FOREWORD

449 15 2
                                    

Nakaramdam ako ng kung anong mainit at malambot na bagay na kusang dumampi sa noo ko.

Napaungol naman ako ng kaunti dahil dito. Ano na naman ba itey at iniisturbo ang aking beauty rest.

"Hmm... natutulog pa ako, anobey." Wika ko.

"Good morning my sugar plum." Narinig kong bulong niya sa aking tenga sabay lalo sa pagdiin ng mga halik niya sa aking pisngi.

Napatagilid ako ng kaunti sa kanyang ginawa sabay baon lalo sa mukha ko sa unan.

Eehh keshe nemen! Nakikiliti ako! Huwag kang ganyan at maharot ako, madali akong bumigay!

Pero syempre pa demure effect ang Lola niyo.

"Wakey, wakey my darling baby." Pangungulit niya.

Pashnea talaga 'tung merlat na ito.

Pero hindi parin ako sumasagot. Syempre dalagang Pilipina kaya low profile lang.

Ang akala ko hindi na niya ako kukulitim dahil sa biglaang katahimikan sa paligid, but I was wrong. Bigla nalang kasi niya akong pinaulanan ng mga halik sa aking pisngi.

Mahal na bertod! Help me!

"Tapos mo nabang lafangen fez ko?" Seryoso kong sabi.

Napamulat ako sa aking mga mata nang makita ko siyang napatitig ng taimtim sa akin.

Puso beh!

"Magandang umaga, mahal ko." Paglalambing niya sabay ngiti ng pagkalapad.

Lord, pandesal lang naman ang hinihingi ko pero binigyan mo ako ng catering service!

Pero inirapan ko lang ang loka loka. Hindi ako magpapatinag! I am a strong independent woman! Laban Japan!

"Ano ba! Inaantok pa ako!" Padabog at inis kong sabi.

Lakas maka artista, oh diba?

"Gising na kasi at ipagluluto mo pa ako ng almsusal." Saad niya.

Napatayo naman ako dahil sa sinabi niya sabay angat sa aking bagong pluck na kilay. Agad naman akong napamewang sa aking pagkakaupo.

Aba at tinawanan lang ako ng pranella.

"At sino ka para utosan ako? Huy babae, baka nakakalimutan mo--"

Hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil hinalikan na niya ang aking sexy kissable lips.

Nagulat na lamang ako sa kanyang ginawa pero infairness kay ate gurl.

Hmmmm! Tamis!

But, noooooo! This is against my rights as a woman!

"Rape!" Sigaw ko sabay takip sa aking bibig.

"Kaya ayaw kong tumabi sa'yo sa pagtulog dahil basta basta ka na lamang nagnanakaw ng halik." Despensa ko.

At ang lukaret napangiti lang ng pagkaluko. Tiningnan ko lamang siya ng  pagkasama.

No Ordinary Love (Her Gay Husband)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon