Kabanata 2
Caliyah's Point Of View“You're beautiful”
Tumaas ang balahibo ko sa batok at mga braso nang ibulong 'yon sakin ni Knight. Nandito kami sa kwartong ginagamit ko, actually bigla nalang syang pumasok. Medyo pahapon na pero hindi ko alam kung anong eksaktong oras, wala manlang kasing orasan sa kwartong 'to.
“Mabango ka rin”
Lumunok ako. Gusto ko syang itulak palayo pero hawak nya ang magkabilang kamay ko sa harapan gamit ang kaliwa nyang kamay.
“K-Knight..”
“Are you moaning my name?” natatawang tanong nya.
Nanlaki ang mga mata ko. Anong moaning? Hindi ah! Siraulo ba sya?
“Bitawan mo ako, Knight” lakas loob na sabi ko.
Binitawan nya nga ako pero ang akala kong pag-asa kong makatakas ay hindi nangyari dahil itinulak nya ako pahiga sa kama at pumwesto sya sa ibabaw ko.
“Knight!”
Ngumisi sya, “You're not crying anymore”
Tsk. Iiyak? Paano pa ako iiyak e tinakot ako ng ama nya kagabi na bawat luhang ilalabas ng mga mata ko, isang basong dugo ko ang katumbas. Paano kung isang buong araw akong umiyak? Edi simot ang dugo ko! Psh!
“Kapag ba umiyak ako palalayain mo na ako?”
Sarkastiko syang tumawa at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Natigilan ako at nanigas sa kinahihigaan ko. Ano nanamang ginagawa nya?
Napapikit ako nang maramdaman kong inamoy nya ang leeg ko. Ngumiwi ako nang mabilis na dinilaan pa nya 'yon. Damn! Manyak talaga! “Hindi kita binantayan ng mahabang panahon para lang palayain”
Anong ibig nyang sabihin? Binantayan nya ako? Teka...
Dahan-dahan syang bumangon at pumwesto sa paanan ko habang ako ay nanatiling nakahiga at nakatingin sa kanya.
Seryoso ang mukha nya. Wala akong nababakas na kahit anong emosyon at sobrang lamig ng tingin nya sakin. Parang nilalamig ako sa paraan ng pag tingin nya. Sobrang lamig. Nakakaginaw.
“Ito ang tandaan mo, Caliyah, pag-aari na kita. Akin ka na ngayon, bukas...habang buhay” mariing saad nya saka tumalikod at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto.
Nanamlay ako bigla. Unti-unti akong bumaluktot ng pagkakahiga sa kama at hindi ko napigilan ang pagtulo ng isang butil ng luha mula sa gilid ng kaliwa kong mata. Humugot ako ng malalim na hininga saka mariing pumikit. Ayoko dito! Ayoko! Gusto ko nang umalis pero paano? Hindi ako makakatakas sa kanila. Walang pag-asa. Ni katiting na pag-asa, wala.
***
Mabilis na lumipas ang mga araw. Sapo ko ang aking dibdib habang nakaharap sa isang full length mirror. Nakasuot ako ng isang long gown na kulay gold at sobrang kinang. Tama lang ito sa katawan ko, sadyang pinasukat kahapon para sakin.
Tinitigan ko ang mga mata ko sa salamin, bakas na bakas ang lungkot at sakit. Ayoko talagang magpakasal sa kanya. Ayoko! Hindi ito ang pinangarap kong kasal.
![](https://img.wattpad.com/cover/172233049-288-k519690.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire's Mate (Completed)
Vampiros[Mate Series #1] The Vampire's Mate, 2019 Written by sinnederella R-18 Two Part edited version He's a vampire..she's a human Mahigpit na ipinagbabawal ang relasyon ng isang bampira at isang mortal. Ngunit paano kung ang nakatakda para sa prinsepe ng...