Support! Support! Support!
Maging kaisa sa vendetta 😂
_
Chapter 1 : Smile 📸
Tumitingin ako ng memes sa ig ko. Nakita ko si Ate Alyanna na nasa Laguna doon daw kasi maganda ipatakbo business niya. Bigla nalang in add ako sa isang grupo sa wizchat. Nagulat nga ako kasi wala naman kadalasan nag chachat sa akin kaya hindi ako masyadong nagoonline o gumagamit ng wizchat o kahit wizbook.
13i3h5: Kayo ang una kong target tignan natin kung gaano kayo kagaling ng mga kaibigan niyo. Uunahin ko kayong dalawa ni Erica. At susunod ko naman yang si Desire.
Seah: huh? Who you?
Desire: bakit kasali ako?
13i3h5: so what? Lahat kayo kasali sa gulong ito
Seah: sinali mo pa talaga si Erica dito
13i3h5: magpakasaya na kayo kung ako sa inyo malapit na matapos kaligayahan niyo
13i3h5 left the conversation
Ang creepy ng laman ng chat box na iyo kaya nag leave ako agad. Grabe naman. Nasama pako sa gulo. Wala naman akong ginagawang mali. Di naman ako nakipagsapakan. Napagisip isip ko nalang matulog dahil sa nakita ko.
_
Andito ako ngayon sa isang silid na maliit at nakaupo sa likod sa tapat ng aircon. Syempre.. sayang binibayad kung hindi nahahanginan.
Inaantay na lang namin ang prof namin sa Science dahil lagi siyang late. Minsan pa nga hindi siya pumapasok ng Tuesday. Astig diba? Pero okay lang kasi kapag nagturo iyon kakaiba. Yung para bang kapag sinabi niya alam mona agad. Papasok talaga sa utak mo?
"Goodmorning class." Saad ng babaeng pumasok sa room namin.
"Good morning Miss A." Bati namin dito.
"You may take your seats. " sabi nito st nagsiupo kami. Nagsimula na siyang magturo at nakinig na kaming lahat.
*ring*
"Okay class gawin niyo yung Activity 3 sa page 174. I'll be back." Sabi niya at lumabas ito dala dala ang nagriring niyang phone.
"Uy kasama ka ba dun sa group na may nananakot? Grabi yun no nakakatakot. " bulong nung kaharap kong babae sa tabi niya.
"Subukan niya lang kaming saktan. Siya ipapapatay ko. " sabi naman bigla ni Seah na naging seryoso.
Kilala si Seah sa campus dahil sa kagandahan nito. Matangkad. Mahaba ang buhok. Basta lahat ng hahanapin mo sa babae ay nasa kanya na. Hindi naman maiiwasan sa kanya at sa mga kaibigan niya ang threats kasi lagi naman ata siyang nakakatanggap ng ganon. Syempre isa sa mga kaibigan niya si Erica Delos Santos. Ang anak ng may ari ng campus na ito. Hawak niya lahat ng nandito. Kahit sino pa iyan. Si Desire Waterson na may branch ng isang bag company. Araw araw ata siyang may bagong bag. At yung isa si Rica Domingo. Wala akong masyadong alam sa kanya pero sikat siya sa campus kasi maganda rin siya. Lahat naman ata sila. Basta pamilya ko normal na tao lang.
"Uy pakopya naman Clara tulala ka nanaman " sabi sa akin ni Pula. Red kasi in English. Nasanay na akong tawagin siyang pula kasi lagi naman kaming magkasama tsaka malapit din siya sa amin nakatira.
"Oh eto. Puro kanalang kamo kopya. Try mo kaya magsagot malay mo tumama." Sagot ko dito.
"Ako din ah" sabat ng nasa likod ko. Si Jose. Bagay nga daw kami. Si Jose at Clara parehas na maginoong pangalan pogi nga naman siya pero hindi padin kasi siya pasok sa standards ko.
"Sige ipasa niyo nalang pag tapos na" sabi ko rito.
Lumapit bigla si Desire kay Seah at may binulong dito. "Sige mamaya." Sagot naman dito ni Seah sa binulong niya at bumalik na ito sa upuan.
Siguro alam na nila kung sino yung may kagagawan. Buti nalang di ako marunong mag ayos. Baka napaaway din ako.
Natapos na ang buong araw namin ngayon kaya naman nilagay kona ang mga libro ko sa locker pero may napansin akong kakaiba. Sira yung padlock nito kaya binuksan ko agad at may mga pictures dun kung saan nandun ako at pinicturan ako ng patago.
Nanghina yung tuhod ko sa mga nakita ko. Lahat iyon pictures na magkasama kami ni Tj. Boyfriend ni Erica. Yung pinakagwapo ata sa campus na to. Yung isang picture ay yung nagpatulong siya sa basic language. Yung isa sportfest. At yung last ay yung naging kapartner ko siya sa pe namin na nakayakap ako at tuwang tuwa kasi nanalo kami. Nakakatakot. Tapos may nakasulat sa likod. "13i3h5 smile :)"
Nilapitan ko agad si Tj dahil don at sinabi, " Ayokong maissue sayo pero itong mysterious na taong to ay iniisue ako sayo. No hard feelings Terence pero baka dahil dito awayin ako ng girlfriend mo."
"Shit ano to. Hindi yan alam ko naman na maniniwala sa akin si Erica." Sabi nito sa akin. Hawak hawak niya yung mga litratong iniwan ni 13i3h5 sa locker ko.
"Ayan na nga ba sinasabi ko. "
Lumapit sa amin si Erica at bigla nalang akong sinabunutan. "Ang harot mong babae ka ha! May tinatago ka palang kulo sa loob mo! Hayop ka! " ang sakit sa anit ng pagkakasabunot niya. "Teka lang Erica mali ka ng-" "Erica Stop! Let me explain " sabi ni Tj at tumigil ito.
Nagkukumpulan na mga tao sa amin dahil sa away na ginawa ni Erica. "Akala koba mahal moko Tj huh? Tapos makikita ko magkasama kayo ng babaeng yan? Ano pang ieexplain mo? Nakita kona ang lahat!" Iyak ng iyak si Erica at niyakap na lamang ito ni Tj. "Calm down baby. Hindi totoo yang mga yan. Hush. Lahat ito ay kagagawan nitong 13i3h5. Walang ginagawang mali si Clara okay?" Sabi nito at kumalma si Erica.
"Miss Cortez , Miss Delos Santos at ikaw Mr. Opleco go to guidance. Now." Sabi samin ni Ms. Montefalco. Hay. Mapapaguidance nanaman ako ng di oras.
"What is happening here?" Tanong naman samin nung councilor.
"Okay na po kami mam bati na po kami diba Erica?" Sabay ngiti dito. "Yes mam it was a little misunderstanding sa pagitan namin. Okay napo" sabi ni Tj dito.
Ngumiti nalang bigla si Erica at sinabi "No mam. Bigla nalang nagstart ng away si Clara at sinabunutan ako kaya lumaban lang ako. " "What?!" Tanging naisagot ko dahil sa sinabi niya. Wala namang katotohanan doon dahil siya ang nanguna dahil akala niya may affair kami ng jowa niya.
"Are you informed Miss Cortez na pangalawang guidance mo na ito ? Hindi ka ba natuto sa una mong offense? Naiintindihan ko naman ang excuse mo noon kaya hindi kita isinulat pero ngayon .. This is not a good behavior. "Sabi sa akin nito.
Naiyak nalang ako dahil sa sinabi ng councilor dahil wala naman talaga akong ginawang mali. Ni hindi man lang sinabi ni Terence na wala akong ginawa talaga sa girlfriend niya.
"No maam. Wala naman talaga akong ginawa. Paano ko mapoprove sa inyo na wala nga talaga akong ginawang mali? Si Erica, anak ng may ari ng school na ito. What's the sense? Sana po palipatin niyo nalang ako." Humarap ako kay Erica at sinabi, "wala akong pagtingin sa jowa mo tandaan mo yan sa mukha kong to sa tingin mo may magkakagusto sa akin? Lilipat na ako ng school kung gusto mo. Yung malayong malayo para di ko na makita yang psgmumukha mo at mukha mo Terence Opleco!"
YOU ARE READING
Love Me, Hate Me
Fiksi RemajaAng istoryang kung saan ang isang babae ay gagawin ang lahat para lang makuha ang matamis na oo ng kanyang minamahal.