Chapter 1

63 6 1
                                    

Acellaine's POV

"Ace nasaan ka na? Galit na si Sir PJ!" Sabi ni Isha sa kabilang linya. Or more on sigaw niya.

"Sha wait lang malapit na ako. Nagkaroon lang ng konting problema sa apartment" and when I say konti malaking problema talaga. Pinapalayas na ako sa apartment. 5 months na kasi akong di nakakapagbayad. Yung sahod ko sa part time ko kulang pa sa mga projects ko sa school.

"Ace, naku buti dumating ka na. Lagot ka nito kay sir PJ eh" sermon nya sa akin.

Naglakad na ako papunta sa kitchen at dali daling sinuot ang apron ko. Nagtatrabaho kami ni Isha sa  isang restaurant. Ewan ko nga kay Isha mayaman naman siya nagpapart time pa.

"Acellaine. Bakit ngayon ka lang?! Kanina ka pa hinihintay dito sa kusina ahh" inis na singhal sa akin ni Sir PJ.

"Sorry po sir." Nakayuko kong tugon kay sir.

"Okay, basta di na mauulit ha. Sige na pumunta kana sa counter" sabi ni Sir kaya pumunta na agad ako sa counter.

"Yes sir may I take your order please" sinimulan ko na agad ang trabaho ko.

"Uhm one sweetened potato, and then 1 Carmela carbonara and ice tea for drink" sabi ng lalaking nasa harap ko ngayon. Nakashades pa ito at mukhang galing pa sa school. Riverdale Academy. My dream school.

"Hey miss! Your day dreaming Yung order ko oh!" Inis na sabi nito. Aba ano bang kinagagalit ng lalaking to!

"Okay sir!" Sarkastiko kong sabi.

"Tss. Ganyan ba kayong magwelcome ng costumer niyo" dagdag pa nito. Tss eh ano bang kinagagalit niya.

"Aba ano bang kinagagalit mo ha! Kukuhanin ko naman yung order mo ah! Eh bakit ka pa nagagalit." Inis na sabi ko sa kanya. Kaya nakatanggap naman ako ng isang death glare. Kala mo gwapo. Okay gwapo sya.

"Uhm excuse me po ano pong nangyayari dito?" Singit ni Sir PJ.

"I thought high class ang restaurant niyo. But your staff is so impolite I lost my appetite" cold na sabi nitong kumag na to.

"Hoy mister. Anong impolite ka dyan!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Acellaine. Go to my office now!" Saad ni Sir PJ at bakas sa boses nya ang pagkagalit.

"Sir, I'm so sorry for the incident. Please let the other staff assist you" maamong sabi ni Sir PJ

"As I said I lost my appetite. I shall go now" cold na sabi nito.

"Tss Jerk!" Inis kong bulong. At mukhang di naman niya yun narinig.


"What the hell did you do Acellaine? Di mo ba alam na yun si Sir Vander Riverdale. Ang heir ng Riverdale Group of Companies" nakakahiya ang inasal ko kanina. Malay ko bang ganon pala kayaman yung kumag na yun ay este Vander pala.

"I'm so sorry sir. Di ko naman po alam" paghingi ko ng paumanhin.

"Hay. I'm so sorry din Acellaine. But I think you should find another job. A job that's suitable for you. I know you can cook but, we already have a chef here. At sa counter lang ang maibibigay naming offer sayo but it seems na hindi ka pede sa counter" paliwanag ni sir PJ. Did I hear him right. Am I fired? Tss sino ba niloloko ko. Tanggal ka na Acellaine Almedez Fortaleza. Tanggal ka na sa trabaho at dahil yun sa katangahan mo.

"Naiintindihan ko po sir PJ salamat po sa mga naitulong niyo sa akin. Una na po ako" sabi ko at dali daling tumayo.

"Acellaine sweldo mo para sa buwang ito" sabi ni Sir PJ sabay abot sa akin ng isang sobre.

"Pasensya ka na talaga Acellaine" dagdag pa nito. Tumangho na lang ako at agad na nilisan ang opisina niya.

Walang buhay akong naglalakad papunta sa apartment ko. Naabutan ko si Aling Yana na may nilalabas mula sa apartment ko.

"Aling Yana ano pong ginagawa niyo?" Takang tanong ko dito.

"Di pa ba obvious? Nilalabas ko ang mga gamit mo. Pinapalayas na kita!" Sigaw ni Aling Yana

"Po? Aling Yana naman, kung tungkol po ito sa utang babayaran ko po ito po oh!" Abot ko sa pera na sweldo ko kanina. Kinuha naman ito ni Aling Yana.

"Alam ko naman na mababayaran mo ang utang mo ngayon pero paano na sa susunod na mga buwan. Acellaine alam kung natanggal ka na sa trabaho at kailangan ko din kumita. Hindi naman pedeng mastock lang yung pera ko sa utang mo" paliwanag ni Aling Yana.

"Pero."

"Pasensya ka na talaga Acellaine" sabi ni Aling Yana bago ilock ang apartment.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at dahan dahang umalis sa apartment ko. Alam kong kailangan kong maging matatag. Perp hindi mapigilan ng mga luha ko na lumabas sa aking mga mata.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang bench malapit sa apartment ni Aling Yana. Di parin tumigil ang pagluha ng aking mga mata. Sana nandito pa sila mama. Sana di ako nag-iisa. Sana namatay na lang akong kasama nila.

"Uhm iha. Anong ginagawa mo dito gabi na ah" sabi ng isang babaeng maganda na may kaedaran na rin.

"Wala po " sabi ko sabay pahid sa mga luha ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Wala naman masamang sabihin ko diba?

"Napalayas po kasi ako sa trabaho ko. Napalayas na din po ako sa apartment na tinutuluyan ko." Sabi ko sa kanya.

"Talaga ba? Nako kung gusto mo sa amin ka muna tumira" alok nito sa akin

"Nako nakakahiya po. Di ko pa nga po kayo kilala" sabi ko sa kanya.

"Ah by the way ako nga pala si Celestina and you?"

"Acellaine Fortaleza po" sabi ko sabay abot ng kamay ko. Tinanggap naman niya ito.

"Are you related to Camilla Fortaleza and Salvador Fortaleza?" Tanong nito sa akin bakit kilala niya ang mga magulang ko?

"Yes po. Magulang ko po sila" sabi ko sa kanya kaya nagulat naman siya.

"Bakit niyo po sila kilala?" Takang tanong ko.

"They are my best friend. Where are they?" Tanong nito sa akin bigla naman akong nalungkot.

"Patay na po sila car accident po" sabi ko bigla naman natahimik si ma'am Celestina.

"I'm so sorry. Di ko man lang nalaman na patay na sila. Oh sya tara na sa bahay namin para naman masabi ni Camilla at Salvador na inaalagaan ko yung anak nila" sabi ni maam Celestina

Nakarating naman agad kami sa bahay nila. Mansyon pala. Napakalaki.

"Simula ngayon dito kana titira" sabi ni Ma'am Celestina

"Thank you po ma'am Celestina" pasalamat ko sa kanya.

"Just call me Tita" sabi nito

"Okay po Tita" kapag nakahanap na ako ng matutuluyan aalis na din ako dito.










Fight MeWhere stories live. Discover now