Chapter 10

6.4K 180 22
                                    




"HEY Dude what's up man?" Nagulat si Hunter nang biglang may tumapik ng braso niya mula sa likuran at base sa boses ay alam na niya kung sino ito. "Sino'ng inaabangan mo d'yan?"


Humarap siya dito and they gave each other a hug and pat on the back. Ngayon lang ulit sila nagkita ng pinsan niyang si Nathan.


"Man look at you. Wow, ganda ng porma natin d'yan ah. Tell me who's that new girl?" he's smirking while looking at him.


"I'll tell you soon Dude. How about you, anong ginagawa mo dito?"

Why did I asked? I already knew the answer.    


"Well, actually I'm pickin' up someone—si B-Brynn..." mukhang nag-alangan pa itong sabihin kung sino.


"Oh cool..." tatango-tango niyang sabi, umiwas ng tingin kay Nathan at sumandal sa may gilid ng hood ng pickup niya at tumingala sa kalawakan. "Kayo na ba ni Br—"


"Nathan!" naputol bigla ang sasabihin niya nang marinig ang pagtawag ni Brynn sa kanyang pinsan.

Nilapitan naman agad nito ang babae and they both hugged each other.


Ang sweet talaga ni Brynn pagdating kay Nathan.

Yayakapin din kaya siya nito pag nakita siya?

Does she miss him too?

Bigla siyang na-excite at kinabahan.

Pero mukhang hindi man lang siya natanawan ni Brynn.

Kaya naglakad siya papalapit sa mga ito habang nakapamulsa, para maitago ang kaba at excitement kapag nakikita niya ang dalaga.

It always happens, whenever he see's Brynn his heart always skips a beat or beats even faster.


"H-Hunter?"      


"Hi Brynn..."


"Excuse me lang guys, I have to take this call," at dali-daling naglakad si Nathan palayo sa kanilang dalawa.

Sino kaya ang tumatawag dito at para itong nataranta?


Hindi akalain ni Brynn na narito rin pala ang mokong. "A-anong ginagawa mo rito?" Bakit ganyan ang suot mo? gusto sanang itanong ni Brynn dahil tinalbugan pa nito ngayon sa ka-pormahan si Nathan.


Hindi siya sanay sa ganoong ayos ni Hunter. Dahil most of the time simple white or gray body fit shirt lang ang suot nito at faded blue jeans or wrangler shorts.

Pero ngayon mas lalo pang tumingkad ang ka-gwapuhan nito sa suot na white body fit shirt na pinatungan ng long-sleeve charcoal black polo na nakabukas ang mga butones at tinernuhan pa ng wrangler light khaki pants.

He looks really hot and sexy.

Kaya naman parang may dalawang artista ang dumayo sa kanilang school ngayon.

No wonder why the girls were panicking.

Nakakita rin siya kanina ng mga highschool students na naliligaw sa kanilang campus.

At animo'y mga kinikilig na fangirls ng dalawa.


"Well, I was wondering If Amalia was already out of class? I texted her last night with the number you gave me."


"So may date kayo ni Amalia, kaya ganyan ang suot mo?"

Nagulat si Brynn kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Damn! Ano bang pakialam mo kung may date 'yong dalawa? 


Deep inside ay halos mapabunghalit ng tawa si Hunter.

He tried hard to control his laugh.

Daig pa kasi ni Brynn ang isang commander.

Was he sensing jealousy? Or it's just his imagination?

Daig pa kasi nito ang nagseselos na girlfriend.





"Yeah I think so. Bakit Brynn, do you find me more handsome than Nathan?" he asked giving her a sexy smile and then winked at her. At tumawa pa loko.   


Ang yabang! She rolled her eyes. Mabuti nalang at may kausap si Nathan sa cellphone, kaya naman ang lakas magyabang ni Hunter.


"Hoy! Mas gwapo kaya si Nathan..." sabi niya at inirapan ito. Lumapit naman ito lalo sa kanya. She could smell his masculine scent at para siyang nalalasing.

"Lumayo ka nga!" pakiramdam ni Brynn ay nai-intimidate siya tuwing lalapit si Hunter.



"Why sweety? Am I making you wet?" bulong nito sa kanya and she could feel him smirking at the same time.


"H-Hunter umayos ka nga, nandito si Nathan." Tinulak niya ang dibdib nito ng bahagya at pinanlakihan niya ito ng mata.


"So? He's talking on the phone. I can even give you a kiss and he won't even notice it."


"H-Hunter tumig—" bago pa niya matapos ang sasabihin ay nahapit na agad nito ang batok niya and gave her quick smack kiss. Mabuti nalang at walang nakapansin. Sana ay hindi nakita ni Nathan kung hindi ay masisira lahat ng plano niya ng dahil kay Hunter. "Bastos ka talaga, nakakainis ka!" at nagdadabog na nilayasan ni Brynn si Hunter.


"Brynn wait," madaling nahagip nito ang braso niya at pinihit siya paharap. "Anong bastos do'n? It's just a kiss."


"Paano kung nakita ni Nathan?"


"Look, I promise you hindi niya nakita. I'm sorry h'wag ka ng magalit. Na-miss lang talaga kita and I lost my control." At bigla nalang siyang niyakap nito. Somewhat it feels good in his arms.


Na-miss? Eh 'di ba magkasama lang sila kahapon hanggang gabi?

At kapag naririnig niya ang word na 'yon kay Hunter that means one thing—gusto nito ng sex.

Sa naisip ay bigla siyang kumawala sa mga bisig nito.


"Hunter kung gusto mo ng ka-sex, bakit hindi nalang si Amalia, total naman siya 'yong gusto mo at gusto ka rin niya."


"What?"


"Ayon na pala si Amalia oh... Sige d'yan kana Hunter, puntahan ko na si Nathan...bye..."

At nagmadali na siyang maglakad palayo kay Hunter.

Natanawan narin niyang tapos na si Nathan makipag-usap sa cellphone at hinahanap sila.













A/N: Hi po salamat po sa lahat ng sumusubaybay at nagbabasa ng The Wild Innocence at sa mga nagbo-vote and comments sa bawat Chapters. Na-a-appreciate ko po talaga ang inyong mga comments and votes. Sa lahat po ng umorder ng book Edition maraming salamat po sa support at sa lahat po ng aking mga followers love yah all.😘😘😘

Today is my birthday kaya mamaya mag-a-update po ulit ako. Inaayos ko lang ang Format. Salamat po sa inyong lahat. muaawwwwhhhhh 😘😘😘💋💋💋

The Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon