Duyan

0 0 0
                                    

Ang mundo ko'y napapalibutan ng dilim,
Ang araw ko'y tila naging takipsilim,
Bukod sa balat kong kulay itim,
Puso ko'y pinuno ng poot at sakim.

Alaala mo'y sariwa pa sa aking puso't isipan,
Nabalot ang buhay ko ng kalungkutan at kapighatian,
Magmula nang ako'y iyong iniwan,
Sa bawat hampas na lamang ng hangin ako'y nagsasayawan.

Hindi ko nga magawang ika'y makalimutan,
Sa bawat sandali, parang baliw na naghahanap kung saan-saan,
Mga tanong na hindi mawala-wala sa aking isipan,
Kung bakit mo ako iniwan at pinabayaan.

Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako,
At nakatali pa rin sa dalawang puno,
Umuwi kana at nais ko ulit marinig ang mga awit mo,
Habang ako'y natutulog at nakayakap sayo.

-END-

A/N: I HOPE YOU LIKE IT GUYS. PLEASE VOTE AND COMMENT.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Little Red NotebookWhere stories live. Discover now