Kabanata 5

12 0 0
                                    


Mas lalo kang gumanda pagkalipas ng tatlong taon

Mas lalo kang gumanda pagkalipas ng tatlong taon

Mas lalo kang gumanda pagkalipas ng tatlong taon

Arghhh parang sirang plaka pabalik balik yan sa isip ko ang resulta tuloy ay wala akong tulog damn you Josiah Arcain Perez mukha akong zombie may exam pa naman kami ngayon

*yawn*

Inaantok na talaga ako buti na lang natapos ko na ang exam ang problema nga lang ay di pa kami pwede umuwi kahit na wala na kaming klase tsk.At dahil antok na talaga ako nakatulog na ako

*poke* *poke*

Hmmm anu ba yan antok pa akooo

"Li gising na" hmm parang pamilyar ang boses ah

"Maya na antok pa ako"

"Gigising ka o hahalikan kita?"
Wha-what? Sino ba to?

"Bhagsgshwu jdkshdahabzbvbbs" inaantok pa talaga ako maya na please

"Ano? Li hahalikan talaga kita kapag hindi ka gumising" bulong niya nangilabot ako sa sinabi niya at gising na gising agad ang diwa ko

"Ito na nga gigising na" sabi ko dali dali tumayo takot ko lang mahalikan no

"Oh edi ayan gumising ka na rin sa wakas kanina pa ako dito" tawang tawa niyang sabi

"Walanghiya ka talaga Eros hmmpp teka nasaan ang iba?"

"Kanina pa po ang uwian at tulog mantika ka kanina pakita ginigising" hala totoo nakakahiya naman

"Eh bat nandito ka pa?"

"Eh Hindi naman kita pwedeng iwan na lang dito at tsaka cute mo kayang matulog parang baboy naghihilik sarap titigan" tawang tawa niyang sabi

Bwesit ka Erossssssss lagot ka talaga at nag habulan nga kami sa loob ng classroom.

One week later

Iniiwasan ko talaga si Josiah kasi naman yung sinabi niya may epekto talaga sakin marami tuloy ang naglilipanang mga paru paru sa tiyan ko buti na lang talaga hindi pa kami nag kakasalubong simula noong nagpunta ako sa bahay nila

"Li anong gusto mong kainin?" Tanong ni Eros nandito kami sa canteen

Yes halos kami ang magkasama araw araw ni Eros busy kasi si Von eh halos wala kaming parehas na klase  habang itong abnormal na si Eros ay halos ata lahat ng subject ay magkaklase kami

"Sila ba?"

"Di naman sila bagay"

"Ang sweet ni Eros"

Oo nga pala dahil palagi kaming magkasama expected na ang mga isyu sa aming dalawa halos araw araw may maririnig akong ibat ibang komento na wala namang katotohanan magkaibigan lang naman kasi kami nitong si Eros

"Hayaan mo na yan sila Li" palagi naman niyang sinasabi sa akin

Habang kumakain kami ay panay ang kwento ni Eros naikwento din niya ang kabalagtusan niya dati

"Alam mo ba li na na suspended ako dati kasi tinulak ko yung kaklase ko" natatawa niyang sabi habang inaalala ang mga kalokohan dati

"Abnormal ka talaga Eros" nakakatuwa tala siya

Nagtatawanan kami ng biglang

"Pwede ko ba mahiram saglit si Lianne"

Lagot ang taong iniiwasan ko ay nasa harap ko na

"Bakit Kuya? May kailangan ka?" Kunot noong tanong ni Eros

"Mayroon kaya nga kukunin ko na siya sayo" sabay hatak sa akin

Parang mayroong ibang ibig sabihin sa sinabi niya o ako lang?

Hinatak niya ako hanggang sa mapunta kami sa isang lumang classroom

"Lianne iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya sabay titig sa akin na parang nanunuri

Damn Josiah wag kang tumitig ng ganyan

"Ah h--hindi na--naman" utal utal kong sabi

"Talaga lang ah tumingin ka nga sa akin" sabay lapit ng kanyang katawan at tumitig sa aking mga mata

Nanginginig akong tumitig sa kanya pagkatapos ay hinawakan niya ang mukha ko at sinabing

"Kahit nag bago ang anyo mo kahit mas lalo kang gumanda ngayon alam ko nung una kitang makita alam ko na agad na ikaw si Lianne, ang Lianne na kilala ko three years ago"

"Miss na kita Lianne sana wag mo na akong iwasan"

Damn natulala ako at nasabi kong

"Miss na din kita Josh at hindi na kita iiwasan"

-----------------------------------------------------------

Plagiarism is a crime

Warning!

May mga Typos and wrong grammar po sa story!!!!

Spell Marupok

L-I-A-N-N-E ┐( ̄ヮ ̄)┌

Love,
Ms.A♥



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon