Chapter 1

49 12 1
                                    

CHAPTER 1




         SAFIYAH was packing her things. Inis na tinupi niya ang mga damit at pinasok iyon sa malaking maletang nasa ibabaw ng kama niya. She is so full of this already! Ubos na ang pasensiya niya! Aalis na siya sa bahay na ito.

Pagod na pagod na siyang makisama sa mga tao sa bahay. Even her mom dislikes her. What's the point of staying, right?

Pati ang mga hanger ay hindi niya pinalampas. Nilagay niya ang lahat ng mga ito sa loob ng maleta. Tutal siya din naman ang bumili non, wala namang problema.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang nag-iisa niyang kapatid na babae. Hindi napigilan ni Safiyah ang mapairap nang makitang nakataas ang kilay nito at nginisian siya "Mabuti naman at naisipan mo ding umalis dito sa bahay."

She gritted her teeth pero hindi niya ito pinansin. Kulang lang talaga sa pansin ang kapatid niya kaya pati ang atensiyon na dapat ay sa kaniya, kinuha na rin nito. Ano bang bago?

"Ikaw naman kasi eh. Dapat noon mo pa naisipang lumayas dito. Alam mo namang wala kang pakinabang dito diba?" pagkatapos ay maarte itong tumawa.

Masama ang tingin na pinukol niya dito "Oo nga no? Congrats! Solong-solo mo na ito. Ito naman ang gusto mo diba?" malamig na ngumisi siya rito "Palibahasa kasi hindi ka matalino at maganda kaya umaasa ka sa mga magulang natin". Gusto niyang matawa nang makita kung pano nandilim ang mukha ng kaniyang kapatid. Halatang tinamaan ito sa sinabi niya. Oh well, aalis na din naman siya sa bahay na ito, might as well lubusin niya na rin ang pang insulto sa mala-demoniya niyang kapatid.



Ngunit talagang hindi nagpapatalo ang kapatid niya dahil mas naging mapang-insulto ang ngiti nito "Talaga ba? Kaya pala ako ang pinili ni Oliver"



Mahina siyang natawa. Akala ba nito ay naaapektuhan pa rin siya sa nangyari? Si Oliver ay ang dati niyang kasintahan na niloko siya dahil sa kapatid niya. Nahuli niya ang mga ito na nagtatalik sa loob pa mismo ng condo ng lalaki. Nakakadiri. At mukhang proud na proud pa itong ipamukha sa kaniya.



Sinara niya ang zipper ng maleta pagkatapos ay humarap sa kapatid "Alam mo Sarah, magkaiba ang maganda sa malandi. Kasi ako, maganda lang. At ikaw –" "...siyempre alam mo na." pagkatapos ay tinawanan niya ito. "Kung akala mong apektado pa rin ako sa ginawa niyong kababuyan ni Oliver, well sorry to say this but I don't really care. Hindi kita kalevel Sarah, tandaan mo yan. Nakuha mo si Oliver? That's fine. Hindi ko naman talaga siya mahal eh. At tsaka nasa isip ko na talaga na itapon siya. Buti na nga lang at andiyan ka. Mahilig ka palang mag reuse at mag recycle no?"



Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni Sarah at ang pagkapula ng mukha nito. Ngumisi siya. That's it. Mainis kang demonyita ka!

Binaba na niya ang maleta at hinila ito palabas ng kwarto. Naiwan si Sarah sa loob na nagpupuyos sa galit. Nang makababa siya ng hagdan ay nakita niya ang kaniyang magulang na nakaabang sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at dire-diretsong lumabas ng bahay. Agad siyang nagtungo sa kotse at pinasok ang maleta sa compartment. Sakto namang lumabas ang kaniyang ama.



"Safiyah.."

Malamig niya itong tiningnan at akmang papasok na sa kotse nang magsalita ulit ito "Anak, please let's talk."


Sarkastikong tumawa siya "Talk? For what Dad? Dahil nasaktan ko nanaman ang prinsesa niyo?" sumikip ang dibdib niya "Don't worry Dad, hinding-hindi na ako babalik dito. You can be happy now."



"Safiyah, please.."


"Oh by the way, please forget about me. Kalimutan niyo ng may anak kayong nagngangalang Safiyah, pwede ba 'yon? In return, kakalimutan ko na rin na nagkaroon ako ng magulang." she gave a sad smile "I was never your daughter anyway." pagkatapos ay tumingin siya sa likod nito kung saan naroon ang kaniyang ina na matamang nakatingin sa kaniya.


ALEJANDRO 4: Chasing KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon