One Shot Compilations [TCB One Shot Fanfics]

242 5 3
                                    

STUDENT TEACHERS

Tumakbo ako papuntang station ng LRT. Shiz! Anong oras na pala! Ang dami ko kasing ginawa kagabi eh. At ang dami pang inutos ng adviser ko! Nakngteteng. Late na ko.

Sumingit ako sa pila para makabili ako agad ng ticket. Dami na ngang nagrereklamo eh! Lampake! Late na ko. Shocks.

"Miss. Wag ka ngang sumingit." Sabi nung lalaki sa likuran ko. Di ko sya nilingon. Wala akong pake. Ang gusto ko lang, makapunta ako sa school. Sabi nung adviser namin, kapag na-late pa daw ako ng isang beses, hindi na nya ko papapasukin sa classroom nya. Sa labas daw ako gagawa ng activities ko. Ang terror ng teacher na yun. Psh.

"Miss. Ako dapat ang nandyan. Tss." Sabi nung lalaki sa likod ko. Di ko ulit sya nilingon. Kapag lumingon ako at sinagot sya, paniguradong mag-aaway lang kami.

Nung nakabili na ko ng ticket. Pumunta agad ako dun sa hintayan ng tren. Wew. Ang init. Nakaka-haggard naman oh! Tinignan ko yung relo ko. Shocks. Sana wala pa si prof.

Papasok na sana ako sa tren nung may bumungo sakin kaya lahat ng dala kong gamit, nalaglag. Napatingin ako dun sa lalaking kakasakay lang sa tren. Nakita ko yung nameplate nya, "Kris Cruz" ang nakasulat.

"Tatanga-tanga." Sabi nya bago sumara yung pintuan nung tren. Nakng! Di ako nakasakay!!!

**

"Miss Dagger, why are you late?" Sabi nung adviser namin pagkapasok ko ng classroom. Whoo. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Kase po hindi po ako agad nakasakay ng--" naputol yung sinasabi ko kase nagsalita sya.

"Hindi ko tatanggapin ang kahit anong excuse mo. Go out." Sabi nya. Magrereklamo sana ako kaso di ko magawa. Lumabas na lang ako ng room at tumambay sa may library. Kung tutuusin dapat masaya ako, kaso sayang effort ko. Ang hirap tumakbo lalo na pag maliit lang legs mo.

Pagkapasok ko ng library, tinabi ko muna yung bag ko dun sa mga pinaglalagyan ng bag tsaka naghanap ng pwedeng basahin na libro. Habang tumitingin ako ng books, may narinig akong di kanais-nais. Nakngteteng. Yung chismosa feels ko, lumalabas. Sinundan ko kung saan galing yung tunog. Bakit parang may nag-aano? Shit.

Pagkatingin ko sa gilid ko, may nakita akong lalaki na nakaupo dun at may pinapanuod sa cellphone nya. Shet porn!! Aalis na sana ako nung tawagin nya ko.

"Makikinuod ka?" Humarap ako sa kanya tsaka ko na-realize na sya yung lalaking maingay sa likod ko nung bumili ako ng ticket at sya din yung bumangga sakin kaya nalaglag lahat ng dala ko na gamit at nagngangalang Kris Cruz na dahilan kung bakit ako na-late!!

Whoo. Elsa, breathe! Nase-stress ang katawang lupa ko sa lalaking to.

"Alam mo ba na library to?" Sabi ko. Feeling student librarian lang ako.

Tumingin sya sakin with his bored look, "Alam ko. Di ako tanga." Go Elsa Dagger! Di ka pinalaki ng tatay mong si Cloak Dagger na walang fighting spirit!

"Sinabi ko bang tanga ka? At kung pwede, kung manunuod ka, i-mute mo. Okaya wag dito. Library to. Hindi porn area." Sabi ko. Tumayo sya sa pagkakaupo nya at tinago yung cellphone nya sa bulsa nya. Linapitan nya ko, "Dami mong dada, Elsa." Tsaka nya ko iniwan na may pagtataka. Paano nya ko nakilala?

Weeks passed at medyo hindi na kami busy sa school. Kakatapos lang din ng exams namin kaya checking lang ng testpapers ang gagawin namin.

"So class, yung checheck-an nyo yung paper ng ibang section." Sabi nung adviser namin. Pinamigay na nya samin yung papers na checheck-an namin. Kanino kaya yung akin? Nung nabigay na yung paper sakin, nainis ako.

One Shot CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon