Suppoooort!
"Take that man" nga pala sa yt istream niyo 💗 maganda yon 😂
_
Chapter 2: Saturdate ☃️
Hindi padin ako makaget over dahil sa nangyari. Ansama talaga ng ugali nung Erica na yon. Gusto niya pa talaga mapalayo ako sa jowa niya. Sa pangit kong to mag kakagusto pa jowa niya sa kin?
Bigla nalang nag ring ang telepono ko at agad ko namang sinagot iyon.
"Hello?"
"Uy ako to si Ate Alyanna mo! Kamusta na kayo diyan?"
"Uyyy ate! Okay naman kami dito.. ikaw? Kamusta ka?"
"Okay din.. si nanay mo asan? Pakausap nga ako"
"Sige " at binigay ko sa nanay ko ang telepono.
Buti pa si Ate Alyanna nananahimik sa Laguna sumama kaya ako sa kanya? Maganda naman daw doon. Peaceful.
"Oh eto anak. Kausapin ka daw ni ate alyanna mo. "
"Ate"
"Oh anyare?"
"Pede bang diyan ako sa Laguna magstay?"
"Oo naman papayag ba si nanay?"
"Maaaa " tawag ko rito. "Sa laguna nalang ako kay ate alyanna walang mangaaway saken don. " sabi ko rito.
"Sige anak" sabi nito. nagulat ako sa sagot ng nanay ko dahil kadalasan ay hindi pumapayag ito.
"Weh?" Tanong ko pa ulit para makasigurado.
"Oo nga okay lang dun kana" sabi niya sa akin.
Tuwang tuwa ako dahil sa sinabi nito. Siguradong maganda doon dahil sa mga balita sa amin ni ate alyanna. Excited na ko pumunta sa linggo.
_
Pumasok ako ngayong araw para kunin ang mga dapat kong kunin para makalipat sa Laguna. Wala naman akong masyadong kaibigan dito kaya okay lang na magpakalayo layo ako at umalis sa campus na to.
"Mamimiss kita wala na tuloy akong kokopyahan" sabi sa akin ni pula. Siya nga lang ata rin ang mamimiss ko dito. Siya lang naman ang lagi kong kasama at kausap. Parehas kasi kami ng pananaw sa buhay kaya lagi akong sumasama sa kanya.
"Akala koba ililibre moko nung damit sa penshoppe bat aalis kana agad ?" Dagdag nito. Naalala ko nga yung sinabi kong ililibre ko siya ng damit. Paboritong clothing line niya kasi yung penshoppe. Malapit nadin kasi birthday niya kaya nasabi kong ilibre siya doon.
"Oo ililibre kita sa sabado" sabi ko dito at tuwang tuwa naman ito. "Sabi mo yan ha icecelebrate ko na din birthday ko para kasama ka " sabay ngiti sa akin. Nawawala talaga mata niya kapag ngumingiti siya. Kaya ayokong nalulungkot to.
"Aaaaaaaaaah!"
Nagulat nalang kaming dalawa ng may biglang sumigaw sa room. Si Desire na may hawak na box. Lumapit kami doon at nakita namin na may laman yung box na patay na daga na may mga dugo tapos may papel na nakasulat na:
Smile:)
Ang creepy na nung ginagawa nung mysterious na taong iyon. Lumapit si Erica at Seah sa kanya. Sinabi ng iba naming kaklase na ireport na ito sa office para hindi na lumala. Kaso ang sabi nila ay baka hindi rin maging okay kung isusumbong dahil walang nakakakilala dito.
Hindi rin kasi kilala kung sino si 13i3h5 kaya walang marereport. Tama na nga at lilipat ako para hindi nako madamay sa gulo nila.
_
U
wian na kaya napagdesisyunan ko na linis na ang locker ko at ng hindi nako bumalik kinabukasan. Magpapatulong sana ako kay Pula pero sabi niya ay may hahabulin daw siya ngayon kay Miss Pat na gagawin para sa English Club. President kasi si Pula. Angaling diba? Ewan ko nga kung bakit siya laging kumokopya sa akin. Tapos minsan sasabihin pa mali sagot ko. Bastos lang diba? Sinagutan din pero may halong pangongopya.
Tinanggal kona lahat ng nasa locker ko ng may makita akong isang instax na blangko may nakasulat dito na
You cannot escape me :)
- 13i3h5Kinilabutan ako ng dahil doon. Ano bang ginawa ko sa kanya. Wala naman talaga akong inapi o binully rito. Nananapak lang ako kapag sinasabihan ako ng masasakit na salita.
Tinapon ko iyon sa malapit na basurahan at kinuha ang mga libro ko at iba pang gamit na nasa loob noon.
_
(Saturday)
"Saan mo gusto kumain?" Sabi sa akin ni pula pagtapos naming mamili sa penshoppe. Grabe waldas na waldas pera ko sa dami ng pinabili niya.
"Treat ko" dagdag niya na ikinatuwa ko naman. Ako naman ang wawaldas ng pera niya. "Tara sa shakeys ! " aya ko rito.
Matapos kong umorder ng napakaraming pagkain pero sasapat sa tiyan ko ay kumain na kami. "Andami mong inorder grabe tapos nakain mopa lahat?!" Sabi naman nito sa akin na parang inaasar ako. "Salamat pula ansarap ng pagkain! Ubos lahat!" Sabi ko rito. Binati ko rin siya ng advanced happy birthday dahil sa thursday ang birthday niya at nasa Laguna na ako noon. Lagi kasi kaming nagsecelebrate ng birthday niya at birthday ko. "Ayos yan. Mananatili kapang mataba at malusog hahahah" sagot naman nito. Pinalo ko nalang siya sa braso at nagpaalam siya na magccr ito.
Nagulat ako ng pumasok si Desire kasama si Terence na magkahawak kamay. Sila pala talaga ang tunay na may affair. Nadamay pa ako. Bigla nalang ako nakarinig ng click ng camera.
Nandito yung mysterosong tao na iyon. Pero asan? Hinanap ko siya ng mga mata ko at nakita ko yung taong naka hoodie at nakasalamin. Sino bang magsusuot ng hoodie sa loob ng kainan. Black na black yung tint ng salamin niya.
Bigla naman itong umalis kaya sinundan ko ito. Chinat ko na lang si Pula na may importante akong pinuntahan kaya umalis na ako.
Dumeretso ito ng parking lot. Nagtago ako doon sa gilid ng kotse malayo sa kanya. Sinilip ko yung bintana. Sinira niya yung camera na ginamit niya at tinapon sa trashbin. Kinausap niya yung isang tao doon at binigay yung pictures. Parang babae yung binigyan niya? Kaso hindi ko makita ng maayos yung mukha.
Umalis na ako at sumakay sa elevator. Nakita konaman si Erica pag ka dating ng Upper Ground. How nice diba? Agad na akong bumaba pagkatapos ng isang palapag dahil ang awkward niyang kasama. Baka magkasabunutan pa kami dahil sa kanya.
Umuwi nalang ako at inisip kung sino yung talagang misteryosong tao. Babae siya at may inuutusan lang siya para gumawa ng mga pinapagawa niya.
Babaero talaga si Tj. Si Erica na nga ang girlfriend niya pinatulan niya pa si Desire. Ano kayang mangyayari kapag nalaman iyon ni Erica at ng iba pa niyang kaibigan.
Ano kaya ang gustong mangyari ng misteryosong tao na iyon kaya sinisira niya ang magkakaibigan na iyon?
Wala na akong pakealam. Basta ako lilipat na ako ng Laguna. Kung ano man ang mangyari, wala na akong kasalanan.
YOU ARE READING
Love Me, Hate Me
Roman pour AdolescentsAng istoryang kung saan ang isang babae ay gagawin ang lahat para lang makuha ang matamis na oo ng kanyang minamahal.