"Bao Bei, kain ka muna. Ipinagluto kita ng favorite mo." Saad niya sabay bukas sa mga lalagyan na kulay pink.
"Hindi ako kumakain sa mga cheap na plastic." Pagtataray ko.
Aba! Sensitive ata tiyan ng Lola niyo.
"Ano ka ba Bao Bei, sa tupperware 'yan kaya safe na safe dahil chemical free" Pangiti pa niyang sabi.
Endorser ng tupperware? Kaloka.
Napaangat naman ako ng kilay nang makita ko ang mga laman sa mga lalagyan. Halatang bagong luto pa lamang ang mga ito. May pasta, salads and my all time favorite chicken adobo. Totoo mga paborito ko ang lahat ng mga 'tuh. At infairness ang bango.
Pero witit! Hindi ko parin siya bet.
"Wala 'yang lason." Paninigurado niya.
"Ikaw muna, para sure. Baka maya kinukulam mo na pala ako."
Napairap naman siya sa sinabi ko. Aba! Nagtataray si ate gurl!
Kumuha siya ng kutsara at tsaka isinubo isa isa ang mga pagkaing nasa mga lalagyan.
"Hmmmm. Sherep!" Pabebe niyang sabi.
"Oh hindi ako na pano ha, sabi ko naman sa'yo wala 'yang lason." Dagdag pa niya sabay sandok ulit ng pagkain sa kutsara.
"Say aahhhh Bao Bei, masarap 'tuh. Kasing sarap ng pagmamahal ko sa'yo." Pangaakit niya.
Leche! Sarap sabunotan! Kakagigil
"Ako na! Tsaka huwag mo ngang masubo sa akin 'yang ginamit mong kutsara at baka may viruse pa 'yan." Pagtataray ko sabay lapit sa maliit na lamesa sa higaan.
Napatawa na lamang siya. Pranella talaga.
"Ililigpit ko na muna 'tung mga gamit mo Bao Bei ha, sige kain ka muna diyan ng marami."
Kahit kailan ay hindi ko talaga maalala ang babaeng ito. The only thing I remembered was I passed out and sa pag gising ko ay nasa ospital na ako.
Bigla ko naman naalala ang mga encounter ko along with the family members kahapon.
"Sino ka?" Tanong ko sa babaeng nasa harapan ko.
"Bao bei, ako ito. Asawa mo. Hindi mo ba ako naalalala?" Sabi niya sabay hawak sa mga kamay ko.
Napaangat naman ako ng kilay sa kanyang sinabi. Hanuraw?
"Ahm, miss wrong room ka ata." Wika ko sabay hablot sa kamay ko mula sa kanyang pagkakagawak.
Loka loka, mapagkalaman pa naman akong asawa. Mukha ba akong lalake? Lecheng 'tuh.
"Pa." Saad niya sabay tingin sa tatay ko.
Wala ba 'tung Tatay at nakiki pudaks sa aking pudrabells.
"Angkong."
Aba dinamay pa si Angkong.
"Ba, Kongkong, zhege nuren shi shie?" Pagtataray ko. I asked in Chinese, baka kasi hindi ma gets ng mga family members what I'm trying to imply.
Aba malay ko ba at friendshiwaps nila ang mujer na itey! Baka kasi hindi naiintindihan ng babaeng ito ang sinasabi ko, malay niyo naman Chinese 'din si Ate Gurl. May pa tawag pa sa Tatay at Lolo ko.
Napabuntong hininga na lamang si Daddy.
"Czachary..." Marahang saad ni Angkong sa akin.
"Siya si Kee Ann, ang iyo asawa." Angkong said in his thick Chinese accent.
Bigla akong napatawa sa kanilang mga sinabi.
"Ni zai kaiwanxiao? Kasi kung oo, it's not funny." Seryoso kong sabi.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (Her Gay Husband)
RomanceI'm gay and I woke up one day to find out that I have a wife. Everything was all a misunderstanding until I fell hard. She was the first one to touch my heart, and everythings right again with her extraordinary Love. And this is our not so ordinary...