Kabanata 4

9 0 0
                                    


Ngayong araw namin napag usapan ni Eros ang gagawin project atsaka mag thank you din Sana ako kasi hindi ko sya napasalamatan ng maayos last week nung ginamot niya ang sugat ko

"Ahm Eros salamat pala doon sa ginawa mong pag linis sa sugat ko ah" sabi ko sa kanya habang siya ay naghahanda sa mga gagamitin namin

"Hmmmm walang anuman atsaka di kita pwedeng pabayaan na lang ng basta basta" sabi niya pero yung kalahati ng sinabi ay di ko narinig

"Anong sinabi mo Eros?Hindi ko kasi narinig"

"Ah wala yun tsaka Lianne pwede bang paki tignan kung kompleto na ba ang mga sangkap para sa experiment natin" ani niya sabay iba ng topic at nag simula na kami sa project

"Ah oo sige"

"Paki tulungan mo nga ako dito kasi nahihirapan akong mag hawak eh"

3 hours later

Sa wakas natapos na rin ang project kapagod din palata to buti nalang magaling ang partner ko sure akong makaka A kami nito

"Gutom ka ba Lianne?"

"Ahmm kunti lang" nahihiya kung sabi kahit nag aalburoto na ang tiyan ko sa gutom

"Tara san mo ba gusto?"

"Huh? Ah ano ikaw na bahala kahit saan"

Sumakay kami sa kanyang sasakyan at pumunta sa isang mamahaling restaurant

"Bat dito mahal naman pwede naman tayo sa fastfood na lang bumili"

"Ayaw mo ba!?"

"Hindi naman sa ganon"

"Yun naman pala eh tara libre ko to kaya don't worry"

Kumain kami at nagkwentuhan masarap din palang kasama tung isang to nagkwento siya tungkol sa buhay niya at pamilya nila

"Magkapatid pala talaga kayo ni Josiah?"

"Oo haha bakit di ba halata? Parehas kaya kaming gwapo lumamang lang ako nang kunti" sabay tawa

"Yabang ah haha"

"Totoo naman kasi"

Nang matapos kami ay inanyayahan niya akong mamasyal pumunta kami sa park at nilibre niya ako ng  barbeque, sa pag aaliw namin ay di ko namalayan na gabi na pala kaya inimbitan niya ako na sa bahay nila mag dinner.Kinabahan ako dahil nandun si Josiah kahit wala pa akong sinasabihan tungkol doon ay kabado parin ako

Perez Residence

Maganda at malaki din ang kanilang bahay ang alam ko kasi ay doctor din ang kanilang ina at architecture/businessman ang kanilang ama

"Feel at home lang Li ha wala din naman sina mom at dad nasa work pa kukuha lang ako ng makakain natin."

"okay sige"

Habang tinitigan ko ang mga picture nila.Nakita ko ang picture nilang dalawang magkapatid di maipagkakailang may magandang lahi talaga sila.Ang gugwapo naman kasi

"Ehem" napatalon ako sa gulat ng may mag salita sa likod ko

"Ah eh sorry kung pinakialaman ko" naku po baka paalisin ako nito

"Okay lang namang tignan mo yan" sabay ngiti damn Josiah wag kangang ganyan baka mas lalo akong mahulog sayo

"O Kuya nakauwi kana pala" sabay kaming napalingon ni Josiah ng magsalita ang kadarating lang na si Eros

"Oo nga pala kuya this is Lianne" sabi ni Eros sabay lapit sa akin nako magkakilala na kami niyang kuya mo no

"I know kilala ko siya"

"Talaga saan?" Kunot noong tanong ni Eros

"Sa canteen noong kumain kami nakiupo sila" singit ko

"ah Tara Kain na tayo" anyaya niya

Tinitigan ako ni Josiah na parang sinusuri kinabahan tuloy ako habang kumakain lalo na kapag nakikita kung tumititig siya

Lumalalim na ang gabi at kailangan ko ng umuwi kaya nag paalam na ako palabas na sana ako ng gate ng tinawag ako ni Josiah

"May nakalimutan akong sabihin" ani niya

"Huh? Ano yun kuya?"Ang awkward na tinawag ko syang kuya

Lumapit siya sa akin at bumulong

"Mas lalo kang gumanda pagkalipas ng tatlong taon" bulong niya sabay alis habang ako ay tulala

I was left there dumbfounded damn pano niya nalaman eh ang laki na ng pinag bago ko ang dating maiksi na buhok ko ay humaba na ang dating katamtamang kulay ng balat ay sobrang puti na at ang tangkad ko na ngayon at umiba din ang hugis ng  mukha ko kasi pumayat ako pero paano niya nalaman? Ni Lianne lang din naman ang sinabi ko nung nagpakilala ako tatlong taon na ang nakalipas

Damn Josiah Arcain Perez wag kang ganyan kasi hulog na ako sa iyo at baka mas mahulog pa ako

-----------------------------------------------------------

Plagiarism is a crime

Warning!

May mga Typos and wrong grammar po sa story!!!!

Josiah why are you like that? Easy lang, ang puso ni Lianne matagal ng nahulog pero mas binaon mo pa;)

Coming up next more sweet moments♥

Love,
Ms.A

NevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon