Chapter 4Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.Sa una ay medyo malabo pero nang makita ko nang mabuti ang lahat ay alam kong nasa kwarto ko ako.
Napabuntong-hininga na lang ako. Akala ko okay na ang lahat pero nangyari na naman ulit 'to.
Tumingin ako bigla sa pintuan ng bumukas ito.Pumasok si Mommy at bakas sa mukha niya na nag-aalala siya sakin.
"Finally, gising ka na. Sweety are you alright? "
"Yes, Mom. Siguro kailangan ko lang mag-rest"ngumiti ako para hindi na siya mag-alala pa.
"Sige. Basta wag mag-isip ng mga bagay-bagay ha? " paga-assure niya.I sighed.
"Yes,Mom. Thanks"
Lumabas na siya sa kwarto ko.Tinignan ko ang clock na nakasabit sa wall. It's already 11 pm.
Pumikit na lang ako. Siguro kailangan ko lang talaga ng pahinga.
Pero nakailang posisyon na ako hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Bumangon na lang ako at kinuha ang laptop ko na nakalagay sa study table.
Umupo ako sa may kama at nagsimula ng mag-scroll sa Facebook.
Biglang lumitaw ang notif ko sa friend requestSchool
clinick ko na to. Napataas bigla yung kilay ko ng mabasa yung pangalan niya.Seriously, pinapanindigan na ba niya yung pagiging mag-BESTFRIEND namin?Siyempre hindi ko muna siya ia-accept noh. Ano siya hilo?
Pero bigla na lang may idea na pumasok sakin.Pinuntahan ko yung profile niya at nasimula ng mag-stalk. Oh yeah.Since ang FB na ang nagsisimulang diary ng mga tao, edi makakakuha ako ng mga detalye tungkol sa kaniya. Bwahahaha
Bigla na lang akong napabusangot ng makita kong naka-private pala ang account niya. Langhiya naman oh! Mukhang wala akong choice kundi i-accept ang friend request niya.
Pinindot ko ulit yung nasa friend request sabay confirm sa kaniya. Wala pang isang minuto ay bigla na lang siyang nag-chat.
Matthew: Thank u sa pag-accept, bestfriend~ 😘
Napasimangot na lang ako.Hilig niya talagang inisin ako ha!
Me: Lul.
Pagkatapos ko mag-reply sa kaniya ay nag-log out na ko.Ayaw ko aksayahin yung panahon ko sa walang kwentang kausap.Geez.
Naalala ko na naman yung nangyari sakin kanina. Bago ako mahimatay ay nakita kong may tao sa harapan ko nung time na yun.
Inisip ko na si Dad yun kaso mas matangkad yung lalaki. So,imposibleng si Daddy ang nakakita sakin.
Wait! Di kaya si... Matthew?!
Napailing na lang ako ng maisip ko na siya yung tumulong sakin.No way! Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa lalaking yun noh.
Sinubukan ko na lang pumikit para makatulog na. Since may pasok na naman bukas, mas maganda ng di ko na lang isipin yung nangyari kanina.Kahit na naku-curious ako kung sino ba talaga yung tumulong sakin. Haist.
♨♨♨
Nagising ako sa biglaang tunog ng alarm clock. Bumangon na kaagad ako at dumerecho sa banyo para magsipilyo at maligo.
Pagkatapos ng ilang minuto ng pagligo ay lumabas na ko. Napansin ko bigla ang uniform ko na nasa ibabaw ng aking kama. Mukhang si Mommy ang naglagay doon. Lagi niya kasing ginagawa yun. Napaka-sweet niya talaga. Hihi.
BINABASA MO ANG
Stalking Mr.Jerk
Teen FictionDahil sa pabor ng bestfriend ni Sandra,naging stalker siya ng kinaiinisan niyang lalaki sa school. Habang tumatagal ang pagkakakilala niya sa lalaki ay mas lalong umiigting ang kaniyang kuryosidad. May posibilidad kaya na magbago ang pagtingin niya...