4.

97 3 0
                                    

Pagka-gising ko sa umaga hindi ko maidilat ng maayos yung dalawa kong mata, parang napaka-bigat!

Tumayo ako sa kama ko sabay harap sa salamin.

Magang-maga ang mata ko! Buti nalang at bakasyon na!

Tumunog yung cellphone ko kaya naman tinignan ko

From : Terrence ♥

Nuod ka practice namin?. 3:00 to 4:00 pm. :)

Hindi ko agad siya nireplayan pero sa huli sinagot ko din yung text niya, sabi ko oo.

10 palang naman ng umaga kaya bumaba muna ako para mag-breakfast. Pagka-baba ko nakasalubong ko si Manang Carla

"Oh, Trina bakit maga yang mata mo?." Tanong sa akin ni Manang Carla. "Po? Wala lang po 'to." Sabi ko naman sa kanya. "Asus, nag-away ba kayo ni Pogi?." Patukoy ni Manang Carla kay Terrence. Ngumiti nalang ako at agad na umupo sa dining area

"Manang si Mommy?." Tanong ko kay Manang. "Ah si ma'am Nadine? Pumunta ng South Bound, bibili daw ng regalo kay Pogi."

Aish! Regalo para sa graduation niya? LOL. Surprise gift? Mukhang nauna na yung para sa akin ah?

Tumango nalang ako kay Manang at agad na nilantakan yung pancake sa harapan ko

-

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas sa bahay

"Manang, paki-sabi kay mommy manunuod lang ako ng game practice nila Terrence." Paalam ko kay Manang bago ako lumabas sa gate.

Naglakad ako hanggang sa labasan ng village tapos ay sumakay ng Taxi.

"Saan po tayo ma'am?." Tanong sa akin. "Ah sa PIA lang po." Simple kong sagot.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko narating ang school. Sakto mag a-alas tres narin.

Pumasok na ako sa loob ng gymnasium ng napansin kong magkatabi si Faith at Terrence.

Pinupunasan ni Faith si Terrence sa mukha tapos ay pina-inom ng tubig.

Sobrang sakit pala pag ikaw na mismo ang nakakita ano? Lalapit na sana ako sakanila ng biglang may humila sa akin palayo – Si Ella.

"Ate! Ano bang ginagawa mo?"

Tanong niya sa akin. "Lalapit lang naman ako." Sabi ko sakanya. "Bakit di ka nalang kaya makipag-break, ate?." Tanong niya sa sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Ella, mahirap… Gusto kong sila mismo ang umamin sa akin…" Sabi ko kay Ella. "Pero ate Trina… Walang umaamin sa sarili nilang kasalanan." Sabi sa akin ni Ella na ikinadahilan para mapalingon ako sakanya. She just shrugged her shoulders.

"Samahan mo ako?." Sabi ko kay Ella sabay hila sakanya palapit kila Faith at Terrence na gulat na gulat.

S[he's] Br[ok]enTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon