Minuto-minutong lumilipad ang aking utak
Nakahihilo na para bang lasing sa alak
Kilos at salita mong di ko maintindihan
Kung pareho ba tayo sating nararamdaman.Bakit mo pinana itong puso ko Kupido?
Kung di mo kayang suklian ang pagmamahal ko
Ikaw lamang nagpatibok sa puso kong bato
Ngunit ibang bulaklak ang dinadapuan mo.Sinusulat ko ang pangalan mo sa buhangin
Nagbakasakaling liparin ito ng hangin
At habang ako ay pumipikit na mariin
Pagdilat ko’y wala ka na sa aking paningin.Sa loob ng maraming taon tayo’y nagsama
Hindi pa rin nagbago ang aking nadarama
Hiling ko ay mawala ito na parang bula
Ngunit makalimutan ka’y hindi ko magawa.Hindi ko lubos maisip kung bakit ka ganyan
Para akong si Sisa sayo sa eskwelahan
Palaging naghahanap sayo kung saan-saan
Makita ka’t ako’y nagpagulong na sa hagdan.Alam kong alam mo na ikaw ay mahalaga
Ngunit nahihirapan na akong maging daga
Palihim na sumusulyap sa loob ng lungga
At nagpapakita sayo na para bang tanga.Nagbubukod tangi ka lamang sa akin mahal
Pinagtatanggol kita na tila’y isang kawal
Gagawin ko lahat magmukha man akong hangal
Handa akong sumugal gaano man katagal.Ang daming tanong di mawala saking isipan
Kung ano na naman ba ang iyong kailangan?
Minahal mo ba ako kahit bilang kaibigan?
Bakit ngayon ako ay iyong iniiwasan?Tulad niyo, ako’y tao rin naman napapagod
Napapagod sa panahong ako’y sumusugod
Sumusugod sa pag-ibig na mayroong bakod
Bakod na hindi kayang akyatin man ng uod.Minsan, kailangan din nating sumuko sa laban
Labanang hindi mo kailanman mapapantayan
Lalo na’t sa taong manhid at wala ring alam
Sa tunay at matagal ko ng nararamdaman.Nauubos na rin ako sa kaiintindi
Sa iyong ipinapakita, ano pang silbi?
Ngunit isa lamang ang hindi ko maitanggi
Na ikaw MAHAL di ko kayang maisantabi.A/N: I WROTE THIS POEM DURING OUR SUMMER CLASS THIS YEAR. I HOPE YOU ENJOY IT. GUMAMIT AKO NG MGA TAYUTAY AT MATATALINGHAGANG SALITA SA TULA KONG ITO. PLEASE VOTE AND COMMENT GUYS. KAMSAHAMNIDA💕

YOU ARE READING
My Little Red Notebook
PoetryThere are things that we can't express orally so we express it through writing. Writing a letter to someone makes us feel better than to keep it with ourselves. This is a short message that I want to share with everybody. I have my little red notebo...