Hindi Siguro

2 0 0
                                    

A short tagalog spoken poetry

Parang mali
Bakit ganito?
Paano mo nagawang pukawin
Ang natutulog kong mga paru-paru
Wala pang isang araw
Wala pang isang linggo
Wala pang isang araw nang nagkakilala tayo
Bakit tila nahulog na ako
Sa taong di ko naman kilala at ka ano-ano
Sa simpleng palitan nang mensahi na nag-iwan nang ngiti at pamumula sa aking labi at pisnge.
Nagkasundo sa mga bagay na maloko kung isipin, puso't isip koy lito ano ba dapat ang sundin?
Alam kong walang kasiguraduhan
Gusto na nga ba kita o humahanga lamang
Marahil akoy nag-assume, naantig at nasiyahan.
Nagbasakaling ikaw ang hinihintay
Nang sawi at puso kong luhaan
Marupok ba ako at sa simpleng mga salitang iyong binibitawan, nabibigyan ko nang kahulugan at importansya minsan?
O baka naman, sadyang namangha lang ako buhat nang tayo'y nagkaintindihan.
Nandun na sana eh
Masaya na
Naisip kona ang ikaw at ako
Napagpantasyahan ko na ang tayo
Ikaw na ba yun?
O marahil, nag assume lang ako
Ikaw na ba yun?
...Hindi siguro...

The Poets JournalWhere stories live. Discover now