Louis Carpio

116 4 2
                                    

Napasapok ako sa noo ko! Katrina lagot ka na naman sa parents mo!! Tinignan ko yung test paper ko, lukutin ko kaya? Punitin? Sunugin? Itapon? Out of 70, 24 lang ang score ko! 

Napatingin ako sa mga kaklase ko, sila tuwang tuwa sa mga scores nila samantalang ako, bagsak!

"Huy bes! Nage-emo ka na naman dyan. Bagsak ka na naman noh?" sabi sakin ni Nads. Tinapunan ko lang sya ng tingin. Eh ano naman kung bagsak ako? Ikakamatay ko ba yun? Papel lang naman yang testpaper na yan, di ko naman makakain yan.

"Shut up. Ikaw ilan ka?" tanong ko sa kanya. Proud na proud sya nung pinakita sakin yung testpaper nya. Boset! Isa lang naman tinaas nya sakin tapos proud na proud na sya?

"Mas mataas ka lang sakin ng isang puntos! Psh. Proud na proud ka naman." sabi ko. Tinawanan lang nya ko. Buong oras, natulog lang ako.

Rebelde akong bata? Oo. Tanga ba ko? Oo. Tamad ba ko? Sobra. Wala akong pakialam sa pag-aaral ko? Oo wala. And so what? Mayaman naman ako eh. Di ko makakain yang grades na yan. Mabubuhay ako hindi dahil nag-aral ako kundi may pera ako.

Nagising ako bigla nung biglang paluin ng prof ko yung upuan ko, "Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya. Nag-stretch ako ng braso ko. Kahit kailan, storbo sa pagtulog tong panot kong prof na to.

"Anong problema ko Miss Aragones? Ikaw. Binagsak mo na nga ang subject ko, tutulugan mo pa ko? Student ka ba talaga?" tanong nya sakin. Napairap ako tsaka tumayo. Kinuha ko yung bag ko.

"Kung dadakdakan mo ko dito, ipa-detention mo ko. Atleast dun tahimik ang buhay ko. Makakatulog pa ko." sabi ko. Mas nagalit naman yung prof namin kaya agad akong pinapunta sa detention room.

Pagpasok ko sa detention room, naupo agad ako at hinanda yung sarili ko sa pagtulog. Matutulog muna ko ng ilang oras tapos lalabas na ko dito.

Patulog na sana ako nung bumukas yung pintuan ng detention room at may pumasok na isang lalaki. Akala ko magiging tahimik buhay ko dito sa detention room, hindi pala! May storbo din dito!

"Psh. Walangya naman. Ang sakit nya sumapak." sabi nya. Pumikit na ko. Di ko naman sya kilala, matutulog na lang ako!

"Hindi naman ako yung naunang sumapak. Bakit ako ang nandito? Shemay, dapat nasa clinic ako ngayon eh." sabi na naman nya. Kinakausap ba nya sarili nya? Hindi dapat sya dito dinala eh, dapat sa mental!

"Mga tao talaga ngayon, hindi marunong makinig sa iba. Kahit hindi naman nakita yung nangyari, kung ano yung narinig nila, yun yung--" napatigil sya nung sumigaw ako.

"Manahimik ka nga! May natutulog dito oh!!" sigaw ko. Nanahimik naman sya. Mabuti! Pero nagising ako nung may naramdaman ako sa tabi ko. Ha?

Napamulat ako. Nagulat ako nung nakita kong ang lapit ng mukha nya sakin tapos nakatitig pa sya sakin. Tinulak ko sya ng malakas kaya napasigaw sya sa sakit.

"Sino ka bang manyak ka?" sabi ko. Inayos nya yung salamin nya. Ayos! Nerd pala to eh! Tumayo sya tapos pinagpagan yung pants nya. Lumapit sya sakin at naglahad ng kamay nya.

"Ako nga pala si Louis Carpio." sabi nya. Di ko sana sya papansinin pero nakita ko na may tumutulong dugo galing sa ilong nya.

"N-Nagno-nosebleed ka!" sabi ko. Napahawak sya sa ilong nya tsaka nya nakitang dumudugo yung ilong nya. Napatayo ako. What to do?

Kinapa ko yung bulsa ko tsaka kinuha yung panyo ko. Inabot ko sa kanya yun tsaka pinunas sa ilong nya, "Salamat." sabi nya sakin.

Naupo muna sya tapos pinaypayan yung sarili nya. Di naman mainit sa detention room, pero na-nosebleed sya?

One Shot CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon