakad papunta sa harap namin ang sinasabi nilang hari ng pogs na taga kabilang kanto. Kilala siya sa pangalan na Jc. Kapag minamalas ka naman ay dun pa siya mismo sa likod ng bahay namin nakatira.
"Hinahamon kita Clara. Kapag natalo kita sa isang laro ay huwag kana mag lalaro ng pogs." Sabi nito sa akin at pumayag naman ako.
"Chaya. Ako una pano ba yan." Sabi ko dito. "Walang imposible sa mundong ito Clara." Bulong nito sakin.
Akala ko noong araw na iyon ay mananatili pa rin akong undefeated sa larong pogs ngunit nagkamali ako. Nakahanap ako ng katapat ko na inubos lahat ng taya ko sa larong iyon.
"Hari ka talaga ng pogs. Natalo mo si Clara angaling niyan pano pa kami pag kinalaban mo? Sige kaya mo nayan sa ibang kanto ka naman mangalaban." Sabi dito ni Potpot, nakatira sa tapat ng bahay .
Nagwalk out ako dahil sa sitwasyong iyon dahil akala ko ako na ang magaling sa larong iyon. Simula sa araw na iyon ay itinigil ko na ang paglalaro ng pogs kagaya ng sinasabi sa akin ng aking ina at di na masyadong lumabas ng bahay.
Isang araw habang nakatingin ako sa veranda namin ay biglang may lalakeng kumaway sa akin. Si Jc. Isasara kona sana yung kurtina sa kuwarto at papasok ng biglang sumigaw siya na "Tara! Labas ka naman! May piyesta kaya ngayon doon sa may bandang court!" Bigla nalang siyang tumakbo paloob.
Napaisip ako kung lalabas ako. Mag aalasyete na rin ng gabi. Dapat ay matulog nako. Tsaka hindi rin ako papayagan ng nanay ko kase babae ako na lalabas papunta pa doon sa piyesta.
"Tara na!" Biglang sigaw naman lalake sa tapat ng bahay namin. Dumungaw ako sa bintana para silipin siya. "Di ako pede tsaka ayoko." Sagot ko dito. "Baliw. Pinaalam na kaya kita. Diba tita? " sabi nito at bigla naman sinigaw din ng nanay ko sa gate namin na "Sige na! Basta hanggang 9 lang kayo ah!"
Di ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa sinabi ng nanay ko sa akin. Nagpalit na ako ng damit at kinuha ang maliit na bag ko at bumaba agad at sinamahan si Jc.
"Sabi ko naman sa iyo walang imposible." Sabi sa akin ni Jc.
"Hahahah lol. Tara na baka wala na tayong maabutan doon." Sagot ko rito at hinila na siya at tumakbo papunta sa court.
"Tingnan mo iyon. Mananalo yung mga nakablue. Ano sa tingin mo?" Sabi ko bigla dito at bigla naman siyang napatingin sa laban na nagaganap sa harap namin.
"Hindi. Yung naka red ang mananalo." Biglang sabi nito. "Mali ka. Yung naka blue nga. Kapag tama ako libre moko kahit ano. " sabi ko rito. "Hahah. Kapag ako tama ganon din kondisyon. " sagot naman nito. "Deal?" Sabi bigla nito.
"Deal!"
Nagantay pa kami ng ilang minuto para malaman namin kung sino ang nanalo sa amin at iyon. Talo nanaman ako. Hindi ko siya matalo talo.
"Yes panalo ako! Paano ba iyan. Libre moko!" Tuwang tuwa ito at sumayaw pa sa harap ko.
"Oo na. Lagi naman ata akong talo. Hmmph." Sagot ko rito at hinila niya ako doon sa Food Trip stand at sinabing "Pabili po ako ng pancake. Isa lang po." "Ako naman po 10 pesos pong pisbol." Habol ko sa sinabi niya.
Bigla naman siyang tumawa. "Fishball yun hindi pisbol! Hahahah!" "Bahala na ganon din naman yun. " sabi ko at tiningnan siya ng masama.
"Eto na mga bata. " abot sa amin ni mang perding ng mga pagkain namin. Inabot ko naman ang bayad namin. Kumuha nako ng sawsawan na matamis at nilagyan yung baso ko.
"Penge ako ah. Bakit nga pala ayaw mo kikiam? Sarap kaya yun? " sabi nito sa akin at tinuhog ang isa piraso ng pisbol sa akin. "Ayoko yun. Nawiwirduhan ako doon." Sagot ko rito habang kinakain ang pagkain ko.
"Tara doon tayo sa swing." turo niya sabay hila sa akin papunta doon.
Umupo kaming dalawa at sinabi niya "Alam mo ba kung saan yung Laguna?" "Oo naman. Sabi ni inay dun daw yung may bay." Sabi ko rito.
"Yung tubig? " tanong nito. "Oo. Iyon. " sabi ko rito.
"Alam mo lilipat kasi kami doon. Sabi nila ayaw na daw nila magsama kaya doon muna si papa kasama ko sa laguna. " sabi nito na para bang nalungkot. "Wag kana malungkot! Dali hindi pa naeexpire yung libre mo sakin! May oras pa tayo para maglibot. " sabi ko dito para gumaan ang loob nito.
"Sige tara maglibot pa tayo" sabi nito at naglibot kami sa paligid.
"May palaro doon oh." Turo ko sa direksyon kung saan kanina may nagaganap na labanan.
"Tara sali tayo!" Sabi nito at hinila ako doon. "Pwede po ba kaming sumali?" Tanong nito sa lalakeng may hawak ng mic at tumango ito.
"Tara!"
Stop dance daw ang laro sabi ng lalake na nakamic. Kapag huminto ang tunog ay kailangan din naming tumigil.
Nagsimula na ang laro hanggang sa matira nalang kaming dalawa ni Jc. Bigla nalang tumigil ang tunog ng gamit ko ang isang paa ko. At si Jc naman ay gamit ang dalawang kamay niya para tumayo. Nangalay ako agad kaya si Jc ang nanalo.
"100 yung premyo sa akin!" Sabi nito na tuwang tuwa. Talo nanaman ako. Hindi na ako lagi nananalo tuwing kalaro ko siya.
"Tara na umuwi na tayo. Baka magalit na si inay. Mag alas nuwebe na ng gabi." Sabi ko rito. "Tara. Hatid na kita. " at sinamahan ako maglakad pauwi.
Bigla nalang may lumitaw na aso sa harap namin di namin namalayan. Nagtago si Jc sa likod ko na takot na takot sa aso. Ginamit ko ang bag ko ara iwasiwas at tumakbo ang aso.
Tumawa ako ng kaunti at sinabing "Hahah! Takot kapala sa aso?"
"Wag ka maingay! " sinabi niya at tinakpan ang bibig ko. Dumeretso na kami papunta sa bahay ko at nagpaalam sa isat isa.
"Thank you ah! Sige tuloy na ko. Paalam." Sabi ko rito at pumasok.
"Byee! Hanggang sa susunod." Sigaw nito pabalik.
Umasa ako doon sa sinabi ni Jc na susunod na mga araw. Umalis na kasi si Jc kasama ang tatay niya agad ng susunod na mga araw. Ni hindi man lang siya nagsabi sa akin bago umalis. Akala ko ay makakasama ko pa siya ng matagal.
Onti onti na rin nawala ang mga kalaro ko sa labas at onti onti nagbago ang mga tao dito hanggang sa kami nalang ang nanatili sa lugar na iyon.
Tumanda na rin ako at maraming sinasabing bawal ko gawin at hindi nababagay sa akin.
Hanggang ngayon inaantay ko parin ang pagbalik ni Jc sa amin para makasama ko siya.
YOU ARE READING
Love Me, Hate Me
Genç KurguAng istoryang kung saan ang isang babae ay gagawin ang lahat para lang makuha ang matamis na oo ng kanyang minamahal.