PROLOGUE

54 2 0
                                    





KANINA PA AKO NAGMUMURA.

Pakshet! Ang malalang sakit ng Pilipinas na hindi na mawala wala. TRAFFIC!!! Nakakabanas na dahil sa sobrang init tapos yung iba't ibang buga ng usok ng sasakyan. Isama mo pa yang nakakairita busina ng mga sasakyan na kala mo ika-uusad ng traffic. Bwiset. Wala pang isang buwan ng pasok ko bilang first year collage malalate pa ako. What a nice day!

Bakit ba naman kasi ako nag commute. Oo nga pala, wala kaming sariling sasakyan at walang may mabuting puso na maghahatid sakin. What a nice life!

Nang umusad na ang traffic nakahinga ako ng maluwag pero kaagad din nabawi dahil sa nakakamatay na amoy ng katabi ko. Mukang bagong sakay ito. Putakte! nabubulok na yata ang kilikili nito dahil sa sobrang baho. Gusto ko sana na abutan siya ng pera pambili ng deodorant kaso baka iba ang kalabasan nun sakanya. Alam ko na ugali ng mga tao ngayon ikaw na nga yung nagmagandang loob, ikaw pa yung nagmukang masama.


Napansin kong medyo malapit lapit na rin yung academy na pinapasukan ko kaya bumaba na ako. Tiisin ko na lang maglakad kesa mamatay ng dahil lang sa putok ng katabi ko. Patuloy lang ako sa paglakad ng may marinig akong sasakyan na papalampas sakin. Wala pang ilang segundo napamura ako ng palihim dahil sa putik na tumalsik sa puting vans na suot ko. Kapag nga naman sinuswerte ka napakaganda ng lunes ko ngayon. Para tuloy nagkaroon ng design yung white vans na suot ko. Ayos na sana kung gumanda ang kaso pumanget halatang madumi talaga.

Hindi pa masyado nakakalayo yung kotse kaya kaagad akong dumampot ng bato at binato dun sa kotse niya na mukang mamahalin. Kulang na lang mapa yes ako na parang nanalo sa lotto ng matamaan ko ito. Tumigil ito saglit pagkatapos ay umatras hanggang sa saktong nasa harapan ko na ang kotse. Hindi ko masyado makita yung tao sa loob dahil tinted yung bintana.

Hanggang sa bumaba ang bintana at tuluyan ko nang nakita ang JUSKO PO halos lumuwa ang eyeballs ko dahil sa makalaglag panty na muka ng lalaking nakakunot na ngayon ay halatang sa akin nakatingin. Kung titingnan parang pinamuka niya sakin na isa siyang hulog ng langit. His jawline.. His perfect eyebrow and his eyes na talagang tinutunaw ako. Yung balat niya na mas makinis pa sa akin. His kissable lips-- OK. KALMA LANG! Pakiramdam ko nagmumuka nakong ulol sa harapan niya. Sana nga walang tumutulo na laway.


" What the Fuck is your problem miss? "

Naiirita nitong sigaw sa harapan ko. Parang gusto niya kong patayin sa tingin niya.

SYAKA TEKA! Aba't bakit parang kasalanan ko pa. Dinumihan niya ang pekeng vans ko pagkatapos walang pakundangan siyang magsalita na parang ako pa ang may kasalanan. Tapos ipapakita niya sakin yung muka niyang dinaig pa ang mga greek gods sa sobrang perpekto. Ano yun gising yung diwa niya habang nagbubuhos ng salitang perpekto. Nasan ang hustisya sa mga katulad ko na tulog mantika.

" Shit. Your wasting my time. "

Pagkasabi niya ay parang bula na naglaho ito sa paningin ko. Time? Kaagad kong sinilip ang oras at palihim na napamura ng makita ko ang oras. Shet malas na araw.


Sa kabutihang palad nakarating ako sa room na wala pa yung teacher namin kahit alam kong late na ko. Grabe talaga ang swerte ka ngayon araw na to HANEP! muntikan pa kong hindi makapasok. Akala ko kasi nakalimutan ko yung ID ko buti na lang nailagay ko pala kagabi sa bag. Anyway pathway napansin ko na parang simula first day hanggang ngayon wala pa rin tumatabi sakin. Muka ba kong cancer? Ganun na ba ako kapanget para hindi nila ako tabihan. Pero kinakausap naman nila ako, minsan nakikipag kwentuhan at hindi naman sila mukang nandidiri sakin. Naisip ko tuloy baka meron ng nakareserve dun sa tabi ko. Ano siya VIP.

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon