Lianne Mikhaela LaoKumusta na kaya sila Ang bilis ng araw mag iisang linggo na pala ako dito sa MIM kailan kaya sila uuwi hmm
"I said Ms. Lianne Mikhaela Lao" galit na utas ng prof sa harap wait prof?
"Wha----aat?
"Nakikinig ka ba!?"
"I'm sorry ma'am ano po ulit yun?" tanong ko sabay tawanan ng mga kaklase ko nakakahiya
"Kanina pa kita tinatawag Ms.Lao may problema ba?"
"Sorry ma'am wala naman po" utas ko
"Okay basta sa susunod makinig ka ha Ms. Lao"
Nag patuloy ang pagtuturo ng prof sa harap ng bigla akong kalabitin ni Ivone
"Pst Lianne may problema ka? Bulong niya
"Wala naman naalala ko lang ang parents ko miss ko na kasi sila" bulong ko din
"Ah okay sana mag ka partner tayo ano para makapag bonding tayo" saad nito
"Partner? Para saan?
"Oo nako hindi ka talaga nakikinig mag bubunot kasi si ma'am ng pares tapos gagawa tayo ng project experiment ata"
"Ah sana tayo nga ang mag partner ano"
"Sana" kibit balikat niyang sabi
Nag bigay na ng pares si ma'am at hindi pa natatawag ang pangalan namin ni ivone anim na pangalan nalang ang hindi natatawag kasama ang class president nami na si Eros Gebrain Perez
Ruales at Santiago
Wait natawag na si Ivone so it means kami ni
Lao at Perez
Ang mag partner
"Okay dahil may mga partner na kayo simula ngayon hanggang katapusan ng semester ay kayo ang magkakapares" saad ni ma'am
Maraming tumutol pero marami din ang gusto ang kanilang partner,ako? Hindi ko alam mukha namang mabait itong si Eros atsaka jackpot din kasi matalino
"So that's all for today class dismiss"
Break Time
Nandito kami ni Ivone sa canteen para bumili ng snacks nagkwentuhan kami tungkol sa pairing kanina at sa project na gagawin
"Li ang swerte mo sa partner mo matalino tapos pogi pa bagay kayo" saad ni Ivone na parang kinikilig pa
"Ano ka ba Von hindi kami bagay no atsaka teka lang crush mo ba si Eros?"
"Huh? Hindi no may iba akong gusto" naiiling niyang sabi
"Weh? Sino?
"Kilala mo ba yung senior yung sa nursing dept? Yung varsity? Siya yung gusto ko" namumula niyang sabi
"Uyy namumula siya" tukso ko
Nag patuloy ang kwentuhan namin hanggang sa ako naman ang kanyang tinukso tinanong niya ako kung may boyfriend na daw ako iling lang ang sinagot ko haha parehas pala kami na NBSB
"Sino ba kasi ang gusto mo!?" paulit ulit niyang tanong
"Hindi mo naman kasi yun kilala eh"
Nagdaldalan pa kami ng biglang umingay sa entrance ng canteen.Pumasok ang apat na lalaki hmm basi sa mga naririnig ko sikat silang apat dahil bukod sa mga gwapo ay mga matatalino rin at nag e excel sa kani kanilang mga departamento
"Ang gwapo talaga nila"
" Pakasalan niyo na ako"
"Sana mapansin din nila ako"
"Astig nila"
"Hindi naman gwapo"
Iba't ibang komento ang naririnig ko
Pero ang nakapukaw sa atensyon ko ay ang lalaki sa gitna ng tatlo niyang kasama familiar ang mukha niya parang nakita ko na dati hindi ko lang maalala.Pinilit kung alahanin kung saan ko ba ito nakita ng biglang lumapit sila sa kinauupoan namin"Ms. Pwede ba kami dito wala na kasing bakanteng upuan eh" saad ng lalaki na medyo moreno sabay kamot sa kanyang ulo na tila parang nahihiya
"Ah cge tutal pang anim naman tung table namin" saad ni von na parang tulala
Na realize kung ito pala yung senior na crush niya
Pag kaupo nila ay rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante. Nag pakilala silang apat, yung crush ni von na medyo moreno ay si Vaughn Dashiel Mariano yung maputi naman na chinito ay si Reiz Ynigo Alcantara habang yung mukhang masungit ay si Zandru Tiu
at ang huli ay si Josiah Arcain PerezWait Josiah? Siya yun siya yung long time crush ko
Bakit hindi ko agad siya nakilala? Damn
-----------------------------------------------------------
Plagiarism is a crime
Warning!
May mga Typos and wrong grammar po sa story!!!!
Oh magkakila pala sila.Bakit kaya hindi niya agad nakilala si Josiah Alamin;)
Ang sagot ay nasa kabanata 3
Wala pang mga sweet moments dito malayo pa marami pang mangyayari sa ating bida:)
PS. tagalog po halos ang gagamitin ko dito.Hope you'll understand
Love,
Ms.A♥
BINABASA MO ANG
Nevermore
Teen FictionLalaban ka pa ba kung simula pa lang ay talo ka na? Susugal ka pa ba kung wala ka nang maibibigay pa? Magmamahal ka pa ba kung sa huli ay masasaktan ka rin pala? Nevermore