Lumapit ako sa lalaking madalas ko ng napapanaginipan,sa tingin ko kami lang dalawa yung tao,sa bawat lakad ko siya lang yung nasa paningin ko di ko maramdaman ang mga tao sa paligid ko at napahikbi rin ako ng di ko alam ang dahilan
Nang nakalapit na ako agad ko siyang niyakap ng walang pahintulot."Maraming salamat,maraming salamat sa pagligtas mo saakin.Oo,naniniwala ako sayo.Naniniwala ako sa mga sinabi mo" Aakmang tatanggalin niya ang kamay kong nakayakap sa kanya kaya agad kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
Biglang nagFastforward yung nangyari sa una ng panaginip ko at ditoy namulat ang aking mata.
"Good Morning!" Masayang bati ko sa sarili ko at nagtaas pa ng kamay at inikot-ikot ang braso.
Kumuha ako ng kapirasong sticky note at ballpen at sinulat dito ang panaginip ko.
June 2,Sunday
May lalaking naglistas sakin at sya ulit yun,niyakap ko sya ng walang sabi at nagpasalamat at nananiniwala ako sakanya.
Ganyan ang sinulat ko sa stickynote.Pinaliit ko ang mga letra para magkasya.
Bumaba na ko ng hagdan at dumiretso sa C.R ginawa ko ang morning routines ko at pumunta sa kusina.
"Good Morning ma!ate!" bati ko ng nakangiti at umupo sa hapagkainan.
"Good Morning Nak!/Good morning bunso!" Bati nila.
Napangiti ako dahil kahit tatlo lang kami dito sa bahay masaya naman kaming namumuhay.
"Luhhh mukhang masaya si bunso ngayon ah!pangiti-ngiti pang nalalaman" Inirapan ko lang ito.
"Ano naman ang napanaginipan mo ngayon anak?" tanong ni mama habang naghahain ng pagkain.
Alam nila mama na may kakayahan akong managinip ng totoo dahil elementary palang ako nung maranasan ko ito at sinasabi ko sakanila ang napapanaginipan ko.
"Ayun ma,sya nanaman uli" maikling sagot ko.
"Siya nanaman!?" tanong ni ate habang ngumunguya ng hotdog.Tumango lang ako.
"Nakailang beses mo na siyang napapanaginipan anak hanggang ngayon hindi mo padin siyaa nakikita"
"Oo nga ma,kailan ko kaya siya makikita!?" sabay subo ng hotdog.
"Baka naman di sya karapat rapat sayo kaya di mo nakikita parang hanggang panaginip kalang!" ani ni ate
"Tumahimik kangaa ate!lahat ng panaginip ko nagkakatotoo.. kaya...makikita ko rin siya... baka di lang ngayon!"
Napabaling ako sa tyan ni ate,medyo malaki na ito.Pregnant si ate ng 4 months at mag5 months na siya nitong 25 kaya excited na akong makita ang gender ng baby.
"Bilisan nyo na kumain dahil magse7:30 na naghihintay na sila mareng rosie doon"
"Aye,aye captain!" sabay saludo ko.
Mabilis akong kumain at naligo pagkatapos pansin kong wala na sila mama baka nauna na kaya agad agad akong nagayos at umalis
YOU ARE READING
When The Night Comes (ON-GOING)
FanfictionA Teen-Fiction Romance History about a Highschool Girl,Hazel Jane Alonte who see her future in her dream.each kind of her dreams is seeing the future deaths of others,the worse is that she does not know when the deaths will happen,but she tries to s...