Chapter 8

6 0 0
                                    

Acellaine

"Ugh. Bakit kasama ka pa?" Inis kong tanong kay Vander ng makalabas kami ng bahay para hintayin si Daine.

Ugh. Bakit kailangan kasama pa ang kumag na to. Hays.

"Sa tingin mo gusto kung sumama? Tss" inis niya sabi sa akin.

"Eh kung di ka kasi pumayag di ka pasasamahin" saad ko naman.

"Eh kung hindi kasi kukunin yung sports car ko di ako sasama okay?" Inis naman nyang sabi.

"Tss" inis kung sabi bago tuluyang naglakad sa papalapit na si Daine.

"Oh bakit ka nakasimangot?" Takang tanong ni Daine ng makalapit ako sa kanya.

"Wala. Tara na nga" sabi ko at naunang naglakad sa sasakyan na.

"HeyVan buti kasama ka" di ko na narinig ang pag-uusap ng dalawa.

Nakaupo ako dito sa likod habang si Vander na kumag at si poging Daine ay nasa unahan. Tss ako sana dyan eh!

"Close ba kayo?" Tanong ko sa dalawa.

"Were best friends together with Jay,James,Blake,Race, Stacey, Tara, Yara, Lisa and Rose" paliwanag ni Daine.

"So one squad kayo,so nice naman" sabi ko. Buti pa sila may group of friend.

"Ano ka ba di ba kasama ka na sa squad" sabi naman ni Daine.

"Talaga?" Masigla kong tanong.

"Yup" sagot naman niya at itinuon na ang kanyang sarili sa pagdridrive.

"Doon tayo oh" turo ko sa rides dito sa amusement park. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Vander don't tell me takot sya dyan. Mapagtripan nga.

"Vander, Daine doon tayo please" sabi ko kaya naman sinamaan ako ng tingin ni Vander.

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin Vander takot ka ba sa rides na yan?" Mapang-asar kong tanong

"Anong takot? Kaya ko yan no" Maangas nyang tugon. Tingnan natin hanggang saan ang kaya mo Mr. Vander Riverdale na kumag. Susuko ka rin.

"Sure ka na Van" nagaalalang tanong ni Daine.

"Oo naman" sabi nito at dali-daling pumila sa pilahan.

"Okay ka lang ba Vander" mapang-asar na tanong ko

"Oo naman" tss ayaw pa kasing aminin na di nya kaya.

"Okay tara doon naman tayo" turo ko naman sa isa pang rides.

"Sabi mo kasi okay ka lang" sabi ko habang hinahagod ang likod ni Vander na nagsusuka na ngayon dito sa loob ng sasakyan. Buti na lang may dala akong plastic para sukahan niya.

Nakarating na kami ni Vander dito sa bahay. Tss panira talaga. Edi sana kanina may sweet moments na kaming dalawa ni Daine. At kaylan ka pa natutong lumandi Acellaine?

"Oh anong nangyari kay Vander?" Nag-aalalang tanong ni Tita.

"Uhm nilagnat po sya bigla" sabi ko at dali daling dinala si Vander sa kwarto nya.

"Tita ako na pong bahala kay Vander" sabi ko kay Tita tutal ako naman ang may kasalanan kung bakit nilalagnat ngayon si Vander.

"Sure ka ba pwede naman ang mga maids na para makapagpahinga ka na" sabi ni Tita sa akin na syang inilingan ko.

"Okay lang po. Kaya ko naman po" sabi ko at pumasok na sa kwarto ni Vander.

"Hoy Vander bumangon ka muna, magpalit ka ng damit" sabi ko sa nakahigang Vander.

"H-hindi ko k-kayang b-bumangon" nanghihina nyang sabi. Ayst nakokonsensya tuloy ako. Ako ang may kasalan kung di ko kasi sya pinasakay sa mga rides na iyon di siya mahihilo at lalagnatin.

"Okay, wait lang kukuha lang ako ng damit mo" sabi ko at nagpunta sa walk in closet niya.

Agad ko namang kinuha ang damit at isang pajama. Agad ko din namang binihisan si Vander.

"W-wag m-mo ngang t-tingnan ang a-abs ko" nauutal nyang sabi.

"Naghihina ka na nga walang kwenta pa ang mga sinasabi mo" sabi ko sa kanya.

"Wala akong interest sa abs mo. At saka wala ka naman kasing abs kaya wag kang assuming" dagdag ko pa sa kanya.

"Tss" sabi niya bago tuluyan ulit na humiga.

"Diyan ka lang kukuha lang ako ng gamot at thermometer" sabi ko bago tuluyang lumabas sa kwarto niya.

10:30 na pala ng gabi. At dahil alam ko na hindi pa kumakain si Vander at wala pang laman ang tiyan ng kumag na yun nagluto muna ako ng sopas.

Nang matapos na akong magluto kinuha ko na ang gamot, tubig at thermometer kasama ng sopas.

"Ang t-tagal mong kumuha ng g-gamot ha" sabi nito habang nakataklob sa ilalim ng kumot. Tss bobo talaga, may lagnat na nga ang lakas pa ng aircon.

"Tss ito kumain ka muna" sabi ko sabay abot ng sopas sa kanya.

"W-wala akong l-lakas" tss agad naman akong lumapit sa kanya.

At dahil wala syang lakas ako na ang nagpakain sa kanya. Hinipan ko muna ang isang kutsara bago isubo sa kanya.

"Sa wakas natapos ka din ito inumin mo tong gamot" sabi ko at kinuha ang gamot. Agad naman syang umiling.

"Ayaw ko sa g-gamot" sabi niya habang tinatakpan ang kanyang bibig.

"Inumin mo to para gumaling ka na" sabi ko at pinipilit syang painumin ng gamot.

Wala na akong nagawa kundi ang tumuntong sa kama niya at painumin ng gamot.

"A-ayaw k-ko sabi ng gamot" inis nyang sabi sa akin.

At dahil alam kong mahina sya ngayon agad kong nahawakan  ang dalawa nyang kamay at ibinuka ko ang bibig niya at pinasok ang gamot bago ko sya painumin ng tubig. Ang hirap nyang alagaan.

"Anong kaguluhan iyan" sabi ni Tita sabay bukas ng pinto. Nanlaki naman ang mata nito ng makita ang tayo namin ni Vander. Tayo namin ni Vander? Ano bang tayo namin? Oh fuck oo nga pala nasa ibabaw ako ni Vander. Shit!

"Eh hehehe tuloy niyo lang yan" sabi ni Tita sabay labas sa pinto.

"Tss. U-umalis ka nga sa ibabaw ko" inis na sabi ni Vander.

"Tss kung ininom mo kasi agad walang misinterpret na mangyayari." Sabi ko at kumuha ng basang tuwalya at pinatong sa noo niya.

2:00 na ng umaga at mabuti naman at bumaba na ang lagnat ng kumag na ito. Mahimbing na itong natutulog. Sa wakas makakatulog na ako. Agad kong pinikit ang aking mga mata at dumako na sa aking panaginip.

Fight MeWhere stories live. Discover now