9.

89 4 0
                                    

Ewan ko kung bakit sumasakit yung ulo ko. Dahil ba sa stress sa mga lessons ko o dahil naalog talaga yung utak ko kanina?

O dahil eto ako at hinihila-hila nanaman ni Fei Custodio!

"Trina! Bilisan mo naman baka umuwi na sila Bebs!" Sabi niya sa akin. Si Franco ba 'yun? Ay malamang Trina! Alanganan naman yung coach nila diba?

Panandalian akong huminto. " Akala ko ba mga tropa mo?." Tanong ko kay Fei. "Kaya nga." Sagot niya sa akin habang naka-ngiting aso pa! Kaasar ang mukha ah!

"One of the boys ka?." Tanong ko sakanya. "Hindi ah! Tropa lang. Kasi naman kaibigan ni JM." Sabi niya sa akin. "JM who?." Tanong ko. "Yung boyfriend ko." Sabi niya sa akin. Tumango nalang ako. Kahiya naman, ang dami kong tanong!

Ayun naghilahan lang kami ng naghilahan papasok sa Gymnasium! Ay putik! Ayaw ko dito! Ilabas niyo ako rito!

"GUYS!! I'M BACK!!" Sigaw ni Fei sa loob ng gymasium na naka-pukaw sa atensyon ng lahat ng mga kalalakihang nandoon sa loob. Matutuwa na sana ako eh, kaso nakita ko yung may-ari ng bungong babasagin ko!

Magpapa-alam na sana ako kay Fei para mauna na, kaso naalala ko nangako nga pala ako sakanya! Aynako!

"Guys, eto nga pala si Trina yung kinukwento ko sa inyo." Pakilala niya sa akin sa mga ka-tropa niya. "IKAW?!" Malakas na reklamo nung lalaking babasagan ko ng bungo a.k.a yung lalaking nangbato ng bola sa precious head ko!

Ilang taon iningatan ng magulang ko ang skull ko tapos eto siya babato-batuhin lang!

"Oo ako. Bakit may reklamo ka?." Sagot ko sakanya. Well, mabait naman talaga ako eh. Kaso ayoko sa ugali ng lalaki na 'to! Napaka-walang modo!

He just stared at me, coldly. Wow ha! Natatakot ako, oh no! Note the sarcasm!

"Oh, magkakilala kayo?." Tanong ni Fei. "Ah, bebs. Si Trina yung babaeng kinukwento namin sa iyo." Sabi nung boylet ni Fei. Yung JM Franco yata, ay oo yun nga yun!

Fei's eyes widened. Agad niya akong tinuro. "I-ikaw?!" Sabi niya sa akin. Ako? "Ako?." Tanong ko. "Ikaw yung babaeng patay na patay kay Krys?! Bakit di mo sinabi sa akin, oh no!" Sabi niya sa akin. Ano?! Ako may gusto? Kay Kris? Eh hindi ko ngakilalayun!

S[he's] Br[ok]enTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon